Chapter 18: Let's pretend!

117 6 2
                                    

Drawde's POV:

--

"Hi, Drawde! I'm your tita Josefa Yo, and soon your mother-in-law. I want you to meet your fiancee, my daughter Raichelle Yo." This tita Josefa said na s'yang ikinaawang ng bibig ko.

Tumingin ako sa direksyon na tinuturo nitong si Tita Josefa at nakita ko 'yong babaeng nakayuko parin hanggang ngayon at wala yatang balak lumingon. Pero wait! Ano daw ang sabi n'ya? Fiancee? Ano nanamang kalokohan 'to!

Tumingin ako sa direksyon nila Mom at Dad pero pareho lang silang nakangiti at parang tuwang-tuwa pa sa inannounce ni tita Josefa. Hindi ko alam kung anong reaction ang gagawin ko. Gusto kong itanong 'yong tungkol sa sinabi ni tita Josefa pero obvious naman na tama rin ang pagkakaintindi ko. Alam ko ang salitang fiancee at magiging asawa ang ibig sabihin non. Ang hindi ko maintindihan ay kung bakit kailangang sila Mom at Dad ang nagdesisyon nito para sa akin. Hindi pwede.

Nanatili akong nakatayo. Gusto ko nang magalit kila Mom at Dad pero pinigilan ko ang sarili ko. Ayaw kong magalit lalo't ngayon nalang ulit kami nagkita-kita. I missed my Mom and even Dad so I thought this is not the right time para bigla nalang akong magalit sa kanila. I respect them as my parents, and as a son of them I need to stay calm lalo't may mga bisita sila.

Iginiya ako ni tita Josefa palapit don sa iba pang mga bisita na maligayang nakangiti sa amin. Pagkalapit namin, bigla s'yang nagsalita, "Raichelle, hindi mo man lang ba titingnan ang fiance mo? I think it's rude kung hindi man lang kayo magkakakilala ngayon lalo na at pareho naman kayong nandito," Tita Josefa said na mahahalatang mayaman sa tono ng accent n'ya.

Ilang sandali pa, umangat na rin ng tingin ang nakayukong babae, diretso ang mga tingin nito sa akin. Maganda ito, slim ang pangangatawan at bagay sa kan'ya ang puting maikling bestida na suot n'ya. May bangs din s'ya na may semi-colored na gold ang buhok, maputi at makinis ang mukha. She's totally looks like a famous Korean star. But there's something I noticed about the way she looks at me, it looks like she's not happy on seeing me right here and right now which is pareho kami. Hindi rin ako masayang nakita s'ya. At kung tama ako, well, walang magiging problema.

Umupo narin ako sa tabi nila Mom at nakisama sa kwentuhan nila. Pinakilala kaming dalawa ni Raichelle Yo sa isa't isa bilang mag-fiance at fiancee which is wala lang sa akin dahil nababasa ko na hindi rin gusto ni Raichelle na magkaroon ng fiance at her 16 young age. Halos lumilipas ang oras na kaming dalawa ni Raichelle ang topic nilang lahat hanggang sa nagpaalam na si Raichelle na mauna na. Pinayagan naman s'ya. Pero nong tumayo na si Raichelle, sinenyasan ako ni Dad na ihatid si Raichelle palabas kaya yon din ang ginawa ko. Tumayo ako at sumunod kay Raichelle.

Nakalabas na kami ng living room pero tuloy-tuloy lang ang lakad ni Raichelle bitbit ang hand bag n'ya. Tumutunog pa ang sahig sa bawat paglapat ng mga takong ng sandals n'ya. Mukha s'yang mataray at wala yatang balak na lumingon sa akin at kausapin ako. Pero nagulat ako nang bigla akong mabangga sa likod n'ya nang bigla s'yang huminto sa paglakad.

"Hoy, ano ba?! Bakit bigla ka nalang humihinto d'yan?" pag-angal ko nang mabangga ako sa likod n'ya.

Umikot s'ya paharap sa akin wearing her maldita look. Tumingin lang ako sa kan'ya at bigla akong nagulat nang...

*PAAAAAAK*

Agad akong napahawak sa pisngi ko ng bigla n'ya akong sinampal ng sobrang lakas sa mukha ko. Napatingin lang ako sa kan'ya. Hindi ako agad naka-react.

"How dare you!" she said while looking at me angrily.

"Bakit mo 'yon ginawa?" takang tanong ko while still holding the part of my face na sinampal n'ya.

My High School Days With YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon