Nasa cafeteria si Psyche at Alma ng dumating sina Maybel at Shequila. Napagusapan kasi nilang hindi na lumabas para kumain kaya sa canteen na ng agency sila mag lalunch.
"May bago daw member sina Guiller ah" bungad sa kanila ni Shequila.
"Wala akong pakialam sa grupo nila. Ang yabang ng Guiller na yon porke mas mataas ang merit nila sa atin. Hmmpp.." ismid ni Alma.
"Is this the find-a-new-agent-and-kick-some-butt month? Parang marami atang dumadating na mga bago ngaun ah. Una sina Eldren at ngaun sina Guiller naman" komento ni Maybel.
"Ibig lang sabihin nyan matatanda na tayo at papalitan na nila tayo" hindi napigilang wika ni Psyche. Trip talaga nya minsan ang gawing paranoid ang mga kaibigan.
"Bata pa ako ano! Wala pa nga akong boyfriend eh!" sigaw ni Shequila. Katulad ng inaasahan ni Psyche ito ang unang magkokomento. As usual no comment lang si Maybel at si Alma naman mukhang nagiisip kung papatulan ang sinabi nya. Pero bago pa makapagkomento si Alma dumating naman si Chistian, isa sa mga agent.
" Agent 21, Pinatatawag kayo ni Sir Jay sa office nya. Mukhang seryoso" wika ni Christian kay Alma .
"Ano?! gutom na ako! pwede bang mamaya nalang?" reklamo ni Shequila.
"Wag ka na magreklamo baka importante" sagot naman ni Psyche dito. Matapos ang ilang minutong pagrereklamo ni Shequila at ilang hirit ni Alma dito nagpasalamat na sila kay Christian.
"Paalalahanan nyo nga akong magrecruit ng ipapalit kay Shequila. Nang makasunod naman tayo sa uso ngaun" Bulong ni Alma ng nasa tapat na sila ng opisina ni Sir Jay.
"Good to see you again girls" bati ni Sir Jay sa kanila ng makapasok na sila.
"Anong problema Sir Jay?" tanong nya dito.
"Well, may paguusapan tayong mahalaga. Take your sit girls" anito habang umupo sila sa harapan nito.
"I have a mission for you"
Sa wakas may mission na rin aniya sa sarili. Matagal-tagal na din mula ng huli silang nagkamisyon at wala pang ka thrill-thrill iyon. Mukhang excited na rin ang mga kasama niya. Pero si Sir Jay mukhang hindi excited. He looks grave. Kanina pa ito punas ng punas ng pawis sa noo nito kahit may aircon naman ang opisina.
"Dinukot ang vice-president and I suspect kagagawan ito ng 'Brigade' and I'm giving you guys this mission kayo ang maaasahan ko dito."
Vice president?
Kahit kailan ay hindi nila nakikita ang elders ng agency, ang mga may pinakamatataas na posisyon. Tanging Si Sir Mark, ang ama nina Sir Jay at Alma na tumatayong presidente ang tangibg nakikita nila. Pero dahil may inaasikaso ito kaya si Jay muna ang humahawak sa agency.
Three Towers. Hindi ito ipinangalan sa agency ng walang dahilan. Simbolo ito ng tatlong pinakamakapangyarihan agents. Sila ang tatlong elders na may hawak at nagtatag ng Agency nila.
Ang sabi pa oras na mapabagsak ang tatlong agents, katapusan na rin ng agency nila. Ang kaso kahit isa sa tatlo ay hindi nila kilala o nakikita pa. Pero may duda silang kilala ni Sir Mark ang mga ito.
"Ano ang brigade?" tanong ni Shequila. Mukhang wala na ang excitement sa mukha nito. Mas seryoso pa pala ang gagawin nila.
"Pinakamalaking smuggling syndicate sa Asia! I really want to give them a hundred points dahil sa galing nilang magtago! Ngayon lang natin natuklasan ang existence nila ng maisipan nilang dukutin ang vice-president, What a nerve?!" sigaw ni Jay.
"Pwede ba huminahon ka muna?! Lumalabas lahat ng ugat mo sa ulo" paalala ni Alma sa kapatid nito. Huminga muna ng malalim si Jay bago muling nagsalita.

BINABASA MO ANG
(Editing)The Three Towers #1- Captivating Psyche (on hold)
ActionA girl who is Bold, daring and uncanningly witty.