*personally picked song for this chap. >>
“Patti ano yan?” ang tanong ni Stephen.
“Tumingin ka dun sa may bar Steph kung di ba kukulo dugo mo.” Matapos nag-abot ng bayad si Stephen sa mga kinain, yumuko sya para silipin ang tinutukoy ni Patti. Noon di’y nakita nya si Buknoy at ang mga kasama nito. At tama si Patti. Kumukulo nga ang dugo nito.
“Willer!” sinigaw ni Stephen ang pangalan habang mabilis na pumunta sa lugar.
“Stephen wag!” sigaw ni Eiji ngunit huli na, nasuntok nya na si Buknoy sa mukha. Laking pagtataka ni Patti kung bakit hindi ito gumaganti gayong sa pagkakaalala nya’y hindi umaatras si Buknoy sa anumang laban. Kumaripas ng takbo si Eiji upang pigilan si Stephen; sumunod si Patti.
“Pre! Tama na yan pre!” awat naman ni Robert, ang kaklase ni Buknoy noong highschool.
“Babe ayos ka lang? Tara balik tayo sa loob.” Ang sabi nung bakla habang inaalalayan si Buknoy makatayo sa pagkakaupo sa sahig. “Sino ba kayo? Mga warfreak na to!?” sabay baling ng galit sa kanilang tatlo.
“Yang hinahawakan mo, syota ng bestfriend ko!” sagot ni Patti habang tinuturo si Buknoy.
“Stephen di mo dapat ginawa yun. Kagagaling pa lang nya!?”
“Kagagaling? Eiji nakita mo, nanggaling sya sa loob ng bar!”
“Uhm, ako may kasalanan.” Ani Robert. “Gusto ni Willer gumimik. Dito ko sya dinala. Uhm, dito kasi ako nagtratrabaho.” Ang parang nahihiyang pag-amin nito.
“Dito ka nagtratrabaho?” ani Patti na di makapaniwala. Tumango si Robert. Lumapit si Eiji kay Buknoy na nakayuko, tila walang mukhang ihinaharap, kinuha ang panyo sa bulsa’t ipinahid sa kanyang mukha, bandang labi, kung saan naroon ang dugo. Ngunit iniwas ito ni Buknoy.
**
I thought everything will turn out as I planned…pero bakit instead na magalit si Eiji sa akin, ito ang ginagawa nya?
“Patti, Stephen sige una na kayo.” Lingon ni Eiji sa mga kaibigan. “Sabay na lang kaming uuwi ni Buknoy.” Hindi pa rin maitaas ni Buknoy ang mukha. Aside sa naiinis sya, nahihiya rin syang nasaksihan pa ng dalawang iyon ang kanyang ginawa.
“Eiji are you sure about this!?” ang parang di makapaniwalang tanong ni Stephen. Naiintindihan ni Buknoy kung bakit ganito ang reaksyon ni Stephen. Pinaalalahanan na sya nito noong nasa Retreat house pa lang sila sa Bulacan na wag sasaktan si Eiji na sya nyang ginawa kanina.
Pero what choice do I have? Mas gugustuhin kong saktan si Eiji ngayon para di na magtagal, kaysa naman masaktan pa sya ng pangmatagalan.
“I’m sure about this.” Ang sagot ni Eiji na nakangiti. “Tignan mo si Patti ha!? Ge, bye.” Palingon-lingon pa si Stephen sa kanila habang binabagtas ang kalsada. Nang makalayo na’y niyaya nya si Buknoy na maglakad sa opposite na kalsada. Sumunod ito pero hindi pa rin nya maitaas ang ulo at ayaw pa rin magsalita.
“That’s a slap on my face.”
Sandaling napatingin si Buknoy kay Eiji nang marinig iyon at mabilis ding binalik ang tingin sa baba. “Did it slap you hard?” ang tanong naman.
Napatigil na si Eiji sa paglalakad. Nang hindi tumitigil si Buknoy sa paglalakad, hinila nya ito sa kamay.
“Buknoy anong problema mo? Kanina lang ang saya-saya mong ibinalita na magaling ka na, umabsent ka na nga diba? And yet why? I was expecting you took rest at home hindi dun sa bar na yun!”
“Nakakasawa ka na e. Alam mo, para lang yang pagkain e, pagpaulit-ulit na inihahain, nakakaumay. Solusyon? Tumikim ng bago. Kaya nandun ako.” Isang malakas na sampal ang inabot ni Buknoy.
“Bawiin mo yang sinabi mo!”
Tumahimik. Mabilis nyang pinagsisihan ang pagsampal. “Ano ba kasi nangyayari sayo Buknoy? Hindi na kita maintindihan!?”
“E di wag mo na akong intindihin!?” sagot nito. “Sino ba nagsabing intindihin mo ako!? Ha!? Meron ba?”
Napayuko si Buknoy pagkasabi na pagkasabi nya nun. Shit.Umiiyak na siya. Nasasaktan na ni Buknoy si Eiji. Gumagana na uli ang plano nya. Ngayon nama’y tinitigan ni Eiji ang di makatitig na si Buknoy bago sinabing,
“Alam mo bang pinapa-suspend ako ni Sugar dahil sa ginawa ko sa kanya sa Manila Bay?” Hindi sya tumingin. “Nagmakaawa ako sa kanya Buknoy pero di sya naawa. Instead, she asked for a bargain – ikaw kapalit ng suspension ko sa school. It’s a tough stuff but I… chose you. Ganun kita ka-”
Hinawakan ni Buknoy ang magkabilaang braso ni Eiji. “Pinili mo na lang sana ang pag-aaral mo.”
Pagtataka ang nangingibabaw kay Eiji sa mga oras na yun. “…Ikaw na rin nagsabi sa akin dati, wag ikaw ang gawin kong top priority kung bakit ako nag-aaral, na dapat mag-aral ako para sa sarili. Para magkaroon ng magandang kinabukasan. And so why don’t you apply that to yourself, Eiji?” Unti-unti nyang tinatanggal ang pagkakahawak sa balikat ni Eiji, napayuko. “…Di sana mangyayari to kung hindi naging tayo.”
“Buknoy wag mong sabihin yan!” biglang yumakap si Eiji nang makaramdam sya ng takot at pangamba. “Kailanman di ko sinisi sa relasyon natin itong mga nangyayari sa atin. Sa akin. Kaya don’t say that. In love, you and I di ba? Against all odds?”
Hindi sumagot si Buknoy bagkus ay unti-unti nyang inaalis ang pagkakayakap ni Eiji.
“Eiji I’m very, very sorry. Wala ng against all odds. At wala, wala na ring you and I. Do me a favor…” dahan-dahang tinatanggal ni Buknoy ang singsing sa kanyang kamay. Napaupo naman si Eiji sa may kalsada nang masaksihan iyon, nakasubsob ang mukha sa kanyang mga palad habang tuluyan na ngang humahagulgol. “…Find somebody who will love you unendingly, who will show you a brighter day, who will be there with you until the end of time.” Habang sinasabi nya ito, pilit nyang binubuksan ang nakasarang palad ni Eiji upang ibigay sa kanya ang singsing – singsing na sa mga lumipas na panahon ngayon nya lang natutunang tanggalin.
“Buknoy you’re hurting me. Not this way, please? Isuot mo yang singsing mo. Isuot mo.” Pagmamakaawa ni Eiji. “Not this way.”
Tuluyan na ring bumagsak mga luha ni Buknoy. “It’s the only way.” Ipinikit ni Buknoy ang mga mata. “Ayokong magpaka-selfish. So I’m letting you go. Gusto kong humahap ka ng lalaking magpapaligaya sayo, lalaking hindi ka pagsasawaang mahalin. Lalaking hindi katulad ko.”
“Sayo ako lumigaya Buknoy. Sayo lang din ako liligaya. Kailanman hindi kita pinagsawaang mahalin dahil wala kang katulad. Wala.” Pilit ibinabalik ni Eiji ang singsing sa kamay ni Buknoy ngunit hindi nya ito binubuksan. Sinarado nya na ang palad nito kasabay ng pagsarado ng kanyang puso.
“Gusto kong tandaan mo Eiji na minahal kita. But this is goodbye. Umuwi ka na sa inyo. Ako na ang makikipag-usap kay Sugar na wag ka ng i-suspend.” Tumalikod na si Buknoy ngunit muling lumingon. “This is the least I can do as your ex.”
Ayaw tanggapin ng kanyang tenga ang mga naririnig, lalo na ang tunog ng salitang “ex”. Madaya ka Buknoy. Sa isip nya. Madaya kayong lahat. Pakiramdam ni Eiji ay nawalan sya ng kakampi, pinagtulungan ng marami. Pilit man nyang huwag tumingin sa papalayong lalaki, hindi nya magawa. Ganito pala ang pakiramdam ng iniwan. Siguro ganito rin kasakit naramdaman nya nung ginawa ko ‘to sa kanya noon. And now, it’s haunting me. It’s killing me.
Pinagmasdan nya ang singsing sa kanyang palad. Hinaplos nya ito na para bang isang ibong nabalian ng pakpak. Nailalagay nya ang sarili sa katayuan ng ibong iyon – tila nabalian rin sya ng pakpak ngunit ang mas malupit nito’y si Buknoy mismo ang bumali. Gusto nya itong itapon nang buong lakas, malayong-malayo ngunit sa kabilang banda ayaw nya. Ayaw nya sapagkat mahirap hanapin ang isang bagay lalo na kung ito ay walang kaparehas.
BINABASA MO ANG
Ang Multo sa Manhole 2 - Under revision
Fiksi RemajaBROMANCE BOYXBOY YAOI Pagkatapos ng mga samu't-saring pinagdaanan nila Eiji at Buknoy noong high school, sila'y nagbabalik para sa isa na namang adventure na syang magpapakilig, magpapatawa at magpapaiyak sa inyo ng bonggang-bonga ngayong nakatunton...