Captivating Psyche_____chapter 2

58 3 0
                                    

Napatulala si Darwin sa building na nasa kanyang harapan.

"Travel Agency ba talaga ito. Bakit ngayon ko lang napansin ito?" Pinakatitigan pa ni Darwin ang building. May posibilidad kasi na dito siya magtrabaho.

"Your Late!" napapitlag siya ng may sumigaw sa likod nya. Pero may hinala na sya kung sino ito.

"Sigurado ka bang Travel Agency ito Guiller" baling ni Darwin sa kanyang likuran.

"Yeah. Basta wag ka ng magtanong, kaylangan mo ng trabaho right? Siguradong pasado ka dito"

Nang makarating sila sa loob, hindi mkapaniwala si Darwin. Mas mukha itong 1st class na hotel kaysa sa isang travel agency.

"Alam mo Darwin, hindi ko maintindihan dyan sa papa mo bakit kailangan ka pa nyang pagtrabahuhin sa ibang kumpanya" natahimik si Darwin. Hindi din niya maintindihan ang gusto ng ama, may sarili silang kumpanya pero mas gusto ng papa nya na magtrabaho muna sya sa ibang kumpanya bago pamahalaan ang sarili nilang negosyo.

Tahimik na pumasok ang dalawa sa elevator. Pinindot naman ni Guiller ang 5th floor. Ilang sandali pa nakalabas na sila ng elevator. Napansin ni Darwin ang hile-hilerang mga computer at ilang nagkakagulong empleyado. Nagtataka siya kung ganito ba talaga ang eksena sa isang agency. Napansin din nya na ilan sa mga ito hindi naka uniform.

"Halika na. Hinihintay na tayo ni Sir medyo na late ka kasi" Napansin pala siya ni Guiller na kanina pa nakatayo at tinitignan siya. Nagpatuloy na sila sa paglalakad hanggang marating nila ang dulo ng pasilyo. Pumasok sila sa isang opisina.

Malaki ang opisina, maganda din ang interior design nito. May maliit na bookshelf sa isang gilid, katabi nito ang sofa, sa bandang dulo ay may mini bar at kitchen. May isa namang pinto sa bandang kaliwa ng kusina na sa palagay niya ay c.r. Walang tao sa loob ng opisina ng makapasok sila.

"Asan yung boss mo?" kumibit-balikat lang si Guiller, ibig sabihin hindi din nito alam.

Ilang minuto silang nag-antay hanggang may isang lalaki ang pumasok sa opisina. Sumaludo dito si Guiller na ipinagtaka ni Darwin. Sa palagay niya ito na ang Presidente ng kompanya. Tinitigan siya nito habang nakataas ang isang kilay.

"Well, i suppose you are Darwin Beron." matiim pa siyang sinuri ng lalaki. Sa palagay niya may pagka istrikto itong boss.

"Yes sir" confident siyang sumagot. Isa sa mga factor kung bakit natatanggap ang isang empleyado ay ang pagiging confident nito, iyon ang paniniwala niya.

"Are you really willing to join our organization?" Napakunot ang noo ni Darwin. Parang kakaibang tanong naman iyon.

"Hindi po ba dapat, kompanya?" napansin ni Darwin ang biglang pagkunot ng noo ng kausap. Tumingin ito kay Guiller at tinaasan ito ng kilay.

"Uhm, I think I forgot to explain things to him" napakamot ng ulo si Guiller habang nakatungo. Ngayon lang nya nakitang kinakabahan ang kaibigan. Mostly kasi, kung patatagan nalang ng loob at patigasan ng ulo si Guiller na ang nangunguna. But the way Guiller cower on this guy, sigurado siyang sobrang terror nito.

"You.Forgot.It.? What in the World is that Guiller?! Hindi mo sinabi sa kanya?!" Guiller wince. Pati narin siya parang natatakot na sa lalaki.

"Sir? What do I supposed to know first?" Mukhang mali ang pagsasalita niya dahil tinignan siya ng matalim ng boss.

"Guiller. Get. Out. Of. My. Sight. Bumalik ka dito kung maayos na lahat. Now, Get out!!" mabuti naman dahil kanina pa niya gustong lumabas.

Nang nasa labas na sila doon lang nakahinga ng maluwag si Darwin.

"Pagpasensyahan mo na si Sir Jay may pinagdadaanan lang yun" Napansin ni Darwin na medyo naging uneasy ang kilos ni Guiller.

"Guiller ano yung dapat mong sabihin sa akin?" Biglang naging stiff si Guiller, ilang segundo silang nakatayo.

"Ewan ko ba kung bakit gusto pa kitang isali sa kalokohan na ito. But I guess, huwag na lang. Hindi na kita matutulungang makapasok dito. Humanap ka na lang ng iba" pagkatapos nun tumalikod na si Guiller pero pinigilan sya ni Darwin.

"Hey, I'm on it. Sabihin mo na sakin kung ano nga yon then I'll decide later" tinitigan siya ni Guiller na parang nagiisip. Ilang saglit lang bumuntong-hininga ito.

"If you join you will be on a peril danger, there's no going back. Everything is at stake.

"You mean hindi talaga ito isang agency?" hindi makapaniwalang tanong ni Darwin. Tumango naman si Guiller. Tama nga ang hinala nya, hindi talaga ito agency.

"Come on. I'll explain to you later. Hinihintay na tayo ng boys" lumapad ang ngiti ni Darwin. Mukhang magiging masaya ang maghapon nya.

(Editing)The Three Towers #1- Captivating Psyche (on hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon