"Hon, sabihin nalang kaya natin ang totoo kila papa. Baka maintindihan naman nila tayo." Malumanay na sabi ni Scarlett sa asawa.
Dalawang araw na ang nakalipas noong kinausap siya ng papa at sinabi sa asawa ang good at bad news nito.
Nasa mall sila ngayon ngayon ang mag-asawa dahil wala namang trabaho ngayong araw si Julian at si Scarlett naman ay nag-ayang mag shopping para sa kanilang dalawa. Sumusunod lamang si Julian habang ang asawa naman ay busy-ing busy sa kakapili ng damit.
Hinawakan niya ang kamay ni Scarlett at marahang piniga iyon at hinalikan.
"Honey, natatakot ako sa papa mo. Baka paghiwalayin niya tayo kapag nalaman niya. And you know that I can't live without you." Niyakap niya mula sa likod ang asawa.
"Hon, hindi gagawin iyon ni papa. You know what? Ipag-pray muna natin ang lahat." Humarap ito sa kanya. "Humingi tayo ng guidance kay Lord para malaman natin kung ano ang gagawin natin at kung ano ang will niya." Hinawakan ni Scarlett ang magkabilang pisngi ng asawa.
"Okay." Malungkot parin na sabi ni Julian.
"Bakit sad pa? Cheer up na, honey. Smile ka na." Ngumiti ito ng matamis sa asawa at ganoon din ang ginawa ni Julian.
Pagkatapos mag-shopping ng magasawa ay kumain muna sila sa paborito nilang Japanese restaurant.
"I'll take the bill na para makauwi na tayo at makapagpahinga ka na." Sabi ni Julian sa asawa at tumawag ito ng waiter.
"Mag-restroom lang ako, hon." Tumango naman si Julian at tumayo na si Scarlett at dumeretso sa restroom. Makatapos ay bumalik na ulit si Scarlett sa table nila ni Julian.
Papalabas na silang dalawa sa restaurant nang may narinig silang tumawag kay Scarlett. Napalingon ang magasawa sa direksyon ng tanong nagsalita. Lumapit ito sa kanila.
"Scarlett? Scarlett Santillan? Is that you?" Tanong ng lalaking lumapit sa kanilang dalawa. Nanatiling tahimik lang si Scarlett na para bang inaalala niya kung saan niya nakita ang lalaking iyon habang si Julian naman ay nagtataka kung bakit nito kilala ang asawa. "Hindi mo na yata ako naaalala." Natatawang sabi ng lalaki. "Arthur Gideon Romualdez. Does it ring a bell?" Pakilala nito.
Nanlaki naman ang mata ni Scarlett nang sinabi nito ang pangalan. "Oh my! Art? Hindi na kita nakilala. Gosh I'm so sorry." Sa totoo lang ay hindi niya na ito nakilala sa hitsura dahil noong huli silang nagkita ay sobrang payat pa nito at naka-braces pa. Pero ngayon, lumaki na ang katawan niya at wala na rin siyang braces. Para bang nag-transform ito from a nerdy guy to a hottie.
Nagbeso silang dalawa at hinawakan ni Scarlett ang kamay ng asawa. "By the way, this is my husband, Julian Buenaventura." Nagkamayan naman ang dalawang lalaki. "Sweetheart, si Art nga pala, classmate ko siya noong college. Palagi kaming magka-sunod n'yan sa attendance dahil magka-sunod ang surnames namin." Natatawang sabi ni Scarlett.
"Wow. Hindi ko nabalitaan na nagpakasal ka na pala. So hindi na pala Santillan ang surname mo ngayon. Mrs. Buenaventura ka na pala." Nakangiting sabi nito.
"Yup! And I love being Mrs. Buenaventura." Ngumiti si Scarlett at tumingin ito sa asawa.
"Okay, love birds. Huwag n'yo na akong inggitin." Sabi ni Art sa dalawa. "Anyway, it was nice seeing you again Scarlett and meeting your husband but I really need to go now. May meeting pa ako with some executives kaya maiwan ko na kayo."
Nagpaalam na ito sa dalawa at tuluyang umalis.
Dumeretso ang mag-asawa sa kanilang sasakyan at tuluyang umuwi. Tahimik na nagmamaneho si Julian habang si Scarlett naman ay busy na nag browse sa kanyang cellphone.
"Iniisip mo parin ba kung paano natin sasabihin kila papa?" Tanong ni Scarlett.
"Yes, honey. Hindi ko alam kung papaano ko sasabihin sa kanila na kaya hanggang ngayon ay wala parin tayong anak dahil wala akong kakayahan upang bumuo ng isa." Malungkot na sabi ng kanyang asawa.
"Hey, don't be like that. Isang doktor lang naman ang nagsabi sa atin n'yan. Pwede pa naman tayong pumunta sa ibang doktor para humingi ng second opinion." Sabi ni Scarlett habang hawak nito ang kanang kamay ng asawa. Hindi na nakapagsalita pa si Julian. Bumuntong hininga siya at nagpatuloy nalang sa pagmamaneho.
Malalim na rin ang gabi nang makauwi sila sa kanilang tahanan. Pinakuha na lamang nila ang kanilang mga pinamili sa kanilang kasambahay at tumuloy na sa kanilang silid. Nagbihis ang magasawa at sabay silang dumeretso sa kanilang king-sized bed. Niyakap ni Scarlett ang kanyang asawa na wala paring kibo.
"Bakit hindi ko makita yung smile mo? Namimiss ko na siya." Malambing na sabi ni Scarlett.
Yumakap naman si Julian at dahan dahang ngumiti sa kanyang asawa. "Alam mo, hindi ko alam kung ano ang nagawa ko para bigyan ako ni Lord ng asawang katulad mo. Pero nagpapasalamat ako sa kanya." Hinalikan niya ito sa labi at tinugon naman iyon ni Scarlett.
Hinawi niya ang buhok ng asawa habang patuloy niya itong hinahalikan. Dahan dahan siyang pumaibabaw sa asawa at bumaba ang mga halik nito sa kanyang dibdib. Punong puno ng pagmamahal ang mga halik nito. Tuluyan namang tinanggal ni Scarlett ang pangitaas na suot ng asawa at makatapos ay ang kanyang damit.
"I love making love to you, honey." Bulong ni Julian kay Scarlett.
BINABASA MO ANG
Bittersweet Love
RomanceJulian Buenaventura and Scarlett Santillan - Buenaventura. Hanggang saan nga ba ang kayang marating ng pag-ibig? Ano ba ang mga dalang tamis at pait sa buhay ng dalawang taong nag mamahalan?