Chapter 4

63 3 1
                                    

Umalis din kaagad yung dalawang babae dahil tinaasan ko sila ng kilay. Ang ikinagulat ko ay ang pag pasok ni... 

"Dimpy?" 

O___O

O___O

O___O

"A-anong ginagawa niyong dalawa dito? Saka bakit nandito yan?" Sabay turo kay Gray.

Nagtinginan na lang kami ni Gray. Eto na naman ang machine gun na bunganga ni Dimpy.

" Diba girl's CR to? Bakit nandito yan?" 

"Ahh e-ehh--" 

"Nagpasama ako sa kanya. Oo tama! Nagpasama ako sa kanya." Di ko na pinatapos si Gay este Gray sa pagsasalita. Baka pumalya pa eh. 

"Ganun? Eh bakit naka lipstick yan?" Sabay turo uli kay Gray.

"Ah ehh--" Di ko na uli pinatapos si Gray, bagal sumagot eh.

"Triny ko lang sa kanya yung bagong lipstick ko. Sayang kasi kung buburahin ko diba? Diba Gray? Pero eto nga binubura ko na." Sabi ko saka binigyan si Gray ng 'umo-o ka nalang look'.

"Ahh ehh oo! Oo! Pinatry nya lang sakin. F*ck tanggalin na nga natin to! Bwiset kang babae ka.Kung makapaglagay ka ng lipstick sa labi ko! Pinagmumukha mo ba akong bakla ha?" Tama yan.Acting acting din pag may time.

Lumaki ang aking mata. Ibubuka ko palang ang bibig ko pero sumagot ulit siya.

"Ano magsasalita ka pa? Gusto mong halikan kita?!" Sabi ni Gay. Aba't siya pa may ganang manghalik!? Bakla siya diba? Hindi nya kayang gawin yun! 

"Anong haha--" 

O_________O

Tsuuup~

  Peste! Hinalikan ako ng walang hiyang baklang ito! 

"Aalis muna ako ha. Baka nakakaistorbo na ako. " sabi ni Dimpy saka siya lumabas ng CR.

Agad namang pumunta sa pintuan si Gay saka ni-lock yung pinto.

"Shet! Kadiri! F*ck! Kadiri talaga!" Sigaw niya tapos pumunta sa may sink tapos nagmumog. Langyang lalaking este baklang to! Makapagmumog wagas! 

"Hoy gay! Kadiri ka talaga! That's my first kiss! Damn! Saka ba't mo nga pala ako hinalikan? Walang hiya kang bakla ka!" 

"Tingin mo gusto kong halikan ka? Wag mo na ngang ipaalala kinikilabutan ako!" Sabi niya saka nag hugas ng bibig. Grabeng arte ng baklang toh. Nagawa pang mag sabon.

Lumapit ako sa kanya.

"Oy diyan ka lang! Walang hiya kang babae ka! Wag mong subukang may gawin kang masama masasampal ko pagmumukha mo!" Pagbabanta niya.

"Ulol! Feeling nito! Magmumumog din ako!" Sabi ko saka nagmumumog.

 "Nga pala! Niligtas kita so dalawa na atraso mo sakin! At dahil dun kailangan mo akong bilhan ng 5 malalaking cake! Yung branded ha! Kundi alam mo na mangyayari sayo." 

"Tss! Fine Fine! Black mailer" Inirapan niya ako tsaka lumabas.

"Kiss Snatcher!" Pahabol ko.

Sinigurado ko munang nakalabas na talaga siya ng tuluyan bago ko hinawakan lips ko. First kiss ko ay mula sa isang bakla? Just the thought of it kills me. Hindi nga perfect at romantic ang moment pero maaalala ko pa rin dahil sobrang epic. Ugh. Nag oover think ka na naman Rhy. 

" It's just a kiss right? Hindi ko naman siguro ikamamatay. " Lumabas na ako. Masyado na akong nagtatagal dito sa cr.

Pagkalabas ko ng CR, naghihintay si Dimpy at binigyan ako ng "magpaliwanang-ka-look".

Oh boy, I'm doomed.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 08, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

THE DANCER VS THE SINGER  ᕙ('▽')ᕗTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon