OTB :Why I hate him

507 25 0
                                        

i dedicate this chapter to my special reader ACKIE DELA PENA

dahil sa kakulitan mo idededicate ko sayo ang first chapter...hihi kung gagawa ka ng story susubaybayan ko din ako pa gagawa ng cover mo haha^^ sana subaybayan mo sya hanggang dulo ^^ thankyou

------

Too nga ba yung "the more you hate the more you love "?

Sa storyang to parang malabo ata... "the more I meet him the more I hate him" yan ata ang right term hahaha!!
--
"Bakit ba ayaw mo kay papa Vince? Ang pogi kaya nun !"-sabi ni Clare na halos mabulunan na sa pagkain French fries

Haler!! POGI?!hindi ko alam kung talaga bang bulag tong nerd kong bestfriend o nagbubulag bulagan lang?!

"Nakoooo!! Claire tara sa tita ko! Ipapa check up natin yang mata mo! Para maagapan "-tumayo na ako at kinuha yung picnic basket

"Alam mo! Ang sama mo talaga! Kumakain pa ko eh! Kung gusto mo ikaw magpunta sa tita mo! Iwan mo yang basket dito! "-Agad naman akong tumakbo at nagbelat sa kanya, hihi!!

"BAHALA KA DYAN AALIS NA KO! "-pahabol ko at kumaripas na ng takbo

"HOY LY !! intayin mo nga ako! Sige di kita sasamahan sa Zipline"- Huminto naman ako sa pagtakbo at tinawanan si Claire na hingal na hingal ,haha!! ^_^

"Hahaha!! Pasalamat ka gusto ko talagang mag zipline ngayon! Kung hindi iniwan na kita dyan! HAHAHA!! "-natawa naman ako sa itsura nung bestfriend ko ,namumula kasi sya dahil sa pagtakbo

"Alam mo! Hindi ko talaga alam kung kaibigan kita o Hindi!! "-inabutan ko naman sya ng tubig, mahirap na baka pag nawala to maging loner ako sa school CHAROT!! :P

Hingal na hingal si Claire kaya umupo muna kami sa bench, nasa tagaytay kasi kami, hihi! Alam nyo na boring sa bahay, parehas pa kaming bunso at may masusungit na kapatid ang kaibahan nga lang eh puro babae sila sa pamilya. Since grade six ay naging kaibigan ko na si Claire, Mayroon syang malalaking salamin ,makapal na kilay at pimples na parang constellation sa dami pramis!Hindi ko ba alam sa babaeng to parang araw-araw nya pasan ang mundo, at pati pagkukunan ng pondo ng pamahalan, kakulangan ng supply ng bigas sa bansa,kung paano marerecycle lahat ng basura sa mother earth at kung gaano nalang karami ang hibla ng buhok ni pinoy ay pinoproblema nya ayan ang laki ng eyebags

Niligtas ko sya noon kay Vince! Oo si Vince na naman !paulit -ulit na yung pangalan nya!tss! I hate that bastard!, simula noon ay lagi ng dumidikit saakin si Claire natatakot kasi syang mabully ulit, kaya ayon imbis na makipagkaibigan ako sa mga plastic ,mayayabang at maarte kong girl classmates ay mas gugustuhin ko pang si Claire ang kasama, ayaw ko kasi sa mga taong akala mo ay bituin sa langin na sobrang taas ng tingin sa sarili nila! Sa mga taong walang alam gawin kundi makipag sosyalan at makipag bonggahan sa bawat araw na ginawa ng diyos!they even say that I have a 0% when it comes to my fashion sense! But duh! Who cares?

"Claire tara na dun sa zipline dali!! Para mapanuod natin yung sunset "-Sabi ko at Agad naman syang tumayo at kinuha yung basket

"Ilagay muna natin to sa kotse Ly! Para makapamili tayo mamaya sa souvenirs shop "-Medyo mabigat din yung picnic basket kaya nilagay muna namin sa kotse

"OMG Pangatlo na natin to pero kinakabahan parin ako "-nanginginig ako habang kinakabitan kami ng harness, habang si Claire naman ay isinabit sa kanyang leeg yung DSLR nyang dala

"Ewan ko ba sayo! Gustong gusto mo ng extreme sports pero duwag ka naman "-sabi ni Claire, pero totoo naman, duwag talaga ako haha!

"WHAAAAAAAAAAAAAAAAAA!!!!!! "-grabe nakakatakot talaga, mahaba yung zipline na to ,ako dito takot na takot etong si Claire nagawa pang picturan yung sunset!!!

One of The BoysMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon