The guy with a blue shirt (One Shot)

74 2 2
                                    

"Amber! Ano ba? Napaka-immature ng act mo na yan ha?"

Hindi ko na siya pinansin at pinagpatuloy lang ang ginagawa ko.

"Please? Tumingin ka naman saken. Kanina pa kita kinakausap! Nakakainis na!"

Humarap na ko sakanya pero hindi padin nagsalita. Ayokong sumagot dahil alam kong magkakasagutan lang kame, at lalo kaming mag-aaway.

"Ano? Tititigan mo na lang ako?"

Nagsaksak na ko ng earphones sa tenga ko. Tulad ng sabi ko kanina, pinipilit ko ang sarili ko na hindi na sumagot.

"Fine." tumayo na siya pagkatapos non at umalis na.

*Sigh* Tinanggal ko na din ang earphones ko at pumasok na ko sa kwarto ko.

Pagpasok ko, nakita ko yung isang kahon sa kama ko. Ito yung mga gamit na binigay sakin ni Mac, at bigay samin ng mga kaibigan namin.

"Ma, ba't po andito to?"

"Sorry 'nak ha? Ipapalinis ko kasi kwarto mo eh. Tinatanggal ko mga bagay na baka mapakialaman ng maid." sagot ni mama habang pinupunasan ang mga kamay niya.

"Sige ma, ako na po mag-aayos."

Uupo na kaagad ako sa kama ko nung makalabas si mama. Naghalungkat ako dun sa box na nasa kama ko. Ang tagal ko na din  na hindi nakikita tong mga to.

Nagsimula ako sa mga pictures. Mga kakulitan namin, at mga stolen shots.

Mula sa first picture namen na sobrang tagal na ang nakalipas. Hanggang sa mga small trips namin kung san san.

Yung first trip namin sa Boracay kasama mga kaibigan namin. Napakasaya ng araw na yon. Isa sa mga di ko talaga malilimutan. Dito din niya ko unang kinantahan. Kinanta niya yung theme song daw namin. :D Yun yung "Endlessly" ng The cab. :) Ang ganda ng meaning ng kanta na yon. Lalo na din pag siya ang nakanta, mas nagiging special.

Naghalungkat ulit ako sa kahon at nakita ko ang mga sweet shots namin sa Caleruega, dahil nagkaroon kami ng photoshoot para sa isang project. Ang damiing nangyari ng araw na yon. Bukod sa, kami ang may pinakamaraming shots dahil kami yung subject ng photoshoot--para daw di awkward yung sweetness-- napaka gulo namin ng buong barkada non.  Pati si Mac, sobrang gulo. Nun ko siya unang naramdaman na parang bestfriend ko siya. Pero kung mahalin niya ko, parang asawa. :3

Pero ang pinaka di ko makakalimutan ay yung panahon na pumunta kaming enchanted kingdom nung first anniversary namen. Kahit kaming dalwa lang, enjoy.

Naghalungkat na ko sa kahon para dun sa binigay niya saken nung nasa enchanted kami--ang mahiwagang singsing. :) Binigay niya to saken nung nakasakay kami sa ferris wheel. Ang dami pa niyang ka-cheesyhan na sinabi non bago niya binigay sakin to. And in the end, napaiyak din ako sa mga sinabi niya. :) 

Pero nung second anniversary namen, ako naman ang nagbigay sakanya ng singsing. Simple lang din tulad nung una, pero naka-ukit yung initials namin sa loob ng rings. :) Natatandaan ko pa nun na ayaw niyang tanggapin dahil daw nahihiya siya saken. Ayaw daw niya na ginagastusan ko siya. :) Actually, ganun din naman ako eh. Ayaw ko na ginagastusan niya ko, pero para saming dalwa naman yun eh.. kaya, keri lang. :D 

Actually, nung mga panahong kasama ko siya, lagi naman masaya eh. Walang lumipas na panahon na malungkot.

Except nalang kung magkakaroon kami ng tampuhan o ano. Tulad ng tampuhan na 'to ngayon. Tuwing mangyayari na lang tong ganto, pumapasok nalang sa isip ko.. "Eto nanaman kami"

Nung mga last few days, halos lagi nalang kami nag-aaway. Ewan ko din kung bakit. Sabi nga nila, healthy daw sa isang relationship ang away. Pero, masama din naman ang sobra.

The guy with a blue shirt (One Shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon