Chapter 4 - Ownership

4 0 0
                                    

Scarlett's POV


Ngayon ang araw na ilalabas na ang bagong sports car ng aming kompanya. Sa totoo lang ay wala akong alam sa mga sasakyan at hindi ako nagkaroon ng interes dito kahit bata pa lamang ako ay ito na ang itinuturo sa akin ng aking ama. Kung nagkaroon siguro ako ng lalaking kapatid ay mas matutuwa si papa dahil doon niya maipapamana ang aming family business.


Dalawang taon makatapos manganak ng mama sa akin ay nalaman nilang mayroon siyang malaking myoma kaya naman napilitan silang ipatanggal ang kanyang matres at hindi na ako nagkaroon pa ng kapatid. 


Siyam na taong gulang ako noong naisipan ng mama na mag-ampon. Sa una ay nagdalawang isip si papa dahil hindi niya gusto ang ugali ng ibang bata sa ampunan at naisip din niya na baka hindi kami magkasundo ng aampunin ni mama. Nagkasundo sila na titira sa bahay namin ang bata sa loob ng anim na buwan at kung maging maayos ito, tuluyan na nila siyang aampunin.


Flashback:

Isang maaliwalas na sabado iyon nang marinig ko ang boses ni mama na tumatawag sa akin.

"Scarlett! Scarlett anak!" Tawag ni mama sa akin.

Dali-dali akong bumangon sa aking kama at tumakbo ako pababa. Napahinto ako nang makita ko ang isang batang babae na hawak ang kamay ng papa at mama ko. Napakunot ang noo ko.

"Mama? Who is she?" Lumapit ako sa mama ko at hinawakan ang kanyang kanang kamay.

"This is Camille. Siya yung sinasabi namin sa'yo ni papa mo na galing sa orphanage. She'll be living with us for six months." Nginitian ko siya at inabot ko ang kamay ko para makipag-shake hands sa kanya.

"Hi, Camille! I'm Scarlett and I'm nine years old. How about you? Ilang taon ka na?" Nakangiti kong sabi sa kanya.

"Seven." Nahihiya niyang sabi.

"I'm two years older than you. You can call me ate. Ate Scarlett. Right mama?"

"Yes, sweetie." Sagot sa akin ni mama.

End of flashback.


Mas humigpit ang pagkakahawak ni Julian sa aking kamay habang nagsasalita ang aking ama sa stage. Tumingin ako sa kanya at ngumiti.


"Kinakabahan ako, honey." Sabi niya sa akin.


"Kinakabahan? That is so not you, Mr. Buenaventura." I squeezed his hand. "Kaya mo yan and I'm always here for you."


"... without further ado, let me introduce to you the new president and CEO of the Santillan automotive company, my son-in-law, Mr. Julian Buenaventura." Ngumiti siya sa akin, tumayo at naglakad papunta sa stage. Pumalakpak ang mga tao habang papunta si Julian sa stage. Ibinigay ni papa ang isang golden plaque sa kanya at tuluyan ng napalibutan ng mga photographer ang stage. Nagbigay ng isang maikling speech si Julian at sinabi niyang iingatan at palalaguin pa niya ang oportunidad na ibinigay sa kanya.


Masaya ako dahil magkasundo ang aking ama at si Julian. Siya ang nag-fill sa pangungulila ni papa sa isang anak na lalaki; kaya naman nang malaman niyang willing si Julian na matutunan ang pamamalakad ng kompanya namin, nakita ko ang kasiyahan ni papa at buong puso niya itong tinuruan.


"Hello, Mr. CEO." Bati ko kay Julian.


"Honey, hindi parin ako makapaniwala." Hinalikan niya ako sa noo. "Noon, gusto ko lang magkaroon ng Santillan sports car pero ngayon ako na ang CEO nito." Nakangiting sabi niya sa akin.


"Ngayong ikaw na ang C-E-O, kailangan ko naman ng A-P-O mula sa inyong dalawa." Napatingin kami sa likod, si papa pala 'yung nagsalita.


"Papa, relax ka lang. Kayo ni mama ang unang makakaalam ng balita kapag meron na." Pabiro kong sabi sa kanya.


"Well, sabi ko nga dito kay Julian hindi na kami bumabata ng mama mo. Gusto rin naming makita ang mga magiging apo namin." Sabi ni papa.


"Yes, papa. Scarlett and I are trying." Seryosong sabi ni Julian.


"Better try harder anak." Nakangising sabi ni papa. "At alam n'yong kayo lang ang inaasahan namin na magdadala ng Santillan at Buenaventura." Tinapik niya si Julian sa balikat.


"Papa, para namang tinatakot n'yo si Julian. Sinusulit pa namin ang buhay magasawa at para handa na talaga kami, 'di ba honey?"


"Oo, hon. By the way, papa, kelan po ang balik ni mama dito sa pinas?" Tanong ni Julian kay papa.


"Siguro by next week nandito na siya. Alam n'yo naman ang mama n'yo napakahilig mag travel. Hindi ko na kayang masabayan minsan." Pabiro pang sabi ni papa.


"Sakto din pala sa uwi nila mom and dad, right hon? Diba next week sila bibisita dito?" Nakatira na kasi ang mga magulang ni Julian sa US. Bumibisita nalang sila dito sa Pilipinas every 4 months para kamustahin kami at pati na rin ang business nila. Kung tutuusin nga ay dalawang malaking kompanya na ang hawak ni Julian ngayon dahil siya na halos ang sumasalo ng lahat ng problema. Ayaw na n'yang mastress ako pati ang mga magulang namin kaya nagpapasalamat din ako sa Diyos at binigyan niya akong responsable at mapagmahal na asawa.


"Ah oo nga pala. Next week daw pupunta sila dad at balak nilang mag-stay for a month dito. If it is okay with you papa, we could go on a vacation in Palawan. We've recently renovated one of our resorts there. Makakapag-relax kayo ni mama doon and same goes to mom and dad and us." Maganda rin yung naisip na idea ni Julian. Matagal tagal na din kasi kaming hindi nakakapagbakasyon at makapag-bonding kasama ang mga magulang namin.


"That's a great idea, anak. You guys plan it at sabihan n'yo nalang kami kung kailan tayo aalis." Mabuti naman at nag agree si papa sa idea ni Julian.


"Don't worry, papa. Ako ang magaayos ng lahat." Nakangiti kong sagot sa kanya.


"Very well then, maiwan ko muna kayong dalawa at kakausapin ko yung iba nating investors."


Hinawakan ni Julian ang kamay ko at humarap siya sa akin. "Honey, I think that'll be the right time to tell them the real reason why we still don't have a child."


"Honey, what did I tell you? 'Di ba pupunta pa tayo sa isa pang specialist para manghingi ng second opinion? Gawin muna natin 'yun bago tayo magsabi sa kanila." Hinaplos ko ang kanyang kaliwang pisngi at humalik sa kanyang labi.


"Thank you for always being there for me, honey. I love you." Ngumiti siya sa akin at niyakap niya ako.


"I love you too." Sagot ko sa kanya at mas humigpit ang aking pagkakayakap sa kanya.


Naging successful ang launching ng bago naming sports car at ang paglipat ng pagiging CEO kay Julian. Maraming investors din ang natuwa dahil may tiwala din sila sa kanya at alam nilang mas mapapalago pa nito ang kompanya. Natapos ang gabing iyon na masaya ang aking ama at si Julian. Alam ko rin na kakayanin niya ang mga darating pang stress ng kompanya lalo na ngayon na dalawa na ang kanyang hinahawakan. Patuloy ko nalang na dinadalangin sa Diyos na bigyan siya ng lakas para mapatakbo niya iyon ng maayos at gayun din na patuloy niyang magampanan ang kanyang responsibilidad na pagiging asawa.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 17, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Bittersweet LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon