CHAPTER 4

1.1K 18 2
                                    

Chapter 4:

Xyla Camille Linx Dilesto

Nagsimula na ang klase namin at nag discuss ang adviser namin about sa darating na Intramurals. Nakasimangot lang ako, sana ma excite ang itsura ko ngayon! Tsk. Kakainis, kung di ko lang talaga katabi si Lance tuwang tuwa pa ako at kung tutuusin ay hinahampas hampas ko pa si Justine dapat tapos magagalit siya at kikilitiin niya naman ako. Yung ganon! Pero hindi na eh! Kakainis.

"Tsk! Eiiih!" hindi talaga ako mapakali sa pwesto ko ngayon! Haharap ako sa left ko tapos sa harapan tapos sa left ulit! Aiiyyssh!

"Ano bang nangyayari sa'yo at napaka likot mo?" tanong ni Lance.

"Wala!" sabi ko naman at humarap nalang sa may black board.

"Sino nga ulit ang ating Muse?" tanong ni T. Mona.

"Si Patrisha po kaso absent!" sigaw ng mga kaklase ko.

"Oh Rhed? Anong nangyari sa kapatid mo?" tanong ni T. Mona kay Kuya Rhed. Tinignan naman namin siya.

"Masakit po kasi katawan kaya hindi pumasok" medyo inis na sabi ni Kuya Rhed.

"Ah ganon ba? Sige dipende kapatid naman niya ang Escort natin" sabi ni T. Mona at ngumiti. It's true! Magkapatid ang Muse at Escort namin. Si Patrisha at si Kuya Rhed, hindi kasi nila alam na magkapatid sila dahil seperated parents at ang gamit na apelyido ni Patrisha ay yung sa Mama niya. basta long story! Kahit nga ako hindi ko alam na magkapatid sila nung una eh.

"Oh isa pa, dahil ako ang music teacher niyo. I'm looking for a lyrist? Sinong marunong mag Lyre dito? Sa Drum wala na akong problema dun dahil kasama naman sa band si Lance, si Crystian at si James eh, at kung tutuusin ay kulang talaga sa Lyre eh. Dami na kasing nagsi graduate na lyrist ko " rinig kong sabi ni T. Mona. Pero hindi ko naiintindihan ng maayos dahil... I don't care! Naiinis talaga ako dito sa katabi ko!

"Anyone? Wala bang marunong mag lyre dito?" tanong ni T. Mona. Nag taas ng kamay si Lance.

"Cher, hindi na po ako magbabanda. Hindi na po ako marunong eh" sabi ni Lance. Psh.

"Sayang naman kung ganon. Sige mag hahanap nalang ako ng kapalit mo... o ano na? sino bang lyrist dito dati? Or rather marunong mag lyre?" nakita kong nagtaas ng kamay si Justine at halatang napaka apurado niya. grabe. Yumuko lang ako at pinaglaruan ang panyo ko habang nakabusangot.

"Cher si Linx! Marunong si Linx Cher!" sigaw ni Justine. Tsk. Ang ingay nam—wait... WHAT?!

"Linx marunong ka ba?" tanong ni T. Mona sa akin. Napa-ayos naman ako ng upo ko at napatuwid pa! lahat ng kaklase ko nakatingin sa akin tuloy. Ano ba naman yan! Lumingon ako kay Lance at nagtaas lang siya ng kilay, tsk! Bakit kasi kailangan ko pang lingunin!? Hay nako!

"Linx?"

"A-ahh... Opo cher, marunong po ako" sabi ko naman as I clear my throat at umayos ng upo ulit.

"Ok wait lang" lumabas si T. Mona saglit kaya napatingin ako kay Justine at nag thumbs up lang siya. Minake face ko lang. tsk, kakainis naman oh!

Lumoob si T. Mona na may dalang lyre. Shit, wag niyang sabihin na...

"Can you please perform infront of the class?" Tsk! Sabi na nga ba eh! Ilang segundo akong nakaupo bago ako tuluyang nagpunta sa harapan. Kinuha ako ang lyre na inaabot sa akin ni T. Mona at ipinwesto sa kamay ko.

"Ano po bang kanta?" tanong ko.

"Kahit ano, anak" sabi ni T. Mona at ngumiti. Nag-isip muna ako shaka tumugtog ng lyre. Thinking of you by Katy Perry. Tumingin ako sa mga kaklase ko saglit at ibinalik din ang tingin sa lyre. Shit! Matutunaw na ata ako sa mga tingin nila! Grabe, ahuhuhu. Tinignan ko ang reaksyon ni T. Mona at nakapikit lang siya habang nakangiti at pinapakinggan ang kanta.

Deal with the Devil [SHORT Story]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon