OTB:Jerk

153 6 0
                                        

Dedicated to my self ^^ any hirap maging artist nakakaloka!


•••••

Nandito kami ngayon sa bahay nina Claire, hindi pa rin sya nagsasalita...

Ganito sya kapag may naririnig na sigawan, nagtatakip sya ng tenga at hindi mapakali. Napansin ko na to noon Kay Claire tuwing sisigawan sya ni Vince dati o ng iba pa naming classmates .

Isang araw nalaman ng mama nya na may kaibigan na si Claire sa school, kinausap nya ako.... I found out na may trauma si Claire sa mga ganong bagay.

Pero hanggang ngayon hindi ko parin alam yung tunay na rason kung bakit sya nagkaroon ng ganitong trauma.

"Mas nakakatakot pala sya pag hindi nagsasalita"-sira talaga tong si Tim

"Bwisit talaga yung Salszar na yon! Ang angas eh! Seryoso ba talaga si Tito na ipapakasal ka nya sa taong yon? Unbelievable! "-sabi ni Clark

Hawak nya yung ice bag ,may pasa kasi! Buti hindi masyadong halata

"Kung sana nga ay joke lang ni dad yon! Ako na ang pinaka masayang babae sa mundo! "-sabi ko at tinabihan si claire sa balcony ng kwarto nya

Akala ba nila sasaya ko sa taong yon? He's a total jerk! For Pete's sake!!! Alam ko na kaya ako gustong ipakasal ni dad sa asungot na yon ay dahil sa business namin, mas lalaki yon sakaling maging mag-asawa na kami ni Vince!

"Well, in this world you must accept the reality of life! And this is the life that our parents choose for us lyza! wala tayong choice kundi tangapin nalang ang katotohanan na hindi natin kontrolado ang buhay natin at wala tayong laban! "-sabi ni jet at napa buntong hininga nalang

I'm lucky na may karamay ako sa mga ganitong bagay, hindi naman sa agree ako na naarrage marriage din si jet , kundi dahil may nakakaintindihan ako sa sitwasyon ko.

Tulad ko naging mahirap din para kay Jet na tanggapin yung sitwasyon. Pero sya narin ang nagsabi na wala kaming choice kundi magpa anod nalang sa alon ng buhay

"buti nalang, hindi pa naiisipan ni mama na ipakasal ako"-abnormal talaga

"Tss, hinding hindi ka ipakakasal nila tita, dahil ipapaampon ka nila, magkaroon ba naman ng anak na may saltik ang isa sa mga pinaka makakapangyarihang business tycoon!! such a disgrace! "-pang-aasar ni Clark kay Tim

"Ako disgrace?! Hahaha! Ang swerte nga nila at may anak silang sing gwapo ko! "-sabi ni Tim

Ang lakas talaga ng hangin nya sa katawan, minsan tinatanong ko nalang yung sarili ko kung dapat na ba naming ipa check up tong pugo na to! Minsan pikon kung hindi pikon hyper!

"Gutom lang yan pre! Hindi tayo nag lunch "-sabi ni jet

Nga no!Hindi pa kami kumakain ng tanghalian ^^

*tok *tok

"Tim ikaw na mag bukas "-sabi ni jet

Minsan may pagka tamad din to eh!

"Wow ah! Ikaw malapit sa pinto inutos mo pa sakin! "-sagot ni Tim

Tumayo nalang ako at binuksan yung pinto, lahat nalang pagaawayan! Tsk

"Ah Tita Cleo ^^"-nako kadarating lang siguro nya...... baka malaman nya!anak ng tokwa!

Ngumiti si tita sa akin diredetetso syang pumasok sa kwarto ni Claire what to do? Lumingon si Claire at dirediretso sa CR... ang weird nya talaga!

"Kanina pa ba kayo dito? Pasensya na kadarating ko lang... si Claire talaga! Hindi manlang sinabi na darating kayo, sana man lang nakapag handa ako "-sabi ni tita

One of The BoysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon