"WHAT?!" Sabay naming sabi ni Gray.
"Let us call our winners! Mr. Zamora and Ms. Ramirez, please come up here." Sabi nung host. Kapal ng foundation sa mukha nahiya naman ang espasol.
"Tsk." Narinig ko mula kay Gray. Aba! Galit?
Pumunta na kami dun sa may hagdan paakyat sa stage. Aakyat na sana ako ng hagdan ng biglang hinila ako ni Gay...
Trip neto?
Tapos siya yung nauna. Bago pa sya makaakyat, hinila ko rin sya...
Kala mo huh?
"Ano ba?!" Sabi ni Gay. Anong ano ba? Ako nauna eh -_-
"Do we have any problem Mr. Zamora and Ms. Ramirez?" Sabat ng host na espasol. Nakahalata na.
"Diba lalaki ka? Ang pagkakaalam ko, ang mga lalaki gentleman. Kaya ako ang mauuna *belat*" bulong ko kay Zamora. Naglakad nako ng nakataas ang noo. Ganda ko eh. *flips hair*
Naglakad ako papunta sa center ng stage. Ganun din ginawa ni Gay. Gaya-gaya. Mas bagay sya dun sa backstage eh.
Lumapit na yung dalawang judge tapos binigay samin yung cash prize tsaka trophy. Buti nalang at hindi nahati yung cash prize. Yung trophy lang talaga...
---
5 minutes later sa labas ng contest proper...
"Akin na nga sabi eh!" Sigaw ko kay Zamora habang hinihila yung trophy.
"Akin kaya to! Ano ba!" Agaw nya.
"Mang-aagaw! Di ka gentleman! Bakla ka! BIKTI ka nalang kasi!" Sabi ko.
"Eh sa nanalo din ako eh! May karapatan din ako dito!" Sigaw nya.
At ayun. Nag agawan lang kami ng nag-agawan.
Sa huli, sabi ko sakanya nalang. Oo ako na ang nagpakumbaba. Tsaka hindi naman big deal sakin yun. Dahil ang trophy na gusto kong makuha...
Yung trophy na napanalunan ko dahil sa pagsasayaw.
"Grabe friend, yang Gray na yan ba ang pinagmamalaki mo? Grabe napaka ungentleman. Simula sa pag-akyat ng stage hanggang sa trophy! Bakla nga ata talaga yan eh! Malakas ang intuition ko." Pagtatalak ko sa kaibigan kong si Dimples.
Napaka girly ng pangalan, napaka boyish naman -_-
"Sa gwapo niyang yun, bakla? Duling ka na Rhy. Tara ng EO optical at ipaayos na natin agad yang mga mata mo."
"Sa hinaba-haba ng speech ko sasabihan mo pa syang gwapo? At ako pa ang malabo ang mata? Laslas ka na lang friend. Ikatutuwa ko pa."
"Eh sa gwapo naman talaga siya eh!"
"Yung totoo? Ikaw yung may super labo na ng mata eh. Ikaw ang sasamahan ko sa doktor! Naghihirap ka na ba at hindi ka na makapagpatingin?" Sabi ko. Mayaman KAMI eh.
"Ang sama mo. Bestfriend talaga kita? Yung totoo?"
"Wow ha? Ako pa talaga ang tinanong mo ng ganyan, samatalang kanina kung makapagcheer sa baklitang yon! Oh sya, punta lang ako ng CR at naiihi na ako." Sabi ko tapos lumakad nako papunta sa CR.
---
Sa CR ng GIRLS...
Lalabas na sana ako ng cubicle ng may narinig akong nagmomonologue.
"Grabe. Ang ganda ko talaga! Mas maganda pa nga ako dun sa Rayli? Rasha? Mingming? Ahy basta! Yung naka tie ko!" Teka... Parang familiar yung boses niya.
SI GAY!
Naka tie daw nya? Aba! Ako yun ah? Mas maganda daw sakin? Grabe ha. Diyosa kaya ang kagandahan ko! *flips hair*
"I dont care what the heck is her name. Basta mas maganda ako sakanya. Tsaka mga letcheng fans na yun. Gwapo daw ako? Ganda ganda ko nga eh." Tapos tumawa pa ang lintek. Kaimbyerna lang ha!
Lumabas nako ng cubicle.
"Haba ng monologue mo ha? Tinalo mo pa yung SONA ng pangulo ah! Tsaka mas maganda ka sakin? Oh come on, *flips hair* Diyosa kaya ako. Wag ka ng mangarap teh. Sabi ko na, bakla ka eh! My intuition was absolutely right!" Speech ko sakanya.
Halatang gulat pa dahil natigil ang paglalagay nya ng lipstick habang naka pout. Yuck ha. Mukhang bibe. Ewe.
"A-anong g-ginagawa m-mo d-dito?" Ay? Sige lang. Tanga pa. Naka pout pa rin sya hanggang ngayon. -____-
"Ano bang ginagawa sa CR? Nag gro-grocery? Psh." Naghuhugas ako ng kamay sa tabi nya.
"Uhm, may narinig ka ba?"
"Ay wala! Psh. Malamang meron! Mag s-speech ba ko kanina kung wala? I wish common sense was more common." Pagtataray ko. May karapatan naman akong magtaray eh. Maganda kasi ako. Oh palag ka?
"EHEM. J-joke l-lang yun no! N-nagprapractice lang ako para sa play namin sa school. Hehe." Nag straight body pa siya tapos tinigasan yung boses. Palusot nanaman. -___-
"School? Wow ha! Summer ngayon teh! Bakasyon! Nag aaral ka pa? Eh kung joke nga lang yun, kelangan nakalipstick pa? Amin na kasi. Pangalawa na toh eh. Sigurado na akong hindi ka nagkamali ng pasok sa CR ng babae."
"Haaay. Sige na nga. -__- Bakla ako. Masaya ka na?" Umamin din. Hindi anman nakakagulat. Ikaw ba naman ang may bestfriend na tomboy.
"Hindi pa. Bigay mo muna sakin yung trophy tapos pakamatay ka na ng maging masaya ako." Sabat ko.
"Che. Uyy. Wag mong pagsasabi ha? Gagawin ko talaga kahit ano."
"Talaga?" Tanong ko habang nagpapa-pretty eyes. Hindi uso ang puppy eyes sakin. Hindi ako pipitsuging tuta. Diyosa ako!
"Uhmm..." Nag-alangan pa ang gaga.
"Ay sige okay lang. Pagkakalat ko lang naman na ang iniidolo nilang si Mystery Gray ay isang gay. Bwaahahha"
"May sinabi ba akong ayoko teh? Ano nga kasi?" Iritadong sabi niya. Aba! Siya pa ata galit.
"Ibili mo ako ng limang galong ice cream!" *U*
"WHAT!? May pera ka naman ah? Tsaka limang galon? Grabe ka!" Reklamo niya.
"Ay ayaw mo? sig---"
"Joke lang. Sige na nga."
"Promise yan ha? Akin na cellphone mo. Lalagay ko number ko." Inabot naman niya yung cellphone.
Linagay ko na yung number ko tas pina-ring yung cellphone ko. Sinave ko number niya ng di siya makatakas. Aba, limang galon din ng ice cream ang nakataya rito.
"Itetext na lang kita kung kailan pwede ako."
Kumuha ako ng tissue at lumapit sa kanya.
"Girl naman! Di tayo talo!"
"I heard you were infected by stupidity."
"Ouch ha.Teh naman, Wag mo naman ako ichever!"
Pinunasan ko ang lips niya para matanggal yung lipstick.
---
"Alam mo----- WAAHH! SI GRAY AT RHYMEE!"
Hindi ulit ako nagulat. Girls CR toh eh, malamang may papasok at papasok na babae. -___-
"Ang sweet nila! Picturan mo dali!"
BINABASA MO ANG
THE DANCER VS THE SINGER ᕙ('▽')ᕗ
HumorTwo dreamers are wishing upon a star.With a little twist and turn , they fell..... in LOVE.Will it work out ? Or will fate ruin their once concocted dream ?