Maayos na tinutupi ni Scarlett ang damit ng kanyang asawa nang makarinig siya ng pagbukas ng gate nila. Malamang ay dumating na ang kanyang asawa galing sa trabaho. Napangiti siya at isinara ang kanilang cabinet. Bumaba ito sa kanilang malaking hagdanan at sinalubong ang kanyang asawa sa main door.
Pag-lapit niya rito ay sinalubong niya ang asawa ng isang matamis na halik na siya mamang tinugon ng asawa. Makatapos ay niluwagan ng lalaki ang necktie nito.
"Had a tiring day at work?" Tanong ni Scarlett sa kanyang asawa habang naka-akbay ito sa baywang.
"Yes. Ang daming problema ngayon sa kompanya, honey." Paawang sabi sa kanya ng asawa. Ngumiti naman si Scarlett rito at hinalikan siya sa pisngi.
"Tamang-tama, hon. I cooked your favorite cheesy kaldereta. Pagkatapos nating mag dinner ima-massage kita para matanggal yang stress mo."
Hinalikan siya ng kanyang asawa sa noo at niyakap." Thank you for always taking care of me. I love you." Bulong nito.
"I love you too, honey." Nakangiting sabi ni Scarlett." Ipapahanda ko na 'yung dining table para makakain na tayo."
"Yes, please. I'm hungry na." Nilabas nanaman ng kanyang asawa ang paawa face nito na ikinatawa ni Scarlett.
"Manang Celia, manang." Malumanay na tinawag ni Scarlett si manang celia. Ang kanyang paboritong kasambahay dahil bata pa lamang siya ay ito na ang nag-aalaga sa kanya. Ngayong mayroon na siyang asawa, pinakiusapan niya ang kanyang mga magulang na kung maaari ay isama parin niya si manang Celia dahil napamahal na ito sa kanya at gayun din naman ang matanda.
Lumabas ng kitchen ang isang babaeng nasa 60's na ang edad. May kaputian na rin ang buhok nitong hindi lalampas ng balikat. "Ano po iyon, senyora?" Tugon sa kanya ng matanda. Ngumiti ito nang makita ang asawa ni Scarlett. "Magandang gabi, senyor." Bati nito. Ngumiti rin naman ang lalaki at binati ito. "Magandang gabi rin naman, manang Celia."
"Manang, paki-prepare naman po ang dining table para makapag-hapunan na kami nitong pagod na pagod kong asawa." Pilyang sabi ni Scarlett. Mahinang natawa naman ang matanda.
"Sige, senyora. Ipapahanda ko na kila Lita ang hapunan." At umalis na ang matanda upang tumungo sa kitchen.
---
Dumeretso ang mag-asawa sa kanilang silid upang makapag-palit ito ng damit dahil ayaw niyang natutuyuan ito ng pawis at gusto niya na laging komportable ang asawa. saktong pag-kaayos nila ay tinawag na sila ni manang Celia dahil naka-hain na ang kanilang hapunan. Magkahawak kamay pa silang bumaba sa hagdan at dumeretso sa dining table. Iginaya si Scarlett ng kanyang asawa sa upuan at tsaka ito umupo. Ganoon talaga ang kanyang asawa kahit nasa bahay lang sila, gentleman parin ito.
"Let's pray?" Tanong ni Scarlett sa kanyang asawa at tumango naman ito. Pinikit nila ang kanilang mga mata at nag lead ng prayer ang kanyang asawa.
"Lord, thank you for all the blessings that you have given to us and please bless this food that we are about to receive. And Lord, please continue to bless me and my beautiful wife and may you always use us as a channel of your blessings. In Jesus mighty name, Amen." Makatapos manalangin ng asawa ay tinitigan ito ni Scarlett.
BINABASA MO ANG
Bittersweet Love
RomanceJulian Buenaventura and Scarlett Santillan - Buenaventura. Hanggang saan nga ba ang kayang marating ng pag-ibig? Ano ba ang mga dalang tamis at pait sa buhay ng dalawang taong nag mamahalan?