Chapter Twenty Two: Back to Manila

300K 4.8K 348
                                    

Chapter Twenty Two:  Back to Manila

<Muriel POV>

I never thought for one moment, na muli akong magbabalik ng Manila. Malayo ito sa ini-expect ko. Six months was too soon. And I was unprepared. Pakiramdam ko tuloy pinaglalaruan ako ng tadhana.

Bigla akong napalingon sa katabi ko nang marinig ang ringtone ng cellphone niya.

Manila, Manila

I keep comin' back to Manila

Simply no place like Manila

Manila I'm coming home...

Hindi ko napigilang mapangiti. Para talagang nanadya ang pagkakataon. And I guess, this is really my fate.

Nasa airport na ako. Halos kalalabas ko lang ng arrival area. Hindi naman ganon kabigat ang bitbit kong travelling bag. Konti lang naman ang dinala kong mga gamit. Mahaba na siguro ang limang araw na pananatili ko. Kung mas maagang mareresolba ang technical problem sa opisina mas maaga akong makakauwi at pabor sa akin iyon.

Ang instruction sa akin ni Jasper ay mayroon daw susundo sa akin. Kung sino siya? wala akong ideya. 

Sampung minuto na siguro ang naghihintay. At hanggang ngayon ay wala pa rin yung taong tinutukoy nila na susundo sa akin. Nang tuluyan akong mainip ay lumabas na lang ako at doon na lamang maghihintay

"Muriel!" Narinig kong may tumawag sa akin. Paglingon ko ay nakita ko si Manong Bay na papalapit sa kinaroroonan ko.

"Anong ginagawa nyo rito Manong Bay?" Hindi ko inaasahan na makikita ko siya doon.

"Nandito ako para sunduin kita."

Siya ang yung taong tinutukoy ni Jasper?

Halos hindi pa ako nakakabawi sa kabiglaan nang mamalayan ko na lang na ipinapasok na ni Manong Bay ang mga gamit ko sa compartment.

"Pasensya ka na ineng kung nahuli ako ng dating. Alam mo naman ang traffic dito sa Maynila, walang katulad." Pagkatapos ay binuksan niya ng pintuan ng kotse para sa akin. "Sakay na!"

"Manong Bay, saan nyo ba ako ihahatid?" Tanong ko. Kanina pa ako kinakabahan sa naiisip.

Nginitian lamang niya ako at marahan na tinulak papasok ng kotse. "Malalaman mo rin mamaya." Makahulugang sabi niya na nagbigay sa akin ng kakaibang kaba.

This is just a dream! This is just a dream!

Paulit-ulit kong sinasabi sa sarili ko. But everytime I opened my eyes, iyon at iyon pa rin ang nakikita kong tanawin sa labas.

"Muriel, hindi ka pa ba bababa?" Tanong sa akin ni Manong Bay nang sumungaw siya sa bintana. Mga limang minuto na siguro kami naroon. Nakita kong naibaba na rin niya ang mga gamit ko. 

Invisible Girl  (Reprint under LIB) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon