Naiintindihan Mo Ba?

124 17 10
                                    

Ito'y orihinal na pagmamay-ari ng author at walang pinanggayahan na kung anuman. Galing lamang sa malawak at nagmamagaling niyang imahinasyon ang inyong mababasa. Ang panggagaya nito o kung anumang nilalaman dito ng walang pahintulot ng may-akda ay itinuturing na krimen (Plagiarism)

Wag na makulit. God is watching you.

//Naiintindihan Mo Ba?

written by akosiRenka


His POV

"Naiintindihan mo ba?"

 Hindi ko sya tiningnan imbis ay yumuko na lamang ako. 

 "Nakikinig ka ba?" 

 Ayoko. 

Ayoko syang pakinggan.

 "Vin, tanggapin mo na" 

 Hindi ko pa din sya tinitingnan. 

Ayoko.

 Ayokong maniwala. 

Ayoko syang pakinggan.

Naramdaman ko na lang na nagpakawala sya ng buntong hininga, at sa pagkakataong yun iniangat ko na ang ulo ko mula sa pagkakayuko at tiningnan ang mukha nya. 

 Ang korte ng kanyang mukha. Ang pigura ng kanyang katawan. Ang magaganda niyang mga mata. Hindi pa din kumukupas ang kanyang angking ganda. Ganyang ganyan din ang mukha ng taong minamahal ko ng lubos--- sya.  

Naaalala ko pa nung una kaming magkita, sa may vending machine sa tapat ng isang kilalang parke. Hindi lumabs sa vending machine ang inumin na dapat niyang bilhin pagkatapos niyang hulugan ito ng barya. Dahil sa likas akong matulungin at dagdag pogi points na din sa isang magandang magandang dalaga, tinulungan ko sya sa magaan nyang problema. Pinukpok ko, sinipa at kung anu-ano pang mga karate moves ang ginawa ko sa vending machine para lumabas na at malaglag ang dapat niyang binili dito.

At doon ko sya unang nakilala.

Oo. Nanligaw ako. Naging kami.

Masaya.

May tampuhan din naman kahit minsan. Pero nasusulusyunan din agad.

Ang babaeng ito, minahal ko ng lubos, ng tunay.

Umabot pa sa puntong lumuhod ako sa harapan nya hindi para humingi ng tawad, kundi para alukin siya na makasama hanggang sa aking pagtanda.

Ngunit, walang kasalang nangyari.


"Tanggapin mo na. Palayain mo na ko please"

Yumuko ako.

Umiling.

Ayoko.

Parang hindi ko kaya.

"Mahigit isang taon na. Tanggapin mo na"

Mahigit isang taon na nga pala. Hanggang ngayon, hindi ko pa din matanggap ang nangyari.

Hanggang ngayon, nabubuhay pa din ako sa nakaraan.

Nung mismong araw ng kasal namin, naghintay akong dumating sya sa tagpuan.

Isang oras, dalawa o mahigit pa.

Walang Joy na dumating.

Hindi sya dumating.

"Makinig ka naman oh. Please"

Ito ka na naman nagmamakaawa sakin.

Ayoko.

Di ko kayang tanggapin.

Hindi ko matanggap na kaya hindi ka nakadating nung araw na yun ay dahil sa nabangga ang sinasakyan mo.

Hindi ka nakadating dahil nag agaw-buhay ka at hindi ka na nakalaban.





"Vin, tanggapin mo ng matagal na kong patay. Palayain mo na ko sa imahinasyon mo. Wala kang mapapala kung hanggang ngayon hindi mo pa din matanggap"




Nakayuko lang ako.

Hindi kita kayang tingnan dahil baka bigla ka na lang maglaho.

Ang mahalaga sakin ngayon, naririnig ko ang boses mo.

Sapat na sakin ang ganitong sitwasyon.

Hangang ngayon nabubuhay pa din ako sa nakaraan.

Hindi ko alam kung hanggang kailan ako ganito.

Basta sa ngayon, patuloy pa din akong mabubuhay sa nakaraan. . . sa imahinasyong ako lang ang gumawa.



Ngayon, naiintindihan mo na ba?



__________________________________________________

a/n:

salamat sa pagbasa :)

Minsan lang ako gumawa ng one shot, bale pangalawa na to :)

yun lang 

love lots <3

--akosiRenka

Naiintindihan Mo Ba? (ONE SHOT) -by: akosiRenkaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon