Ch. 2

15 0 0
                                    

(A/N: Salamat po sa pagbasa :) kung may comments at suggestions kayo, welcome na welcome po yan. Gusto ko nga yun. Hehe.. thank you! God bless )

(CL's POV)

[Bilisan mo na huh? Mauubusan ka na ng pagkain. Nilantakan na nila Migs yung handa ni Peypey.] Elaine

"Hala! Oo, nagaabang na nga ako e. Wala pa lang nadaang sasakyan," sabi ko.

[Ganun ba. Sige, basta bilisan mong makapunta dito. Babye, ingat ka.]

"Ok. See yah!" Nakangiti kong sabi kahit di niya ako nakikita.

Pagkatapos ng tawag ni Elaine, sakto namang may humintong tricycle sa harap ko. Sa loob sana ako uupo kaso may magjowa pala. Ganun kasi dito sa lugar namin, pag sumakay ka ng special, mahal yung bayad. Kaya may mga makakasabay ka talaga. Unlike sa ibang lugar, solo yung tricycle.

"Ay hindi na. Dito na lang ako sa likod ng driver," sabi ko dun sa lalaki. Pababa na sana siya para dun ako sa loob.

Mabilis akong pumunta at umupo sa likod. Sinabi ko sa driver kung saan ako ihahatid.

"Ay pusa!" Nasabi ko dahil sa gulat. Bigla kasing prumeno yung driver. Muntik ako malaglag, buti napahawak ako sa gilid ko.

"Hoy! Sa susunod, mag-iingat ka! Makaka-disgrasya ka pa," bulyaw nung driver ng tricycle dun sa likod ng truck. Sure akong narinig yun ng driver ng truck.

Paano, ang bilis-bilis kasi ng pagpapatakbo ng driver. E nasa unahan namin siya, tapos biglang huminto. Kakaloka! Muntik pa kaming ma-aksidente.

"Bwisit na driver!" Galit pa rin si Kuya.

Huminga na lang ako ng malalim. Jusko.. Di pa ako pwedeng maaksisente. Baka mamatay ako, wala pa akong mapapamanahan ng maganda kong lahi

Smooth na ulit yung takbo. Medyo malapit na rin ako kina Elaine.

Nanonood ako sa bawat madaanan namin. Kita ko na yung kantong lilikuan ni Manong. May isa pang truck dun sa kabilang kanto. Ewan ko ba pero bigla akong kinabahan pagkakita ko sa truck. Eksaktong papakanan na kami nang biglang sinalubong kami nung truck na tinitignan ko kanina pa...

(Seana's POV)

"Mahal, ok ka lang?" Tanong sa akin ng boyfriend kong si Lloyd.

He's Lloyd Anthony Guiao. My boyfriend for five years.

"Bigla lang akong kinabahan," sagot ko sa kanya.

"I love you," bulong niya sa akin. Waah.. lumakas na naman tibok ng puso ko. Di na dahil sa kaba, kundi dahil sa kilig. Hihi..

"May aksidente dun sa kanto!" Balita nung isang pinsan ni Elaine. Kay Elaine niya sinabi, e ang lakas ng boses, lahat kami napatingin.

"Ano'ng nangyari, Bok?" Usisa naming lahat.

"Yung truck, mago-overtake sana para lumiban sa kabilang kalye, e naka-red yung stop light, grabe! Kitang-kita ko, dun kasi ako bumili ng yelo sa bakery.." Halata yung kaba sa pagku-kwento niya.

"Ano ngang nangyari?" Ako na ang nagtanong. Bigla kong naalala si Bibi.

"Bumangga yung truck dun sa tricycle.. Ang layo ng inabot ng tricycle, yupi, patay nga yata yung nasa loob e. Tas tumalsik din yung babae na nasa likod, tas yung driver, naipit din. Grabe! Hindi ko kinaya yung nakita ko.." Nanginginig siya habang nagsasalita.

My instinct got me. Tinawagan ko si CL.

Ring... ring...

Kinakabahan na talaga ako. Bakit ba di niya sinasagot?

"Hello, Bibi!" Narinig ko kasing may sumagot.

[Hello,] lalaki ang sumagot.

"Nasaan si CL?" Tanong ko sa sumagot. May naririnig akong sirena.. Ang ingay sa paligid.

[Kaanu-ano niyo ho ang may-ari ng cellphone?]

"K-kaibigan. Nasan ba siya?" Nagpapanic na talaga ako. Ang lakas-lakas ng tibok ng puso ko.

[May kakilala po ba kayong kamag-anak ng bikti-]

"Biktima?? Bakit? Ano ba ang nangyari?"

[Nakasama po sa aksidente ang may-ari ng cellphone na ito. Dinala na siya sa pinakamalapit na ospital, pero yung mga gamit-]

"Si-sige po, pupunta na lang kami," sabi ko. Nanghina ako sa narinig ko. Parang gusto kong umiyak..

"Ano daw nangyari?" Halos sabay-sabay nilang tanong sa akin. Bakas din sa kanila ang pag-aalala.

Huminga muna ako ng malalim bago kinuwento sa kanila yung sinabi sa akin nung nakausap ko. Pulis siguro yun, di ko na natapos e. Hehe..

"Pumunta na kayo sa ospital, pupunta kami sa police station," sabi ni Migs na katatapos lang kumain.

"Oo nga, tama si Migs," sang-ayon nina Audrey at Lloydie.

-------

Nandito na kami sa ospital kung saan sinugod si CL. Kasama ko dito sina Lloyd, at Audrey.

"Nagtext si Migs, papunta na daw sila dito," sabi ni Audrey.

Nakaupo kami dito sa tapat ng operating room kung saan nandun si CL. Hawak ni Lloyd yung kamay ko. Di ako mapakali.. hays!

"Nandito na sila," sabi ni Audrey kaya napalingon kami.

"Di pa ba nalabas yung doktor?" Kahit hinihingal, nakuha pang magtanong ni Migs.

"Hindi pa e. Ano'ng balita?" Lloyd

"Naka-drugs pala yung driver nung truck na bumangga sa trike na sinasakyan ni CL. Tas dead on the spot yung isang babae na nasa loob tsaka yung lalaki. Naipit daw kasi. Si CL naman daw, malayo ang tinalsik, buti daw nakapreno yung sasakyan sa kabila. Kung hindi daw, baka nasagasaan na siya. Sumalpok daw yung ulo niya sa gutter, sobrang saklap ng nangyari!" Migs

Hindi makapagsalita sina Nikki at Angela. Parehong namumugto ang mata dahil sa kakaiyak.

"Kaanu-ano kayo ng pasyente?" Sabay-sabay kaming napalingon sa doktor na nagsalita.

"Kaibigan po kami ng pasyente," sagot naming lahat.

"Wala ba siyang kapamilya?" Tanong pa ng doktor. Ang ganda nung doktor.

"Wala na po e. Kami na ang tinuturing niyang pamilya," sagot ko.

Inilahad ng doktor na si Dra. Mitchelle ang posibleng mangyari kay CL. Maaari daw na bumilang kami ng araw o kaya linggo bago magising si CL, at ang posible pang mangyari ay mawalan siya ng ala-ala.

Nanghihina ako para kay CL. Pero alam ko, dapat kaming magpakatatag. Kami na lang ang pamilya niya ngayon.

Not A Fairytale (on going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon