Chapter Two

28 1 0
                                    

CHAPTER   TWO:

“wow girl bakit di mo sinabi sa akin na ikaw pala ang masuwerteng babaeng mapapangasawa ni Anthon ‘’nagulat na sabi ni sari

“hindi nakakatawa , pwede ba tigilan mo ako wala ako sa mood para makipagbiruan sayo”seryosong tugon nya dito

“Andi  ,, alam ko ang nararamdaman mo pero wala ka nang magagawa kundi tanggapin ang lahat,, at magpakasal kay Anthon,”

“hindi ko kayang gawin yon alam mo kong gaano kalaki ang PAGkainis ko sa taong yon hindi kami magkakasundo”

“Andi   ,, si anthon-

“stop talking about him sari , hindi ko na gustong makarinig ng kahit na ano tungkol sa kanya okey”

“pero friend kase-

“sari   ,,sabi nang—‘’naputol sa sasabihin nya ng may nagsalita mula sa likuran nya,,,

“well mukhang tama nga ang sabi ng mama mo sa akin ‘’

GULAT NA NAPALINGON SYA NASA LIKOD NA PALA NIYA SI ANTHON……

“anong ginagawa mo dito  ,, pwede bang umalis ka ikaw ang pinaka ayokong Makita ngayon”

“bakit sa tingin  mo gusto rin kitang Makita ,, hindi no,,pero kinausap ako ni tita  , kausapin daw kita”

“ at bakit naman  ,,”

“ah sari pwede bang mahiram muna ang kaibigan mong ito” baling nito sa kaibigan nya

“oo naman ,, ah gurl  mauna na muna ako ha sige maiwan ko na kayo ng future husband mo” tukso nito sa kanya at gusto nyang kutusan ito

“tara  ,mag-usap tayo”sabi sa kanya ni anthon

“kung may sasabihin ka sabihin mo na wala akong balak sumama sa iyo”

“andrea  , hindi tayo pwedeng mag-usap sa kalye ,, gusto mo bang magtsimisan tayo ng mga tao kapag narinig nila ang pag-uusapan natin ,, gusto mo bang malaman nila……ang tungkol sa—”

“okey  ,, manahimik ka na ”sabay tingin siya sa paligid wala na siyang nagawa ng hilahin sya  nito

“sina MAMA at PAPA ang may makagustuhan nito at hindi ako…wala akong magagawa”naiiling na sabi ni Anthon, “Mag-aasawa ako against my will ,,,, Funny right?”

   Hindi nya alam ang isasagot sa binata . Puno ng pait ang boses nito. Naroon ang hinanakit. Kung ganoon , iisa lamang ang kanilang nararamdaman!

   Umuwi siyang gulong-gulo ang isip bakit ba nangyayari ito sa kanya , bakit sa kanya pa,.at katulad  na ng inaasahan nya mabilis ang pagkalat ng balita .. siya bilang isang ,,SANDOVAL at si ANTHON bilalang MONTE-CARLO tiyak pag-uusapan talaga sila….

    “Ang bilis naman ng balita noong isang gabi lang namanhikan ang mga MONTE-CARLO. WAG MONG SABIHING ALAM NA NG BUONG PROBINSYA NATIN ang tungkol sa kasal naming ni ANTHON?”aniya sa kadarating palamang nyang kaibigang si sari…

“Walang duda friend”

     Nahigit niya ang paghinga hindi pa nga siya lumalabas simula ng mamanhikan ang mga Monte-Carlo. Napailing-iling siya . Mga magulang niya kaya ang nagkalat ng balita?

      “Kita mo na ,sa simbahan din pala ang tuloy nyo ni Anthon . Kunwari ka pa ,,, ay aayaw ayaw.  Nag- iinarte ka lang pala , may gusto ka rin pala , kurutin kita dyan sa singit eh…

       “ You don’t understand,”

       “ang alin?”

     “FORGET IT, ’’kahit na ano pa ang sabihin nya ,hindi na niyon mapipigilan ang kasal nila ni anthon, “ kasali ka nga pala sa entourage namin”

       Namilog ang mga mata ni SARI . “ don’t KIDDING ME ,Andrea.’’ Subalit umaasa itong hindi nga siya nagbibiro. “ Maid of honor mo ba ako?”

      “sino pa ba ang kukunin ko?”

      TUMILI SI SARI

      Hinayaan na lamang niya ito .Halos lahat ay Masaya sa kasal nila ni Anthon , liban lang yata sa kanilang dalawa. Paano naman , ipinagkasundo lamang sila..

      “Kailan ang kasal?”

       “isang buwan ang preparasyon”

      “ha , ?”muling nanlaki ang mga mata nito. “isang buwan ? nagpapatawa ka ba?” subalit kumambiyo ito nang Makitang hindi siya nagbibiro.

     “iyon ang napagkasunduan . bukas ay darating dito ang tatahi ng gown ko . Kaya dapat ay nandito ka para masukatan ka na rin.  GARDEN WEDDING ….sa monte-carlo residence….

      “wow”

    Nagkibit –balikat siya . Kitang-kita niya ang inggit sa mga mata ng kaibigan . Kung  alam lang nitong wala siyang partisipasyon sa pagplano ng kanilang kasal.

    Ang mga magulang nila ni anthon  ang nagplano ng lahat. Kung tutuusin , pwede namang sa kanila ganapin ang kasal  malawak din naman ang kanilang hardin..

   “pero bakit parang matamlay ka ata?” puna sa kanya ng kaibigan “Hindi ba dapat ay Masaya ka? Pero ang tingin ko saiyong mukha ay parang walang kabuhay-buhay”

   “I’M NOT feeling well.”

“ I SEE” naniwala naman  si SARI. “ Kung ganoon, hindi na ako magtatagal . Babalik na lamang ako bukas para masukatan ,,,”

“ alas dos ng hapon.”

“sige.”

     Hindi na niya hinatid ang kaibigan . Dumako sa kawalan ang pansin niya . Ni hindi sila nag-uusap ni anthon . Kapwa sila nabiktima. Hindi nila kayang salungatin ang kanilang mga magulang.

    Anong mangyayari sa kanilang pagsasama? Pareho nilang alam na hindi sila magkasundo. Hindi kaya magiging karnabal ang pagsasama nila?

   Dapat ang mag-asawa ay binubuklod ng pag-ibig. Ni wala iyon sa pagitan nila ni anthon .Hindi kaya mauuwi lamang sa hiwalayan ang ibubunga ng pagkakasundo ng mga magulang nila?

    Wala pa nga silang relasyon, para na silang aso’t pusa ng lalaki. Paano na lang kung nagsasama na sila sa iisang bubong? Hindi kaya magkaroon ng mga pakpak ang mga pinggan at tasa?

My Unexpected Wedding.....Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon