Ch.4

10 1 0
                                    

(Seana's POV)

Halos kadarating ko lang dito sa hospital room ni CL nang makita ko si Cailix, yung kabanda niya. Ngumiti naman ako nang makita ko siya.

"Kanina ka pa ba nagbabantay sa kanya?" Tanong ko.

Simula nung maaksidente si CL, lagi ko na siya nakikita dito. Minsan uuwi tas babalik din. Naliligo lang yata siya. Di ko alam kung may namamagitan sa kanila ni CL pero kitang-kita naman sa actions niya yung care niya sa kaibigan ko.

"Hindi naman, siguro nauna lang ako sa iyo ng fifteen minutes," nakangiti niyang sagot. May hawak siyang gitara.

(Message Tone)

1 message received

From: Mahaloves

Mahal, hindi ako makakadaan diyan sa ospital. Daming ginagawa dito sa office. Kita na lang tayo mamayang 6. I love you po.

Medyo nalungkot lang ako. Pero naiintindihan ko naman.

"I hold the door, please come in and just sit here for a while.."

Kinakantahan ni Cailix si CL. Hihi.. Medyo kinilig ako. Sana magkadevelopan sila.. Sana talaga maisipan naman ni CL na mag boyfriend na.

(Door opens and closes)

Nakita ko naman sina Audrey at Liam na pumasok.

"Seana," bumeso naman sa akin si Audrey.

Lumapit naman si Liam kay Cailix matapos akong tanguan. Lima silang magkakabanda e.

"Wala kayong lakad mag boyfriend?" Tanong ko kay Audrey na nakatingin kina Liam at Cailix.

"Wala. Dito lang talaga namin balak pumunta," sagot niya sa akin.

Sabay kaming napalingon kay Cailix na kumakanta na ulit habang si Liam na ang natugtog ng gitara.

Nakita kong nag blush si Audrey nang kindatan siya ni Liam. Nakakatawa pero at the same time, nakakatuwa. Kasi nakahanap na rin si Audrey nang boyfriend.

"May alam ka ba kay Cailix at CL?" Wala sa loob na natanong ko kay Audrey.

"Iniisip ko rin nga yan e. Kasi diba, simula nang ma-ospital si CL, lagi na siyang nandito," bulong niya.

Bigla akong na-intriga dito kay Cailix.

"Wala bang naku-kwento sa iyo si Liam?" Ako.

"Naku, wala yang kwentang tanungin sa ganung bagay. Makakalimutin yan, pag sinabi mo sa kanyan ngayon, wala pang thirty minutes, nakalimutan niya na agad yung sinabi mo." Kakamot-kamot sa ulo na sagot sa akin ni Audrey.

"Pano kaya kung magising si CL, tas wala na talaga siyang maalala? Ipakilala kaya natin si Cailix na boyfriend niya?" Natatawa ako sa suggestion ko.

"Tam-"

"Sino kayo?"

(CL's POV)

"Cause I've been thinking 'bout you lately. Maybe you could save me from this crazy world we live in.."

Ang sarap sa tenga ng boses nun.. Sino kaya yung kumakanta?

Babaling sana ako sa left side kaso parang di ako makakilos nang mabilis. Sinubukan kong magmulat nang mata.. Kuh! Bakit ang labo? Ang bagal bumalik ng paningin ko..

Pumikit-pikit ako para bumalik agad yung clear eyesight ko. Puting kisame? E yung kisame ko pale yellow. Tsaka parang masakit right hand ko..

Ano ba nangyari? Bakit sobrang sakit ng katawan ko?

Naririnig ko pa ring may.. kumakanta?? Tinignan ko kung sino yun at nagulat ako nang may makita akong dalawang lalaki. Waaah.. Sino ba sila? May ginawa ba sila sa akin? Jusko po Lordy Tugade..

"Sino kayo?" Malakas na tanong ko sa kanilang dalawa. Saka ko lang napansin na may malaking karayom na nakasaksak sa kamay ko. Dextrose..

Waaaaah! Ano ba nangyari??

"Bibi/Bispren!"

Napalingon ako at nakita ko sina Audrey at Seana. Niyakap ko sila nung lumapit sila sa akin.

"Kilala mo kami?" Tanong sa akin ni Seana nung kumalas ako sa pagkakayakap sa kanila.

"Syempre naman!" Sagot ko. "Eh teka, sino ba sila? Tsaka ano'ng nangyari bakit ako nandito sa ospital?"

"Teka, tatawag muna kami ng doktor," narinig kong sabi nung lalaking kumanta kanina. Parang familiar siya, di ko lang matandaan kung saan ko siya nakita.

"Sino ba sila?" Tanong ko ulit dun sa dalawa. Pero pagkita ko sa kanila, naiyak na sila. Hala? Boyfriend na ba nila yung dalawa? Pero bakit di ko alam? Niloloko na ba ni Seana si Lloydidie?? "Huy! Bakit ba kayo naiyak? Boyfriend niyo ba sila?"

"Eh kasi naman noh! Akala namin di ka pa gigising," naiiyak na sabi ni Seana.

Halaaa! Edi ibig sabihin, boyfriend nga nila yun? Pero- "Awww!" Biglang sumakit ulo ko. Paghawak ko sa ulo ko, may benda.

"Ms. Cuarto," napalingon ako dun sa doktor na pumasok kasunod nung dalawa na boyfriends nila Audrey at Seana.

Di ko man lang nabalitaan na wala na sila Lloydie at Bibi. Hays..

May kung anu-ano'ng sinabi at tinanong sa akin yung doktora na di ko masyadong maintindihan.

Babalik daw yung doktorang maganda. Yiieeh! Haha.. Chix na chix yung doktora e.

"Alam niyo, kanina pa ako naguguluhan," umpisa ko. Nakatingin na sila sa aking apat. Napatingin ako kina Audrey at dun sa lalaking may nerdy eyeglasses na magkahawak ang kamay. Confirmed.

Lumipat naman yung tingin ko kay Seana at dun sa lalaking medyo cute na naka-bonnet. Hehe.. Cute niya, mukha siyang poodle. Charot. Magkalayo sila. LQ? O baka naman number two ni Seana si Poodle guy? Halaa..

"Di ko gusto natakbo sa isip mo," nilapitan ako ni Seana na may hawak na ballpen. Baka bigla niya kong saksakin ng hawak niyang ballpen.

Ngumiti ako. "Hehe.. Sorry, ipakilala mo kasi ako sa boyfriend mo," sabi ko sabay nguso dun sa lalaking nakabonnet.

Nahampas niya ako sa balikat. "Gaga ka! Hindi ko boyfriend yan! Boyfriend mo yan," sabi niya sa akin kaya nagulat ako.

"Hoy Bibi! Sa akin mo pa ibibintang yang kabit mo," sabi ko sa kanya. Tas nakita kong natawa si Audrey at yung boyfriend niya.

"Sige, alis na muna ako," sabi ni Poodle guy na nakabonnet.

Ay.. Bakit parang ang lungkot niya? Dahil ba nabuking ko sila ni Seana?

"Kumalma ka muna, pwede? Nang-rarat rat ka na naman e," sabi ni Seana at nag-umpisang mag kwento.

Saka ko lang nalaman na halos isang linggo akong tulog. At nalaman ko din na hindi niya pala talaga boyfriend number two si Poodle guy na nakabonnet. At sila pa rin ni Lloydie.

Nalaman ko din na kakilala ko pala yung boyfriend ni Audrey. Kaso ang di ko maintindihan, bakit hindi ko alam na kilala ko sila ni Poodle guy na nakabonnet, na Cailix pala ang pangalan.

Not A Fairytale (on going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon