"Nakakainis! Nakakainis!" umagang-umaga yan pambungad ko sa mga kaibigan ko.
Kung itatanong niyo kung anong nangyari pagkatapos ng tapunan ng juice na eksena namin ng impaktitang Alexa na yan? Syempre, CR ang diretso para maglabas ng sama ng loob.
Oy! Wag kang eww ah! Syempre, comfort room nga eh dba? Syempre pra umiyak. Hay nako! Maliit na problema pinapalaki. Aish! Naiinis ako.
2 linggo na naman po ang nagdaan simula ng pangyayari yan. Dalawang linggo ko na ring di nakikita si Justin. Tss. Ang layo layo niya na. Ni isang Hi ni Ho wala :( Ano bang nangyayari sa kanya?! Hindi na ba niya ako mahal?
Hindi na ba?
Bakit parang ang bilis naman? Pag dating niyang Alexa na yan, naging malamig na siya sakin. Mailap. Nung juice incindent, kinampihan niya pa yung impaktang yun. Ano na bang nangyayari? Bakit ka ba ganyan Justin? T_T
Buti na lang nadyan mga super friends ko. Thankful din ako na nandyan din si Dustin at okay kami. Although, nagkakaasaran pa rin kami at least friends na kami and close na din kahit papano.
Last week nga, nilibre nya akong ice cream sa swensens eh :) Pumunta kaming MOA para maggala. Nakakatuwa. Ang sarap niya kasama :"> Hihi cute cute niya pa kuma---- oy oy! Oy! Cute lang naman eh. Loyal ako kay Justin. Hihi
Pero siya kaya, loyal din sakin?
-----
"Uy Ches! Nakatulala ka na naman jan?" sabi ni Iris habang iniaabot sakin yung clover na pinabili ko.
Nakakainis naman! Naloloka kasi ako sa test sa UST nung sunday eh. Parang madali lang siya. Pero sana naman makapasa ako diba? Nakakahiya pag hindi. Isa pa man din akong Santos. Hassle
"Wala. Wala" binuksan ko yung clover na inabot niya pero di ko mabuksan. Nu ba yan! Ang weakling ko naman!
"Akin na nga! Ang weak mo talga hahaha" bigla niyang kinuha yung clover at tumabi sakin.
Napaka nitong lalaking to.
"Alam niyo bagay kayo."
WHAT???!!
"Huy! Magtigil ka nga jan!" Sabi ko saka tumayo at lumipat sa katabi ni Iris. Intriga tong baklang to. Hmp!
Eto namang tsonggong to, ngingisi ngisi lang. Palibhasa ganda ng ngipin eh. tss
"Chill. Para sinabing bagay lang tayo eh. Swerte ka pa nun!" nagsisimula na naman po siya.
"Pede ba? Di tayo talo uy!" sabay hablot ng clover ko. Nauna pa niyang kainin at di binigay sakin. Masyado!
"Gumaganyan pala ang dakilang si Cheska?" sabi niya at umaktong nagiisip at ngumisi na naman.
"Tigilan mo nga ako!" hinampas ko siya sa braso niya. baliw to.
"Pero seriously guys. Bagay kayo. Hahaha" sabi ni Iris saka tumayo para lumabas. Ewan ko sayo Iris. Tanggalin ko Iris mo eh. lol
Inirapan ko lang siya kahit di niya kita, Bigla ba naman daw mangiwan tong lukang 'to.
"Ang sarap mo talagang asarin." biglang niyag bulong kaya kinilabutan ako at agad na humarap sa kanya. At at....
OW-EM-GEE! B-bat ang lapit ng mukha niya? O///O
"h-hoy! L-luma-y-yo k-ka n-nga!" ano ba yan! nauutal ako. Ang lapit kasi eh. Prang ilang cm lang ang layo. Problema ba nito?
"Oooooooh. Look at them Justin oh. Ang loyal ng girfriend mo ah. Nakikipaghalikan sa iba." Nagulat ako sa narinig ko kaya tinulak ko ng malakas si Dsutin at humarap sa kanila.
S-si Justin. Pero hindi naman kami naghahalikan ah?
Baliw kasi tong tsonggong to eh -.-
Pero bakit ganun? Imbis na selos ang makita ko sa mukha ng dakila kong boypren na biglang naging cold sakin eh.... grin?
Seryoso! GRIN?!
Thankful ako na ganun ang sinabi ni Alexa na medyo inis. Thankful kasi akala ko makakita ako ng selos sa mukha ni Justin pero Grin? Naiinis kasi syempre, sino bang hindi?!
Tounge-in-nest! Ay? Eww!
Lol. Nagjoke sa ganto? -.-
Bakit ganun? Bakit ganun si Justin? Umupo na lang siya sa tabi ni Alexa at sinabing, ipagpatuloy lang ang ginagawa namin. WHAT?!
How dare he?!
Hinila naman ako bigla ni Dustin palabas dahil siguro nasense niya na makakagwa ako ng di inaasahan. Errrrrr! Bwisit! Bwisit!
Di pa siya nakuntento sa grin at pag sabing ituloy, nag bye pa siya at sinabing galingan namin nung papalabas na kami ni DD. Ay PIness niya!
Bakit ganun ang boyfriend ko? Bakit?
----------x
Sorry sabaw po.