Megumi Pov
Bago kami umalis sa unit ni keito ay nakasalubong pa namin si Stephen.
" Me-megumi, nanjan ba si Janine? Please, tell me " pagmamakaawa niya sakin. Bakas sa mukha neto ang pag aalala.
" What happen? Stephen, wala siya sa unit ni megumi. " mahinahong sabi ni keito.
" I don't know, galit siya sakin." Sabi niya kay keito at tinuon niya ang tingin niya sakin. " please megumi, i know alam mo kung saan siya pumunta. Tell me. " sabi niya na para bang nawawala na sa sarili.
Ano ba tong pinasok mo janine! I don't know kung sasabhin ko ba kung nasaan si janine. Naawa ako kay stephen pero paano ang bestfriend ko. Hindi ko pa alam ang tunay na story sa kanila kung bkit sila nagaway. What to do ?
Magsasalita na dapat ako pero naunahan na ako ni keito .
" Hindi niya alam kung nasaan si janine. Go home. Stress ka na. " sabi niya kay stephen. At hinatak na ako ni keito at umalis na kami.
" Pa- pano si Stephen. Bat natin iniwan? " tanong ko kay keito, nagaalala lang kasi ako sa kanya.
" Kaya na niya ang sarili niya. Wag kang mag alala. " mahinahong sabi ni keito. At pumasok na kami sa elevator. Nakita ko pa ang itsura ni Stephen bago sumara ang elevator.
Nakarating na kami sa school, and us usual nakatuon sa amin ang atensyon ng mga studyante. Nagtataka siguro sila kung bakit kami magkasama ni keito. Hindi ko na lang sila pinansin at dumiretso na kami sa room.
Pagpasok namin ni Keito, halos wala pang studyante. Konti pa lang . Tas yung upuan namin sa likod ay kami pa lang na dalawa.
Nasaan si bryle? Nauna siya sa amin ahh. Saan nanaman nagpunta yung lalaking yun.
" You okay ? " tanong sa akin ni keito.
Ngumiti muna ako bago tumango. Hanggang ngayon di ko pa rin lubos maisip na okay na kami ulit keito, tapos parang nanliligaw pa siya sa akin. Nakakakilig.
" Are you sure? Parang ang lalim ng iniisip mo? " tanong niya pa.
" Wala. " maiksing sabi ko.
Nagkibit balikat lang siya at ngumiti. Tapos inakbayan niya pa ako." WAAAAHHHHH !!! LUMAYO KA NGA SAKIN !!! WAAAHHHH !!!! "
May sumigaw at parang alam ko na kung sino yun. Pagtingin ko sa pintuan ng room ay nakita ko si Bryle na tumatakbo habang hinahabol siya ng isang babaeng may hawak na red na box.
Naghabulan sila sa loob ng room.
" BRYLLEEEE !! MASARAP TO TANGGAPIN MO NA !! " Sigaw nung babae habang hinahabol pa din siya.
Napakamot na lang sa ulo si keito. " Ano nanamang kalokohan ni bryle? " nasabi na lang niya.
Nung napansin ni bryle na nasa likod lang kami ay bigla ba namang tumakbo papunta sa akin.
" MEEEGGGUUMMIII !! HELP ME ! " Sigaw niya tapos nagtatakbo at nagtago sa likod ko.
Napansin kong medyo nagulat si keito sa ginawa ni bryle, maski ako nagulat.
" Itago mo ko sa babaeng yan ! " sumbong ni bryle sa akin na akala mo bata.
Napatingin ako dun sa babae, ang cute niya ! May hawak siyang red na box, parang cake.
" Tanggapin mo na kasi tong gift ko sa'yo ! " sabi nung babae, na parang naiiyak na.
" Hindi ! AYOKO ! A-Y-O-K-O !! " Sigaw naman ni bryle.
Napangiti na lang ako at kinuha ko yung box dun sa babae.
" Ano ba kasi to? " tanong ko.
" Gift ko sa kanya, nililigawan ko kaai siya eah. ! " masiglang sabi nung babae.
Natawa ako. Kaylngan ba talaga babae na ang nanliligaw? Sabagay, medyo relate ako ginawa ko din kay Keito yun.
" Alis na ako Bryle ! Kainin mo yan ahhh ! Ako nag bake niyan. " masiglang sabi nung babae at umalis na.
Nakayakap pa din sa likod ko si bryle.
" O-oy bryle ! Tama na ang yakap . Wala na yung babae oh ! " sabi ni keito, halatang naiinis siya.
Bumitaw naman sa akin si bryle at biglang ngumiti.
" Anong nginingiti mo jan ?! " tanong ni keito.
" Wala ! " sabi niya at kinuha yung box nang cake at umalis na.
" Oy ! Kala ko b ayaw mo yang cake !!! " sigaw ko kay bryle pero di na siya lumingon.
"Asa ka namang aayawan niya yan. Mahilig kaya yun sa cake ! " sabi ni keito at umayos ng upo.
Napakamot na lang ako ng ulo ko. Ang dami namang arte ni bryle tatanggapin din pala niya ang cake.
Inakbayan ako ni keito, tapos nginitian niya ako ng tumingin ako sa kanya.
" Bakit ang ganda mo? " tanong niya habang nakangiti. Napangiti ako sa sinabi niya.
" Nambobola ka lang ! " sagot ko sa kanya. Bigla siyang umayos ng upo at humarap sa kin.
" Sinong nagsabing nag jojoke ako? " tanong niya.
Hindi ko alam ang sasabihin ko, para akong nawalan ng boses.
" A ... ahhh. - " he cut me off using his lips.
__________________________________
A second kiss !!! Wahahaha
BINABASA MO ANG
BestFriend
RomanceThis story is about LOVE and FRIENDSHIP. It's hard to choose between the two but you must choose. There are many description of love. But for me Love is when you heard your heartbeat. Only your heartbeat you hear once you see the one that you Love. ...