Bogart says 23

12.8K 775 49
                                    

“Honey if you want we could bring with you Manang Inday para di ka naman ma-lonely sa Batangas.” Mungkahi ng mama nya mula sa pintuan ng kanyang kwarto, nakasandal ang ulo habang pinagmamasdan ang anak mag-impake.

“Ma I’m fine. Kaya ko na sarili ko. Susunod naman kayo diba? Kaya okay lang kahit mag-isa ako. Isn’t this the purpose of going there? Nang makapag-unwind!?” tanong nya sa ina. “Para lang uli akong magreretreat!” dagdag pa nya.

“Well, big boy ka na nga. O sya, dyan ka muna ha? Kakausapin ko lang si Kuya Pedro para ihatid ka na.”

“Thanks Ma! At Ma!” bumalik ang mama nito sa may pintuan. “Pasabi kay papa thank you rin at pumayag syang sa Batangas ako i-deport kaysa sa Amerika.”

“No problem honey!”

Malapit na syang matapos sa pagliligpit nang mapuna nya ang pamilyar na jersey sa pinakaibabang drawer. Nagdadalawang-isip sya kung dadalhin nya ba ito.

Kung gusto kong lumimot, kailangan wala akong makita na magpapaalala sa akin sa kanya…

Nahiga sya sa kama, iniangat ang singsing ni Buknoy na kanyang kwinintas, pinagmasdan.

…Pero this one is an exemption.

Mag-iisang linggo na mula ng malaman ng magulang nya ang lahat-lahat. Kung sa mama nya’y may nakuha syang simpatiya sa kanyang papa, wala. Isa raw itong anyo ng ‘wake up call’ upang isentro na ang buhay sa pag-aaral. At sa pag-aaral lang.

Sa next school year na uli ang pasok ni Eiji. At sa pagkakataong ito, sa Ateneo. Natitiyak ng kanyang ama na mapapalitan ang nadungisan nyang TOR ng markang maaasahan mo sa mga Lastimosa dahil wala na ang sagabal, wala na ang pag-ibig.

Karaniwang gawi kapag may mga ganitong sitwasyon, magpapalit ng number nang di na matawagan. At yun nga ang ginawa ni Eiji ngunit may iilan syang pinagbigyan nito tulad nina Patti, Aisha at Clyde para kahit papaano’y may komunikasyon pa rin sila sa isa’t isa.

Bumaba si Eiji nang sa tingin nya’y wala na syang nakalimutan. Dinala nya ang iba sa mga gamit papuntang van at nagpatulong para kunin ang iba. Habang nasa loob na ng van, pwinepwesto ang mga dala, nagvibrate ang phone nya. Si Clyde – tumatawag.

“Hello Clyde! O napatawag ka?”

“Naospital si Buknoy, friend!?” pagtataranta nito. “Paulit-ulit nyang tinatawag pangalan mo. Nakakatakot! Para na syang mamama-”

“Sasampalin kita Clyde wag kang nagbibiro ng ganyan!”Kumabog ng malakas ang kanyang dibdib.

“Oh my gosh! Friend di na kami pinapapasok! Dinala na sya sa E.R!” Biglang namutla si Eiji sa balita ni Clyde. Hindi sya nagbibiro. Napansin ng kanyang ina ang parang panghihina ng anak at nagmadali itong lumapit.

“Anak bakit?” hinipo nya ang noo.

“Ma, si Buknoy naospital. Puntahan natin sya!” Napatakip ng bibig ang kanyang ina’t niyakap ang anak. Lumapit ang ama sa van.

“Hon, si Buknoy nasugod sa ospital!” sambit ng ina.

“Pa, puntahan natin sya!” iyak ni Eiji. Hindi alam ng kanyang ama kung ano ang gagawing reaksyon. Gayunpaman, kumilos ito at kinuha ang susi ng kanyang kotse.

Bumalik si Eiji sa kanyang kausap.“Clyde anong ospital yan?”

“Aish, anong ospital to?...R.M? UERM!” Alam ni Eiji ang ospital. Dyan sya ipinanganak.

“Alam na ng magulang nya?” tanong nya.

“Tinext na ni Sugar.”

“Sugar? Andyan si Sugar?” gulat nito. Ang pangalan nya ang nasa pinakadulo ng gusto nyang marinig.

Ang Multo sa Manhole 2 - Under revisionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon