Chapter 16: Wrong Sent?

129 6 7
                                    


Jara's POV:

"Kumusta naman ang first date ng bestfriend koooo?"

Pagbungad na pagbungad sa akin ni bestie sa pinto ng bahay 'yon agad ang tanong na sinalubong n'ya sa akin.

Palihim akong napangiti sa sarili ko saka ko s'ya nilagpasan at tuloy-tuloy akong pumasok sa sala namin at naupo sa sofa.

"Uy, bestie, magkwento ka naman. Sige na..." Lumapit s'ya sa akin at naupo sa tabi ko. Pinilit n'ya ako nang pinilit para magkwento kaya wala akong nagawa kundi pagbigyan s'ya. Ang kulit kasi, e. Kwenentuhan ko na nga...

"Aaaaw. Napakaromantic naman. Kinikilig ako, e," parang kinikiliti n'yang sabi matapos kong ikwento sa kan'ya lahat ng nangyari, simula sa piniringan ako ng panyo hanggang sa last dance namin ni Drawde at 'yong mga fireworks na nagliparan at nagputukan kanina.

"E, 'yong ano, ginawa n'yo ba?" mapanukso n'yang sabi saka hinampas n'ya ako sa braso.

"'Yong anong 'ano'?" tanong ko sa kan'ya.

"'Yong ano!" ulit n'ya saka mapanuksong ngumuso sa harap ko. Nawalan naman agad ako ng gana nang ma-gets ko ang ibig n'yang sabihin.

"S'yempre wala, ano," sagot ko, "Hindi pa pwede!"

"ANO?" gulat n'yang sabi, "Wala? As in, wala?" paninigurado n'ya.

"Wala nga."

"Bakit naman wala?"

"Basta hindi pa pwede," sagot ko.

Bigla s'yang nanlupaypay na kala mo natalo ng isang million sa lotto, "Ang hina n'yo naman ni Drawde, bestfriend!" sabi n'ya, "Dapat nag-kiss na kayong dalawa. Tsk.Tsk." Umiling-iling pa s'ya.

"Alam mo, Trixie. Ang mabuti pa matulog na tayo, tara na." aya ko sa kan'ya saka na ako tumayo para pumasok sa kwarto ko. Walang gana naman s'yang tumayo at sumunod sa akin.

Habang nakahiga ako, pinilit ko nang matulog pero hindi ako makatulog. Ikot lang ako ng ikot sa higaan ko. Tiningnan ko si Trixie sa kama n'ya pero tulog na s'ya. Oo, may sariling kama si Trixie dito sa kwarto ko, ayaw n'ya raw kasing tumabi sa akin dahil daw malikot akong matulog kahit hindi naman.

Napahinga ako ng malalim saka napaupo. Inilagay ko sa likod ng tenga ang ilang hibla ng buhok ko at kinuha ang cellphone sa side table.

May text pala ako, hindi ko man lang namalayan kanina.

Pagbukas ko ng message box, may 3 unread message ako. 'Yong isa galing kay mommy, nangungumusta lang sa amin ni Trixie kaya nireplyan ko na okay lang naman kaming dalawa ni bestie. Kinumusta ko rin s'ya dahil na-mimiss ko na rin si mommy agad. Tapos n'on, binasa ko naman ang isa pang message, galing kay Drawde. Napangiti ako nang mabasa ko ang text n'ya.


"Good night, girlfriend! You made my night complete. Tulog na ha? H'wag mo akong isipin lagi, magkaka-pimples ka n'yan. Ikaw rin. :) :) haha <3 I love you!"


My High School Days With YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon