CHAPTER FOUR :
EN PUNTO alasyete ay nasa MONTE-CARLO Residence na siya. Mismong si Anthon ang sumalubong sa kanya…. Ikinatuwa nito ang pagdating niya..
“I’m glad you came Andi,, duda pa talaga ako kanina na darating ka ”
“ May isang salita ako Anthon, , kapag sinabi ko ginagawa ko ,, nasaan ang Papa mo ?”
“ah nandoon siya kanina ka pa nga niya hinahanap ,, pinagalitan na nga ako dapat daw ay sinundo na kita walang tiwala sa akin ’’ napakamot sa may batok na sabi nito sa kanya
Hindi na siya nakasagot sa sinabi nito . Dahil lumapit na sa kanila ang ina nito . Agad silang nagbesu-beso. Kasunod niyon ay inaya na siya nito sa loob at doon ay naghihintay na sa kanila ang asawa…. Ng ginang
“ iha ,buti at nakarating ka akala ko ay pinaglololoko lamang ako ni Anthon , maupo ka iha wag kang mahiya dahil ilang linggo na lamang ay magiging bahagi kana ng pamilyang ito” nakangiting pahayag ng ama ni Anthon..
“ah salamat po ‘’ at naupo na siya sa tabi ni anthon siya pinaupo as in saan pa nga ba
“nagtataka ka siguro iha, kong bakit akita pinapunta ngayon dito..?”anang lalaki
“ ang sabi ni anthon ay may gusto raw kayong sabihin sa akin.”
“ iha ,, alam kog nabibilisan ka sa mga nangyayari , at hinihiling kong sana ay maging maayos ang lahat ng aking anak pasaway siya kaya sana ay pagpasensyahan mo siya habaan mo ang pasensya mo sa kanya”
“ PAPA, anong pasaway ako ano bang sinasabi nyo ha” angal ni anthon
“ manahimik ka anthonio hindi kita kinakausap”
“ pero PAPA,,,your talking nonsense,”
“ sabing ng manahimik ka” utos ng ama
“ ah tito , wag kayong mag-alala sanay na po ako sa ugali ng anak nyo…”nangingiting sabi nya
“ mabuti naman iha sana ay wala ng maging problema “
“ah tito ‘’
“ bakit iha , may problema ba”
“wala naman po” aniya bakit ba hindi nya masabi ang talagang gusto nyang sabihin ay nyang magpakasal kay anhton pero hindi nya maintindihan ang kanyang sarili kong bakit sya hindi maka-hindi dito
“ tama na nga muna nya , kumain na muna tayo tiyak na nagugutom na si andrea,,” nakangiting sabi ng ina ni anthon.
“ mabuti pa nga , sige na iha kumain na tayo,,”utos ng ama nito
AT KUMAIN NA NGA SILA….
“ AH iha sana ay hndi mo makalimutan ang pinag-usap natin ‘’
“ opo” tanging naisagot niya kase hanggang ngayon ay hindi parin niya mapaniwalaan ang lahat hindi nya lubos maisip lumulutang parin ang kanyang isip
“ inaasahan kita iha, sana ay mapagbigyan mo ang ipinakiusap ko saiyo”
“ pag-iisipan ko po”sagot nya
“salamat naman kong ganun mag-ingat kayo sa pag-uwi ,, anthon pag-ingatan mong mabuti si andrea at tigilan mo na ang kalokohan mo naiintindihan mo”
“ opo PAPA ,wag kayong mag-alala,,,,,”sagot naman nito
“ sige po tito aalis nap o kami”paalam niya
“ PAPA na dapat ang itawag mo sa akin iha dapat ay masanay kana na tawagin ako na PAPA at MAMA sa aking esposa
“ ah opo PAPA,,” naiilang niya tugon dito“ sige na po mauna nap o kami PAPA….”
SA KOTSE…….
“anong pinag-usapan ninyo ng papa ko “tanong nito
“ wala ka na doon”
“ anong wala na ako doon ,,, alam kog may kinalaman sa akin ang pianag-usapan niyo ni papa kaya sabihin mo sa akin”
“ wala kang malalaman sa akin , kaya ang mabuti pa eh manahimik ka nalang kase hanggang ngayon hindi ako makapag-isip ng matino”
“ at bakit kailan ka pa nag-kaisip ?”
Tiningnan niya ito ng matalim sabay sabing “manahimik ka nga dyan kung wala kang magandang sasanihin itikom mo ang bibig mo”
“ bakit baa yaw mong sabihin sa akin ang pinag-usapan niyo “
“ wala ka ng paki okey , in the first place naisip mo ba kung gusto ng papa mo na ipaalam sa iyo ang pinag-usapan namin e di sana kanina mo pa nalaman nag-iisip ka ba sabagay wala ka nga pala nun “ sabi niyang natatawa
“curious lang ako”
“ talaga , well sorry wala akong sasabihin” aniya with matching zip nang kanyang bibig
“ ah bahala ka na nga “
“talaga ,,,,,,bahala na talaga ako”tugon niya pero hindi siya makapaniwala sa hinihiling ng ama nito at sa mga sinabi nito sa akanya ….naalala niya ang sinabi ng ama nito…..
“pakasalan ka sa anak ko magiging mabuting asawa siya saiyo nasisigurado ko iyan sa pkiusap ko lang sana ay matutunan mo rin syang mahalin balang-araw ,,bigyan mo siya ng pakakataon alam kong walang ginawang mabuti ang anak ko saiyo pero alam kong ikaw ang nararapat para sa kanya kaya sana give him a chance,,, mangako ka please ,, iha inaasahan kita sana ay mapagbigyan mo akomagiging masaya ako kung magagawa mo ito kahit mawala na ako magiging panatag ang loob ko?”
“nanahimik ka ata “ anito sa kanya
“mag-drive ka na nga lang dyan at pwede ba wag kang magulo”
“oo na mananahimik na “ naiiling na sabi nito,,,
NANAHIMIK NGA ITO HANGGANG SA MAIHATID SYA SA KANILA…
“ano pang ginagawa mo bakit di ka pa umalis ?”
“hindi mo man lang ba ako papasukin ?”
“ ah at gusto mo pang pumasok para ano naman close ba tayo?”
“ close,, baka nakakalimutan mo na magiging mag-asawa na tayo kaya hindi lang tayo close kundi close na close ….”pang-aasar nito sa kanya
“ pwede ba ,, hindi ko nakakalimutan ,, pero gusto kong makalimutan at sana nga panaginip lang ito ay hindi pala banungot pala ito at sana magisaing na ako..”tugon niya dito” umalis kana bago ba ako mapikon saiyo at makatikim ka sa akin”
“ anong matitikman ko masarap ba yon ha”panunudyo nito
“magtigil ka ,, ito ang matitikman mo gusto” sabay taas ng kamao hinambaan niya ito ng suntok at mabilis na sumakay ng koyse ang binata tapos ay kumaway sa kanya at nag-flying kiss pa ito sa kanya
“ at talagang gusto mong tamaan ha “akmang susugurin na nya ito ng pinaandar na nito ang kotse sa sabing –
“babu “sabay kaway narin
“nakakainis talaga ang hudyo yong kaasar” gigil na pumasok na siya sa loob ng bahay
“ iha ,, dumating kana pala si anthon asan ?”tanong na kanyang ina na nag-aabang sa kanya
“ umalis na po sya mama, “
“bakit di mo man lang sya pinapasok”
“mama naman kailangan pa ba yon ,si daddy nasaan ?”
“ ah nasa study room , may inayos na papeles sige puntahan mo siya para ipaalam na dumating kana..”
“okey Ma , sige”
AT PINUNTAHAN NYA ANG DADDY NYA ….
“dad,,, nandito na po ako”
“uh iha ,, nandyan ka nap ala kamusta ang pagpasyal mo sa bahay ng mga MONTE-CARLO”
“OK naman po ah sige po magpapahinga na po ako ipinaalam ko lang na dumatin ako” paalam niya sa ama
“sige you should rest ,goodnight ,”
“goodnight din po dad”