CHAPTER 1

471 4 0
                                    

"Boss, bukas ng madaling araw daw dadaong sa pangpang ang cargo sakay ng barkong maghahatid sa kanila sa Vietnam" Narinig ni Amanda na usapan sa labas ng silid, hindi nya man maintindihan ang usapan, ngunit may isang salita naman syang naintindihan, yun ay ang salitang 'cargo'. Agad syang naalarma sa narinig at pakiramdam nya ay may masamang mangyayari.



"Amanda, are they talking about us?" naiiyak na tanong ng labing-dalawang taon na kapatid nya.



"I dont know, but we're going to be fine" pagpapakalma nya, kahit alam nya sa sarili nya na natatakot na din sya. Napatingin sya sa paligid nya, laman ng silid ay mga kababaihang kaedad nya o mas bata pa sa kanya, tanging ang kapatid nyang si Lucas lamang ang lalakeng laman ng silid. Bakas sa mga mukha nila ang takot at panginginig sa narinig, na tila ay naintindihan nila ang usapan sa labas. Gusto nyang malaman kung anong nangyayari ngunit hindi nya alam kung paano nya sasabihin na magkakaintindihan sila pero sinubukan nya parin.



"What's happening? What are they talking about? Where are we?" tanong ni Amanda sa mga kababaihang kaedad nya, naghintay sya ng sagot ngunit sinuklian lang din naman sya ng pagkakunot ng mga noo nito na tila hindi sya maintindihan.



" Human trafficking" kinakabahang maikling sagot nung babaeng nasa sulok na tila ay naiintindihan sya. Nanlaki ang matang nagtitigan sila ng kanyang nakakabatang kapatid.


"No-- No.. A-amanda.. What are we going to do?" umiiyak na tanong ng kapatid nya, ngunit hindi nya alam kung anong sasabihin para mapakalma ito.



"Tomorrow... dawn...cargo" sinubukan ulit magsalita nung babaeng nasa sulok upang maintidihan nila ang nangyayari. Hindi man buo ang salitang sinabi nung babae ngunit sapat na ito para maintindihan nila ang gusto nyang sabihin. Lalo namang napahagulgol ang kapatid nya sa nalaman, gustuhin man nyang maiyak ngunit sinubukan nya paring magpakatatag para sa kapatid nya.


"D-dont worry, we'll get out of here" lakas loob nyang sambit kay Lucas


"No!... Gun!" Nag-aalalang sambit ulit nung babae, kakaunting salitang english man ang kanyang alam, ngunit ginagawa parin nya ang kanyang makakaya upang mapaintindi sa dalawang estranghero ang nangyayari.


"Gun?!" nausal bigla ni Amanda.


"B-But.. What are we gonna do? we can't just sit here and wait for them to sell us" paghihysterical ni Amanda, napatingin lang sa kanya ang nasa labing-limang kababaihan na nasa loob ng silid habang nakakunot ang noo, at nagtataka kung anong pinagsasabi nya.



Ilang oras ang nakalipas at lahat sila ay mahimbing na natutulog sa sahig habang sya ay hindi parin dalawin ng antok, pagod man ngunit hindi parin sya makatulog dala ng nalaman na ilang oras nalang ay marahil sakay na sila ng barko, pinakiramdaman nya ang kanyang paligid, idinampi nya ang kanyang kaliwang tenga sa butas ng pintuan upang malaman kung may tao ba sa labas ng kanilang silid. Tanging katahimikan lamang ang kanyang narinig. Iniikot nya ang kanyang paningin para pagmasdan kung saan pwede silang tumakas, May maliit na bintana syang nakita ngunit hinaharangan ito ng dalawang nakatayong bakal, hinay-hinay nya itong nilapitan, at sinubukang abutin. Iniikot-ikot nya ito, at hinila-hila hanggang sa naramdaman nyang mapuputol na ito dala ng kalawang.

LOVE, SEX, MONEYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon