BACKGROUND : " Calling the attention of all the passenger flight FJ10913 bound to Cebu please proceed to gate 3. "
Hi I'm Kassandra Alejandro, my friends call me Sandy, 26 and I'm physically single/bitter and emotionally taken ( wala kasing forever ) and I'm working as a Quality Analyst ( QA ) in one of the BPO company here in the Philippines or commonly known as KOWL SENER.
Oh di ba antaray! Accent pa lang sosyal na sosyal na from CALL GIRL ( Customer Service Representative) to QA ( sila yun nakikinig ng mga calls to make sure that agents are providing good customer service ).
At dahil promoted na ko, alam mo yung routine na bahay-trabaho-bahay ka na lang sa sobrag haggard mo sa pakikinig ng mga calls na akala mo eh enjoy sa una eh yun pala bukod sa magdamag kang nakaupo na nagiging dahilan sa pag sakit ng balakag mo eh sumasakit pa yung mga brain cells mo at nag iinternal bleeding ka pa dahil sa mga grammatical errors na naririnig mo sa mga calls, walang social life, no shopping time, no get together and worst walang love life! sabagay wala nga kasing forever ( eh ano kung bitter ako, maganda naman ako. )
Anyway by the way hi way! Good girl na ko ngayon sa work ko dati lagi akong late, halfday, absent and worst NCNS (No call no show ) or commonly know as SL short for Suprise Leave, ......... but that was a looooooooong time ago! Loooooooooong time ago so we don't need to talk about it.
At dahil good girl ako, ehem ako lang naman ang napilin ipadala ng company namen sa bagong tayong site ng aming company para itrain ang mga bagong QA.Wooooooohooooo nangangamoy promotion di ba????? (Cross finger)
I'm wearing my oh so cute and oh so jorjus ( gorgeous ) na flat sandals that I bought from FRIMADONNA ( oo mayaman kasi ako sa F ) sosyal ba? Syempre inantay ko munang mag sale ng bonggang bongga yan bago ko pikit mata na binitbit sa cashier alam mo naman sa panahon ngayon apektado lahat ng bagay sa ekonomiya ng pilipinas, lahat ng bagay nagmamahal na, AKO NA LANG ANG HINDI .
Haaaaaaay sa wakas napapasok na kame sa loob ng eroplane ansaket na ng balakang ko ah. Hmmmmmmn nasan ba yung seat number ko.... Owwww kapag sinuswerte ka nga naman sa may bintana pa. Yihieeeeee!
3 months! 3 months akong mawawala sa magulong mundo ng metro manila.
Haaaaaaay eto na! Parang gusto kong itaas yung kamay ko at sumigaw ng "CEBU HERE I CO........."
" Ay putaena " ayun! Ayun yung naisigaw ko ng malakas. Shet di ba nakakahiya baka isipin nila wala akong manners. Ang ganda ganda ko pa naman today tapos tatapunan ka lang ng malagkit na milktea!
Ayoko ng milk tea!!! Hindi sa muntik na kong malason. Basta ayoko ng milk tea. Nakakairita! Oo naiirita ako kapag may nakikita ako o may naamoy na milk tea. Wala po kong pakealam kung paborito niyo po yon. Basta ayoko ng milk tea tapos.
" Miss I'm sorry hindi ko sinasadya nagulat kasi ako sa. . . " sabi ng lalaking nakabuhos saken ng milktea habang pinupunasan ko yung braso ko, dahil sa bigla kong pagtaas ng kamay na akala ko nag iimagine lang ako nag karon ng milk tea shower.
PUNYETA!!!! oo all caps! naiimbyerna kasi ako lagyan ko kaya ng cyanide yang milktea niya. Kainis mag gagrand entrance pa naman ako sa Cebu mamaya arrrrgggggghhhh. Punyeta talaga!
" CASSIE? " bigla akong napahinto sa pagpupunas na ginagawa sa braso kong nanlalagkit ng marinig ko ang pamilyar na boses niya, ung pagtawag niya saken na siya lang ang gumagawa, yung boses manloloko, yung boses na ipapangako sayo lahat mapasagot ka lang ng OO sa lahat ng bagay, yung boses na kahit bituin at buwan na iaalay sayo eh tatanggapin mo kahit hindi mo naman kailngan, yung boses ewan na ayaw ko na talagang marinig! . . .yung boses na nakakapunyeta pa sa pagkakaligo mo ng milktea dahil siya ang dahilan kung bakit ayoko ng milk tea.
Oo ayoko ng milk tea! At ayoko sa kanya!
BINABASA MO ANG
Hello! Ex!!!
RomanceA story of a call center agent who fell in love with her team mate and became the mag jowa ng taon and became stranger with each other. And because of the promotions that they both eyeing, they have to be together all the time and work as a team. Wi...