Aktibista [one-shot] - #Wattys2015

81 4 1
                                    

Aktibista


Mabagal. Maingat. Tahimik. Tila ayaw magparinig ng mga paa ni Teresa habang papalapit ito sa isang lapida sa Manila North Cemetery. Unti-unting niyang nilibot ang paningin sa kanyang paligid – tila may tinataguan, o hinahanap – at dahan-dahang umupo.

Pagkabasa niya ng pangalan sa lapida ay tila tulad ng isang pelikula na nagsimula ang unti-unting bumabalik na nakaraan na ayaw na niyang alalahanin pa.

---


Nagsimula ang lahat isang umaga. Unang subject ni Teresa, na noo'y nasa ikalawang taon sa isang pamantasan sa Maynila, nang biglang may pumasok sa klase nila.

"Sorry, I'm late~" Napatigil ang lalaki sa pagsasalita at napatingin sa guro at klase nila Teresa. "Sorry, wrong room." Nag-peace sign ito sabay alis sa kwarto nila. Narinig naman ni Teresa ang mga pigil na tili ng mga kaklase nitong babae na tila kinikilig dahil nakakita ng isang gwapong artista.

Agad naman siyang tinapik ng kaibigan niyang si Clarisse. "Ba't tahimik ka?"

"Bakit naman ako mag-iingay?" Balik nitong tanong sa kaibigan.

"Hindi mo ba kilala kung sino yun?"

"Bakit ko naman siya kikilalanin?"

"Siya kaya si Angelo Justin Reyes, the H-O-T activist."

Natawa ng bahagya si Teresa sa sinabi ng kaibigan. Yun pala si AJ Reyes. Ang crush ng bayan, aka the H-O-T activist. Pero wala siyang pakialam doon. Iniisip nito na anong mapapala niya pag kilala niya yun. Baka maging aktibista pa siya.

--

Hindi iyon ang unang beses na nakita ni Teresa si AJ.

Dahil hindi naman kaluyaan ang pamantasang pinapasukan ni Teresa sa kanilang tahanan ay naglalakad lang ito papasok, ng makarinig siya ng~

"Iskolar ng Bayan! Ngayon ay lumalaban!"

Nasa isip noon ni Teresa, eto na naman. Ano bang napapala nila sa pagsigaw sa kalsada? Wala namang nakikinig sa kanila. Wala. Sayang lang ang boses. Sayang lang ang pagod. Sayang lang lahat.

Paglingon ni Teresa ay eksakto naman na napatingin din sa kanya ang lalaking sumisigaw. Nagtama ang kanilang mga mata, ngunit agad rin niya itong iniwas.

Sa unang pagkakataon sa buhay ni Teresa ay nanigas siya sa kinatatayuan niya.

Hindi alam ni Teresa kung paano niya isasa-wika ang lalaking nakita niya.

May kaputian ito. Mas maputi siguro ito kung hindi nabibilad sa araw.

Matangkad. Hindi naman gaano pero mas matangkad ito ng konti sa kanya.

Gwapo. Gwapo?

Sa tanang buhay ni Teresa ay wala pa siyang sinasabihan na gwapo maliban sa tatay nito, mga kapatid at iilang artista.

Biglang inalis ni Teresa ang kaisipang iyon. Nilagpasan na lamang niya sila at patuloy na naglakad patungong pamantasan.

--

"Ba't natulala ka d'yan? Crush mo siguro si AJ 'no? Ayyiee. Dalaga na si Tere."

Iyan ang mga katagang nagpabalik kay Teresa mula sa pag-iisip ng unang beses na nakita niya si AJ.

"H-hindi ah. May naalala lang ako."

"Asus! Kunwari pa. 'Wag ka mag-alala, hindi ko type yun."

Aktibista [one-shot] - #Wattys2015Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon