Ginising ni Julian ang kanyang asawang si Scarlett sa pamamagitan ng pag halik nito ng paulit ulit sa pisngi. Nakita niyang idinilat ng asawa ang mapupungay nitong mata na ikinangiti niya.
"Good morning my beautiful wife!" Masiglang bati ni Julian rito.
Nag-inat ng kaunti si Scarlett at umupo sa kanilang bed. "What time is it?" Tanong ni Scarlett sa asawa.
"It's 6:30 am, hon!" Sagot naman ni Julian na nag susuot ng kanyang polo.
"Hala! Bakit hindi mo naman ako ginising bago ka maligo? Hindi tuloy kita naasikaso." Nag-aalalang sabi ni Scarlett sa asawa. Tumayo na rin ito sa higaan at tsaka dumeretso sa bathroom nila para mag-toothbrush muna at mag-suklay ng buhok.
"Honey, palagi mo naman akong inaasikaso." Pumasok din ito sa bathroom nila at muli nanamang hinalikan ang asawa na kasalukuyang nag tu-toothbrush.
Lumabas si Julian ng kanilang bathroom at dumeretso sa walk-in closet nilang mag-asawa para kumuha ng necktie niya.
"Honey!" Tawag ni Julian habang hawak-hawak nito ang dalawang necktie. As usual, hindi nanaman siya makapili ng necktie na susuotin sa araw na iyon. Lumabas ito sa walk-in closet nila at tumungo sa bathroom upang tanungin ang asawa. "Pili mo nga ako. Hindi ko alam kung ano ang bagay, eh." Nakangusong sabi ni Julian kay Scarlett na nag-susuklay ng buhok.
Inilapag ni Scarlett ang hawak na suklay at nakangiting lumapit ito sa asawa.
"Kahit ano naman ang suotin mo, sweetheart bagay sa'yo." Sabi nito habang inaayos ang napiling necktie sa collar ng asawa.
"Kahit na. Gusto ko pa rin na ikaw 'yung pipili para alam kong poging-pogi talaga ako." Nakangising sabi nito.
"Ang sabihin mo, gusto mo lang laging mag pa-cute sa akin para palagi kitang nasasabihan ng pogi." Sagot ni Scarlett habang inaayos nito ang suot ng asawa.
"Hmm... Pwede rin naman iyon." Malokong sabi ni Julian at sabay na hinalikan sa labi si Scarlett.
---
Makatapos mag-ayos ay bumaba na silang mag-asawa at dumeretso sa garden upang doon mag-agahan. Araw araw nilang ginagawa iyon dahil naisip ni Scarlet na mas makabubuti kung makakalanghap muna ang asawa ng preskong hangin bago ito pumasok sa opisina na puno ng stress.
Pagkarating nila sa garden ay sakto namang inaayos na ni manang Celia ang agahan ng mag-asawa.
"Magandang umaga sa inyo!" Magiliw na bati ni manang Celia.
"Magandang umaga rin naman, manang." Bati ni Julian sa matanda at tsaka iginaya ang asawa sa upuan.
"Thanks hon." Nakangiting sabi ni Scarlett sa asawa. "Good morning, manang! What's for breakfast?" Tanong ni Scarlett kay manang Celia.
BINABASA MO ANG
Bittersweet Love
RomanceJulian Buenaventura and Scarlett Santillan - Buenaventura. Hanggang saan nga ba ang kayang marating ng pag-ibig? Ano ba ang mga dalang tamis at pait sa buhay ng dalawang taong nag mamahalan?