18 - Problem

4 0 0
                                    

Megumi Pov

Pag uwi ko sa condo unit namin ay nakita ko si Janine, na hindi mapakali . Lakad siya ng lakad. Tas ng mapansin niya ako na nandito na bigla siyang tumigil at lumapit sakin.

" At last , kanina pa kita hinhintay. San ka ba nanggaling ? " bungad niya sakin. At halata sa mukha niya na nagalala siya.

" M-may pinuntahan lang ako. Sorry.  " hinging paumanhin ko ay naupo na ako sa sofa para magpahinga.

" Your dad. " sabi niya.

Bigla akong kinabahan ng marinig ko ang sinabi niya. Anong meron kay daddy.

" What? " tanong ko. Kinakabahn ako sa sagot niya.

" He's here. Nandito na siya. He need to talk to you. " sabi ni janine at tumabi siya sakin sa sofa.

" Why?  About saan?  " tanong ko.

" I dont know. He keep on calling you. Pero hindi mo daw siya sinasagot kaya pumunta siya dito kanina. " sabi sakin ni janine tapos tumayo na naman siya.

" Ako na ang kakausap sa kanya. " sabi ko at tumayo na ako at pumunta na sa kwarto ko.

Anong gulo nanaman to dad?
Did he know already about me and alex? Oh no. I'm dead.

Kinabukasan.

Tinanghali kami ng gising ni janine kaya nagmadali na akong maligo at magbihis.

" C'mon gum!  Malelate na tayo! " sigaw ni janine mula sa baba.

Nagmadali na akong bumaba at binaon ko na lang yung sandwich na ginawa ni janine at nagmamadali na kaming umalis.
Pagbukas ko ng pinto ..

" Good Morning Megumi ! "
Nagulat ako ng makita ko siya. Unexpected.

" A-anong ginagawa mo dito. B-bryle? " yeah. Si bryle ng unexpected visitor ko.

" Sinunsundo kita. Tara na, malelate na tayo. " yaya niya sakin habang nakangiti.

" P-pe-ro?? " tutol ko, pero etong kaybigan ko ay biglang nagsalita.

" Naku girl ! Wag ka nang maginarte jan. Tara na ! C'mon bryle. " sabi ni janine at tumango si bryle at niyaya na rin niya ako. No choice ako, malelate na kami.  Di muna ako aarte.

Nakarating kami ng mabilis sa school at nagmadali na kaming pumunta sa school. Pagpasok namin ng room ay agad na pumukaw ng attention ko ay si keito. Nakatingin siya samin ni bryle. Parang iba eh, o feeling ko lang na may iba sa kanya.

Dumiretso na ako sa upuan ko. Nginitian ko lang si keito pero wala siyang reaksyon kaya tinuon ko na lang ang pansin ko kila janine.

" Hi megumi ! " bati sakin ni stephen, nginitian ko lang siya at kinuha ko yung sandwich na nasa bag ko at kinain ko na. Buti na lang wala pa kaming prof. Makakain pa ako.

" Hindi ka pala nagbreakfast, bakit hindi mo sinabi sakin? " tanong sakin ni bryle na may bakas ng pag alala.

Napatingin ako sa kanya. Nginitian ko lang siya.

" Wag mo kong dinadaan sa ngiti mong yan , megumi. Gusto mo bang kumain? " tanong niya sa akin.

" Naku!  Wag na.  Wag na. Okay lang ako dito sa sandwich, tsaka baka dumating na ang prof natin " sabi ko na lang. At ngumiti.

" Sure ka ah?  " paninigurado pa niya. Natatawa na lang akong tumango.

Maya maya ay dumating na rin ang prof namin, nagdiscuss lang siya ng kuna ano ano and natapos na rin ang iba naming subject hanggang sa magbreak na.

" Lunch tayo, " yaya samin ni bryle habag nakatingin sakin na abot tenga ang ngiti. Tumango na lang ako. Napansin kong parang tahimik si keito kaya nilapitan ko siya.

" Okay ka lang ba? " bulong ko sa kanya.

" Yeah. " maiksing sabi niya at umalis na. Sumunod na lang sila stephen at janine pero si bryle ay hinintay pa ako.

" Eto na yung bag mo" abot niya sa bag ko.

" Thank you. " mahinang sabi ko at sumunod na kami sa cafeteria.

Ano nanaman kaya problema ni Keito, okay naman na kami kahapon ah. Akala ko ba okay na kami.

Nang mkapunta na kami ni bryle sa cafeteria ay napansin kong wala si keito. Nagalala agad ako. Pero hindi ko na lang muna siya inisip. Dumiretso na kami sa table.

" Nasan si Keito? " tanong ni bryle.

" Umalis eh. " sagot ni stephen.

Natapos na kaming kumain at pabalik na kami ng Room ng biglang may tumawag sa phone and then I saw the numbe of my dad. Ayaw ko pa sanang sagutin pero i need to answer this call baka emergency.

" Yes dad? "

" Where are you?  " tanong niya.

" Im still at school. Can you please call again later. " tanong ko sa kanya.

" Alright, we need to talk. Ako ang magsusundo sa'yo jan. What time is your out?  " tanong niya.

" 5 pm. "

" okay.  Bye." Paalam ni dad. An he end the call

Ano bang paguusapan nmin. Kinakabahan tuloy ako. Kung about to kay alex, patay na talaga.

BestFriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon