SA 2

5.8K 111 4
                                    

Chapter 2: Lies and Cries

  

Binuksan ko ang pinto at dire-diretsong pumasok si Julia at inilapag ang pagkain sa study table ko. Umupo siya at tinignan ako.

“Now speak?” 

Kinuwento ko yung nangyari kanina habang busying-busy naman nakikinig at kumakain si Julia. Kinuha ko yung plato at kumuha ng sandwich at carbonara.

“Mahal mo pa rin ba siya?”

 

“Such a redundant question. Malamang! Ilang weeks lang nakalipas simulang iwasan niya ako. It’s strange dahil ang drama ko. Tsaka,  kailangan ko na ring lumayo sa kanya. Marami na akong nakitang ebidensya na isa ako sa biniktima niya. He even told me earlier right? There are no chances of loving me.” sabi ko at sumubo ng carbonara.

“Naalala ko tuloy nung Citilympics natin, nilandi niya yung si Liza ba yun? Awang-awa nga ako kay Zharm ‘nun eh, Mahal na mahal niya si Dj pero kaibigan lang ang turing ni DJ sa kanya.” kwento ni Julia sabay uminom ng shake.

“Pero sanay na naman daw siya kasi landian lang naman daw ang trip ni Dj.” 

Napangiti si Julia. A weak yet a foolish smile.

“Namiss mo siyang katext at kachat noh?” ngumiti si Julia ng nakakaloko.

Tumango nalang ako at tinuloy ko nalang ang pag-kain. Yeah I missed his “Flirting sessions.” Iyun ang reason kung bakit ako nahulog sa kanya eh.

I just can’t handle the pain. Minahal ko kasi siya eh. Nag-assume ako na kaya niya ako nilalandi dahil mahal niya na talaga ako. Pero nagkakamali ako, expert kasi siya.

“Hayaan mo Kath, Time heals all wounds. Ika nga ni Ser Chief.” hinawakan niya braso ko at ngumiti.

“Thanks Julia at talagang dinamay mo pa si Ser Chief ah? kay Maya lang yun uy!” sabi ko at hinampas siya ng mahina.

“Alam ko!” tumawa nalang kami at pinatuloy na rin namin ang pag kain.

Makalipas ng ilang oras. Pumunta kami sa grocery ni Julia. Nagtext kasi si Miles, pupunta daw silang 3 at manonood ng movie sa bahay.

“Ano ba lulutuin?” tanong ni Julia.

“Pizza.”  

Habang naghahanap ng mga sangkap bigla nalang nag-ring ang phone ko.

Dj  Calling...

I cussed. Ano ang kailangan niya?

KathNiel:  She AssumedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon