Ch.6

11 1 0
                                    

"Uyy.. ang sweet!" Narinig kong sabi ni Liam bago sila nagtawanan.

Naramdaman ko namang biglang nag-init ang pisngi ko. Acheche.. Ano ba to? Hehe.

"Sissy, for sure nakalimutan mo na ako. Ako si Kiara, 'Sissy' tawagan natin," nakangiti niyang sabi sa akin. Mukha ngang close kami kasi ang gaan ng loob ko sa kanya.

"Sorry ah, medyo naguguluhan pa rin kasi ako," paliwanag ko. "Sige na, kain na kayo," sabi ko. Mukhang di na darating si Kaiden. May usapan pa naman kami. Hays..

"May hinihintay ka ba dito, CL?" Tanong sa akin ni Liam.

"Meron, si Kaiden. May usapan kasi kami e," naiiyak kong sabi.

"Wag mo nang hintayin yun," pinapaasa ka lang nun. Narinig kong sabi niya.

Di ko na lang siya pinansin. Naiinis lang ako. Kasi pakiramdam ko, wala akong kakampi. Lahat sila ganun ang tingin kay Kaiden. Di naman sila inaano nung tao e. Tsk.

_______________________

"Bukas ulit ang practice," sabi ni Kiara.

"Bakit bukas ulit?" Tanong ko habang nililigpit nila yung ilang instrument na dala nila.

"Oo nga pala. Kasi, yung unang dalawang araw bago yung gig, yun na yung pinakapractice natin," paliwanag ni Cailix.

"Tsaka may sinabi sakin yung pinsan ko na Battle of The Bands sa San Crispin, gusto niyong sali tayo?" Sabi ni Gab. Di ako makapagdecide kasi naninibago pa ako.

Inakbayan naman ako ni Kiara. "Game ako diyan," nakangiti niyang sabi.

"Who's in?" Nakangiting tanong ni Gab?

Nagtaasan naman sina Cailix ng kamay kaya nakigaya na rin ako. Hehe.. Go with the flow. Tsaka nakakahawa yung excitement na nakikita ko sa kanila.

Ang saya naman nilang kasama kaya nga siguro dalawang taon at kalahati na kaming magkakabanda. Parang mga kapatid ko na rin sila, ramdam ko yun. Kaya nga siguro, di ko rin sila napigilan kanina sa pagkain nung niluto ko para sana kay Kaiden. At kanina, sa practice, nakalimutan ko na di ako sinipot ni Kaiden.

"Sissy, dadalhin ko bukas si Kelia, miss ka na daw niya e," sabi ni Kiara habang nababa kami ng hagdanan.

"Sino'ng Kelia?" Tanong ko sa kanya.

"Ay oo nga pala. Nakalimutan ko na naman, anak ko yun. Mommy tawag niya sa iyo," sagot niya sa tanong ko.

Tumango naman ako at ngumiti. Parang hinaplos ang puso ko nang marinig ko yun. May tumatawag pala sa akin ng 'Mommy'. Parang bigla akong nangulila tas automatic na napahawak ako sa tiyan ko.

Inalis ko rin agad yung kamay ko sa tiyan ko kasi para akong baliw. Wala naman akong anak e. Haha..

"Stop thinking sa mga bagay na walang kwenta. Sige, alis na kami. Bukas ulit," said Cailix. Tas pinat niya ako sa ulo.

"Ingat kayo, drive safely!" Masigla kong sabi. Hinintay ko lang silang makaalis bago ako pumasok sa loob ng bahay.

Pagpasok ko, nakaramdam ako ng kalungkutan. Ang lungkot ng pakiramdam na parang gusto kong umiyak nang umiyak. Pero di ko alam kung ano ba yung eksaktong dahilan.

Parang napakalungkot ng buhay ko. Parang ang malas-malas ko. Parang ang daming kulang, kaso di ko alam kung ano ba yun. Di ko matukoy kung bakit ba parang ang unfair ng buhay ko..

Tapos ang masakit pa, ang dami kong nakalimutan sa buhay ko. Oo, ang dami ko pang naalala. Kaso may kulang na. Para akong nanonood ng lumang compact disc, may nalagpasang scenes kaya ang gulo na ng dating ng kwento. Mapapaisip ka, 'ano'ng nangyari?' Kasi nawala ka bigla sa kwento. Kaya magtatanong ka sa mga kakilala mong napanood na yung movie sa compact disc. Kaso, sa dami nang nagkukwento, di mo na alam kung alin yung totoo dun sa nangyari. O kaya mapapaisip ka kung nakwento ba nila sayo yung mahahalagang scenes?

Yun yung nararamdaman ko.. Ang gulo. Ang gulo-gulo! Di ko alam kung sino ba yung dapat kong pagtanungan. O kung sinasabi ba nila sa akin yung lahat nang dapat kong malaman..

Ang hirap pala nang ganito. Ang hirap intindihin ng dahilan kung bakit kailangang mangyari sa akin nito? Ang hirap pala nang walang maalala. Parang nagkaroon ng butas sa pagkatao ko.

"Mahal," napatayo ako ng diretso mula sa pagkakasandal ko sa dingding nang marinig ko ang boses niya.

Nagpunas agad ako ng luha bago humarap sa kanya. "Mahal, bakit ngayon ka lang?"

"Sorry, ang dami ko kasing inasikaso sa ospital kanina. Dalawang operasyon ang ginawa ko e. I'm sorry," paliwanag niya tapos niyakap niya ako.

Bigla na namang tumulo yung luha ko habang yakap niya ako. Yinakap ko rin siya nang mahigpit. Bakit ba kasi pakiramdam ko miss na miss ko siya e. Parang napakatagal naming di nagkita.

"Umiiyak ka ba?" Tanong niya habang yakap ako tapos tinignan ako. "Bakit umiiyak ang Mahal ko?"

Nailing ako. Di ko kasi masabi sa kanya na nalulungkot ako. Ayoko kasing maapektuhan siya ng kalungkutan ko.

Nang di ako sumagot ay niyakap niya ulit ako.. Bakit ba parang nangungulila ako sa yakap niya? Parang miss na miss kong mayakap niya. Ang sarap sa pakiramdam..

"Naiyak ka siguro dahil di ako nakarating sa oras na napag-usapan natin. I'm sorry, huh? Alam ko namang maiintindihan mo e," hinahaplos niya yung buhok ko habang yakap niya ako.

"Ok lang. Namiss lang talaga kita. Kala ko kasi di ka na dadating," sagot ko sa kanya. "Halika dun sa kusina, may pagkain pa doon, kain na tayo." Hinila ko siya sa kamay.

"Nagluto ka?" Tanong niya nang makita yung mga pagkain sa lamesa.

"Oo, kanina ko pa niluto yan. E saktong nagdatingan yung mga kabanda ko, pinakain ko na sa kanila yung iba. Akala ko kasi di ka na darating, kaya hinayaan ko na lang sila. Iinitin ko na lang ulit, ano bang gusto mong kainin, Mahal?" Dire-diretso kong tanong sa kanya. Nakaharap ako dito sa lababo kaya di ko alam kung ano'ng ginagawa niya.

"Ikaw," sagot niya kasabay nang pagyakap mula sa likuran ko. Nagulat tuloy ako. Pero kinilig ako. Hihi..

"Ano'ng sagot yun?" Natatawa kong maang-maangan na tanong.

"Come on," malambing niyang sabi pagkatapos ay hinalikan ako sa leeg.

"Mahal, kain muna tayo," pigil ko sa kanya kahit na nakikiliti na ako.

"Sige," sagot niya bago iniharap niya yung mukha ko sa kanya, saka ako hinalikan sa labi.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 04, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Not A Fairytale (on going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon