Author's Note:
Hello po! Itong story po na ito ay kathang-isip lang.
Kung may naaalala ko kayo habang binabasa ang story na ito ay di ko po yun sinasadya.
Sa totoo lang napanaginipan ko ito kaya ko ginawang one shot story. Di ko kasi makalimutan eh.
Atsaka ang sakit lang pag sa atin nangyari ito. Kaya sa mga magpapatuloy para basahin ito
thank you po! :)
---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
"Chennie kita tayo mamaya ha? Wag mo kakalimutan." paalala sakin ni Markie.
siya ang boyfrien ko. Mahal na mahal ko yan. Kaso di ko gaano pinapahalata
sakanya. Baka kasi lumaki ulo eh haha.
"Chennie!" sigaw niya sa kabilang linya.
Agad ko namang inilayo sa tenga ko ang phone ko. Ang sakit sa tenga ang boses ng lalaking yun.
Pasalamat siya mahal ko siya kundi kanina ko pa ibinaba 'tong phone.
"Ano?! So, sinisigawan mo na ko ngayon?" sagot ko naman sakanya.
Aba, itong lalaking ito. sinisigawan na ako ah.
"Ahehehe hindi ah. Ikaw naman. Ayaw mo kasi sumagot eh kanina pa
kita kinakausap." mahinahon naman niyang sagot. Naiimagine ko siyang
naka-pout habang sinasabi yan haha.
"Ano ba yung sinasabi mo?" tanong ko naman sakanya. Di ko kasi
narinig yung mga sinabi niya kanina.
"Sabi ko kita tayo mamaya. Sunduin kita." Ah oo nga pala
may date kami ngayon.
Kahit busy siya at busy rin ako naghahanap parin kami ng time para sa isa't-isa.
Minsan nga pinapa-cancel niya ang mga hosting gigs niya pag natapat sa
araw na kailangan niya akong suportahan o tuwing monthsary namin.
Tulad nung birthday ko. Buong araw kami magkasama, sinabi ko nga sa
kanya baka hanapin siya ng manager niya kaso nagpupumilit eh.
Okay lang daw. Di ko pa pala nasabi kung ano talagang work niya.
Artista siya, kaya busy at hosting gigs. Pogi yan at sikat rin.
Nung nag start nga kaming mag date naiilang ako baka sabihin nila
dumidikit lang ako sa kanya para sumikat.
Ewan ko ba dyan ba't niya ko nagustuhan. Di naman sa nilalait ko ang
sarili ko pero kasi di naman ako artista talaga medyo sikat lang din.
MEDYO ah, di ko sinabing sikat talaga. Parte kasi ako ng isang sikat na
grupo. Ang daming nag a-idolize samin. Sabi ako daw pinakamaganda..
hahaha charot. Sabi nila yun di ako ang nagsabi. Nakakatakot
din kaya magkaron ng mga fans lalo na stalkers. Puntahan ba naman
![](https://img.wattpad.com/cover/5387619-288-k107263.jpg)