Captivating Psyche_____chapter 4

40 2 0
                                    

Ilang beses pang ikinurap ni Psyche ang kanyang mga mata, nagbabakasakaling imahinasyon lang nya lahat. Pero ayun, nasa harapan pa rin niya ito.

"Hell! I'm not going with you!" protesta niya.

"Fine, suit yourself. Kaya kong pumunta ng wala ka" akmang papasok na ito sa kotse ng sumigaw siya.

"Aaarrrggghhh!!!. I hate this!!" sabay pasok ni Psyche sa kotse ni Darwin.

Napilitang sumakay ni Psyche dahil kailangan niyang tapusin ang misyon. Kahit labag ito sa kalooban niya. Hindi niya ata kayang gawin ang misyon kung kasama ang lalaking ito. 'Her deepest regret in life'

Nasa kalagitnaan na sila ng byahe ng umimik si Darwin.

"What a coincidence o baka sinadya? Doon ka din pala nagtatrabaho kasama si Guiller" Darwin's voice was full of disgust like she expected on him.

"You don't have any damn care about it!" Hindi napigilan ni Psyche na sagutin ito.

"Tama ka, wala nga akong pakialam" at tumahimik na ito sa kanyang tabi.

Nakarating sila sa lugar sa tamang oras. Inunahan ni Psyche na lumabas ng kotse si Darwin, baka kasi pagbuksan pa siya ng pinto.

Inactivate niya ang communication device na nakatago sa loob ng hikaw niya. Latest invention iyon ni Professor Carlo, ang resident scientist and inventor nila.

Nakita niyang ganito din ang ginagawa ni Darwin. Nakakonekta ang device nila sa HQ, baka kasi kailanganin nila ng back up.

"Agent 12 reporting for duty. Nandito na kami sa target area" bulong niya habang nakasandal sa kotse. Nakatingin naman sa kanya si Darwin pero hindi nya ito pinapansin.

"Agent 20 responding" sagot ng nasa kabilang linya. Kung ganon ang charlie 1 na team nina Eldren pala ang back up nila.

"Nasa loob na ba ang target"

"According sa database ng hotel, 15 minutes bago kayo dumating nag check in na si Mr. Ortega. Room 305. Gagawin kong 3 way itong communication natin ng magkarinigan tayong tatlo. Siguradong nasa diner si Mr. Jerome Ortega ngaun. Dumiretso kayo agad don. Goodluck agents" pagkatapos non nawala sa linya si Eldren, pero alam nyang nakikinig ito. Lumapit si Darwin sa kanya at inilahad ang braso nito.

"Shall we?" Wala na siyang nagawa kundi tanggapin iyon. Nagsimula na silang maglakad papunta sa entrance ng hotel.

Sa pagkakalapat ng mga braso nila maraming napansin si Psyche kay Darwin. Tulad ng amoy nito.

'Damn, he never changes. After all this years amoy masculine pa rin sya'

He smell strong yet sweet in different way. Hindi niya iyon maipaliwanag. Medyo nagka muscle na rin ito, di tulad dati na me pagka poste ang katawan nito.

Nakapasok sila sa hotel ng walang kahirap-hirap dahil sa reservation. Naupo na sila sa designated table nila at nagpaka-gentleman pa si Darwin sa paghila ng upuan para sa kanya.

"Target aquired" Bulong ni Darwin. Sinundan niya ang tingin nito at nakita ang isang lalaki na nasa mid 20's. Papasok ito ng diner kasama ang isang lalaki. Naupo ang mga ito malapit sa kinauupuan nila.

Dumating naman ang waiter para kunin ang order nila. Paminsan-minsan napapatingin siya sa gawi ni Darwin. Napaka awkward talaga ng sitwasyon nila.

"may problema ba?" tanong ni Darwin sa kanya. Napansin pala siya nito.

"Ah. Wala" agad niyang binawi ang paningin dito.

God, hindi niya alam ang sasabihin dito. Hindi siya dapat nagkakaganon, wala dapat siyang kabang nararamdaman. Ano bang nangyayari sa kanya.

(Editing)The Three Towers #1- Captivating Psyche (on hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon