JARA HAN'S POV:<*CRAAAAAAAAAACCCCCK*>
Napatigil kaming dalawa ni Trixie sa pagkain namin nang bigla kaming makarinig ng tunog na parang mababaling sanga ng puno sa taas.
Nahihintakutang tumabi sa akin si Trixie, "Bestie, ano 'yun?" tanong n'ya sa akin habang nanginginig ang mga kamay n'yang nakahawak sa braso ko.
"Ewan," clueless na sagot ko sa kan'ya, "Hindi kaya..." nanlaki ang mga mata ko, "ito na 'yung tinutukoy mong mga matang nakatingin sa atin, bestie?" natatakot na rin na sagot ko sa kan'ya.
"Eeeh! H'wag ka namang gan'yan, bestie. Alam mo bang may namatay na daw dito sa freedom park? Nakakatakot kaya." pagkukwento n'ya. Mas lalo tuloy akong natatakot sa kan'ya, e. Sana pala sa Room nalang kami kumain.
Titingin sana ako sa taas ng puno para alamin kung totoo bang may multong nagpaparamdam sa amin pero biglang tinakpan ni Trixie ang mga mata ko.
"Ahhhh. H'wag kang tumingin sa taas, bestie. Umalis na tayo dito bago pa mahuli ang lahat!" naiiyak na sabi n'ya.
"Pagbilang ko ng tatlo, tumakbo na tayo, ha." dagdag n'ya.Tumango nalang ako dahil sa nadadala na ako ng takot sa mga sinasabi n'ya.
Hinawakan n'ya ako sa kamay tapos ay nagbilang s'ya ng nakapikit,
"Isa..." Nanginginig ang boses n'ya.
"TATLOOOO!!!" malakas na sigaw n'ya at hinila ako patakbo mula sa kinatatayuan namin. Muntik pa akong madapa dahil sa ginawa n'yang paghila sa akin. Hinihintay ko pa kasing sabihin n'yang "dalawa" pero tumalon na agad s'ya sa tatlo. Kaya ito, tumakbo na kami ng mabilis sa abot ng aming makakaya para makalayo sa puno.
Pero hindi pa kami masyadong nakakalayo nang bigla kaming makarinig ng malakas na pagkabali ng sanga kasabay ng malalakas na sigaw ng mga lalaki at mga kalabog ng pagkabagsak sa lupa.
Pareho kaming huminto ni bestie. 'Yung pose namin para kaming mga kriminal na nahuli sa akto. Dahan-dahan naming inikot ang mga leeg namin pabalik at pareho kaming napasinghap sa nakita namin.
"T-teka.. sila Drawde, Nicko, Jacob, at Gimo 'yun diba?" nagtatakang sabi ni Trixie habang tinuturo 'yung apat na na nakabulantag sa lupa.
"Oo nga no. Lagot! Nukhang nabalian yata silang lahat." kinagat ko ang hintuturo ko, "Paano natin sila tutulungan?" clueless nanaman na sagot.
"Ewan. Ikaw matalino sa ating dalawa kaya ikaw ang mag-isip." sabi n'ya sa'kin habang nagkakamot ng buhok. Tss.
Kinuha ko ang phone ko sa bulsa ko at tumawag sa clinic, sinabi kong may apat na lalaking hindi makalakad dahil nahulog sa puno sa Freedom Park kaya kailangan ng apat na patient bed. Mabuti nalang umuo agad ang nurse at paparating na daw ang mga magsusundo sa apat.
BINABASA MO ANG
My High School Days With You
Jugendliteratur"I love you more than my high school days spending with you." -Drawde Sy. © bolPEEN. All Rights Reserved. 2016.