CHAPTER 3

187 3 0
                                    

Huwebes ng tanghali ay panay parin ang ikot ni Amanda sa syudad para maghanap ng trabahong pwede nyang pagkakakitaan. Pursigido syang nagtatatanong sa mga karenderya o mga tindahan. Hinahanapan sya ng bio-data at birth certificate ngunit wala syang maipakita, kulang pa ang pangako nya na 'l'll work hard' sa mga taong ina-applyan nya. paubos na ang perang binigay ng ginang, tanging singkwenta pesos nalang at barya-barya pa ang naiwan. ibinili nya ng dextrose at ibang mineral suppliment na kailangan ng kapatid nya.



'That's a large ammount of money! Who am I kidding to?' bulong ng isip nya ng dalawang araw na syang naghahanap ngunit wala paring swerteng dumadating sa kanya. Kaunti nalang ay susuko na sya, ngunit iniisip nya nag-iisang pamilya nya nalang ang kapatid nya, hindi nya kakayanin kung pati ito ay mawala narin.



'Mom, dad, what am I gonna do?' tanong nya sa isip nya habang nakatingin sa langit

Nakakita sya ng tindahan, sa harap nito ay may apat ng kalalakihang nag-iinuman sa tanghaling tapat. Bigla syang kinabahan ng may makitang lasing parang biglang nagsibalikan ang memorya nya nung ikinulong sila sa isang warehouse.



Lumapit sya sa may tindahan at nagtanong sa matanda.



"Mam, can I ask you if there is someone hiring for a job here? where I can earn large amount of money and more faster?" Inosenteng tanong nya sa matanda



"Pakiulit nga apo? pasensya na at mahina na pandinig ko" paumanhin ng matanda sa kanya



"Gusto mong trabaho na malaking kita? dun oh~ malaki sweldo may tip pa! hahahhahhahhha" sagot nung lasing na lalake na nakarinig sa tanong nya agad namang nakitawa ang kasamahan nya , tinignan nya ang lugar na tinuro ng lalake at inosenteng nagpasalamat.



"All nights club" basa ni Amanda , nakita nya ang nakapaskil na papel malapit sa pinto nito at binasa.



'Urgent hiring, waitress, waiter, bartender' Basa nya sa nakasulat dito.



Nang malaman nyang walang kailangang requirements ay nagpasya syang subukang magtanong sa loob.



"Bwiset na babaeng yun, ngayun pa nagpasyang umatras bukas na sya kailangan eh!" galit na sigaw agad ang nadatnan ni Amanda pagkapasok na pagkapasok nya.



"Problema ba yun? maghanap ng iba! akala mo kung sinong maganda! feeling inosente!" sagot naman nung isa



"Sira ka ba!? sino namang papayag agad-agad nuh? kung maari lang ako nalang sana eh! "sagot pa nung isang bakla



"Uhm, Excuse me" singit ni Amanda, agad naman syang binigyan ng pansin nung dalawang bakla.

LOVE, SEX, MONEYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon