Hi My Lablii Readers. ;))
MagUupdate na po ako ;)
Sori kung late. busy po eh.
---------
Gymnasium.
Kasalukuyang naglalakad sila Jesy patungong sa kanilang dorm.
" Guys, Nagtext si Shiela pupunta daw sya dito" sabi ni Jesy sa kanyang mga kaibigan.
"Oh? san n daw sya?" sagot naman ni Nica.
" Paakyat na dito sa dorm " -Jesy
"Magagabi na ahh. bakit pupunta pa sya dito?" tanong ni Myla isa pa nilang kaibigan.
"Nalulungkot daw sya sa kanila eh"
maya maya lamang may narinig silang kumatok.
*tok tok tok *
" Ayan Na Si Shiela"
binuksan ni Jam ang pinto at iniluwa nito si Shiela.
"Girl, Kamusta ka na?"
"Uy Shiela antaba mo na"
"Shi. Musta work?"
sunod sunod na tanong ng mga kaibigan ni Jesy.
" Isa isa lang. Mahina kalaban. haha" sagot ni Shiela habang tumatawa.
Nagtagal ang kanilang paguusap hanggang sa napunta ang kanilang paguusap sa Gymnasium ng School.
" Shiela alam mo ba na ang kwento dyan sa Gymnasium. (sabay Turo sa may bintana.) pag sumilip ka kasi sa may binta. makikita mo agad ang gymnasium.
" Un ba ung bata?" tanong ni Shiela
" Oo un nga." Sabi ni Nica
"Tss. hindi naman totoo yon eh."
"Totoo yan. Ayaw mo maniwala. Baka multuhin ka non"
Tumayo si Shiela sa kinauupuan nito at sinimulang maglakad patungo sa bintana kung saan masisilip nya doon ang gymnasium.
" Hoy! Kung Totoo kayo magpakita kayo sakin." sigaw ni shiela sa bintana.
"Huy. Shi. Baka marinig ka ni manong guard. sbihin nun bakit hindi pa tayo tulog. Chaka wag kang ganyan baka magalit sila sayo." pagpapaalala ni Myla
makalipas ang ilang minuto naghihintay parin si Shiela na may magpakita sa kanya.
" See? Hindi yun totoo guys." sabi ni shiela habang nakangisi.
" tskk. bahala ka nga dyan. Matutulog na kami. Sya nga pala. Dito ka ba matutulog? Wala naman kaming pasok bukas eh."
"Sige dito nlng ako matutulog."
" Tara na. Gala tayo bukas." sabay higa nila sa kama.
agad na silang nakatulog dahil sa pagod.
nagroronda narin ang guard para masiguradong lahat ay tulog na.
ilang oras ang lumipas, naalipungatan si Shiela at nauhaw.
" Hay. ang init naman. Makainom nga muna ng tubig." sabi nya habang naglalakad papunta sa mini ref nila.
Pagkadaan nya sa binta ay naalala nito ang sinabi nila Jesy.
Napangisi nalng ito at dirediretso sa mini ref.
Pagkabalik nya naisipan nya na sumilip sa bintana.
pagkasilip nya nakita nya ang janitor na naglilinis.
inikot niya ang mata sa buong gymnasium.
napansin nya na umalis na yung janitor na naglilinis.
"Hindi ka nga talaga totoo. Ayaw mo naman magpakita eh" sabi nya sa sarili habang nakangisi.
maya maya lamang ay may narinig sya
*Enggggkkkkkkk*
(tunog nung score board)
Nagulat siya at tiningnan kung saan nanggagaling ang tunog na iyon.
nakita niya ang score board na umandar.
nagulat siya dahil wala namang tao biglang umandar iyon.
Paalis na sana siya nang biglang may sumitsit sa kanya.
*Pst*
laking gulat niya na may Babaeng nakaputi at may bata pa na kasama sa ilalim ng score board.
nanlilisik ang mata nilang dalawa kay Shiela at ang bata naman ay may hawak pang teddy bear.
nakatulala lang si Shiela.
nang matauhan siya ay agad siyang sumigaw, dahilan ng magising ang kanyang mga kaibigan.
" Wahhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhh"
" Anong nangyari sayo Shi.?" Tanong ni Nica
" t-t-to-too si-si la. Ta-tama kayo" sagot niya habang nauutal utal
" nagpakita sila sayoo!!??"
"oo. nakita ko sila"
tumalikod si Nica
"Huy nica. Tulong naman Baka magalit sila. Nagambala ko sila eh. Dapat naniwala ako agad sainyo." pagsisisi ni Shiela
Humarap si Nica at laking gulat nalang ni Shiela na Naglabas ng itim na likido sa bibig si Nica habang nakangisi.
" Bwahahahhaha. Maghihiganti ako" sabi ni Nica na wala sa sarili.
"WAHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHH!!!!!!!!!!!"
----------
THANK YOU PO SA PAGINTAY NG UPADATE KO AT SA PAG VOTE NYO =]]
SANA PO SUPPORT NYO PA TO.
SORI PO SA TYPOS KASI CP LANG PO GAMIT KO NGAYON.
SORI RIN PO KUNG NALATE ANG UD KO AT KUNG HINDI KAYO MASYADO NATAKOT SA STORY KO.
NARANASAN PO ITO NG TITA KO SA COLLEGE SCHOOL NILA.
HINDI KO NA PO IMEMENTION.
UN LANG PO.
THANK U AND GOD BLESS US ALL =**
