CHAPTER 2

244 4 0
                                    

Dahan-dahang napamulat ng mata si Amanda sa kirot na kanayang nadama mula sa may likuran nya. Agad naman syang napabalikawas ng matandaan ang nangyari.



"Lucas!!! Lucas!!!" sigaw nya, mula sa sobrang tuyong lalamunan nya, ramdam nya ang pagkirot ng kanyang lalamunan kasama ng pagkirot ng likuran nya.



"Nay! gising na sya! gising na sya!" napalingon si Amanda sa batang ngayon nya lang napansin na nakaupo sa may upuan na kawayan.



"Diyos ko! buti at nagising ka na!" masayang wika ng ginang na kakapasok lang, napakunot noo naman si Amanda sapagkat wala syang naintindihan sa mga sinabi nito.



"Lucas, where is he?? where's my brother?? please tell me he's safe!!" pagmamakaawa ni Amanda sa ginang. Nagtitigan naman ang mag-ina sapagkat hindi rin nila maintindihan ang wikang inuusal ng dalaga



"Nay, English yata ang sinasabi nya" wika ng bata. Naintindihan naman ni Amanda na hindi nila maintidihan ang sinasabi nya kaya iniaksyon nya nalang ito habang inilalarawan ang kapatid.



"Ah, yung binata ba ang hinahanap mo? halika't dadalhin kita sa kanya.. dahan-dahan lang at baka mabinat ka" wika ng maalalahaning ginang at inalalayan si Amanda upang makatayo.



Naabutan naman nila sa kabilang silid si Lucas na pinupunasan ng maligamgam na tubig ng matamdang babae. Napatakbo at hinawakan agad ni Amanda ang kapatid na ngayon ay sobrang putla na ngunit agad ding napabitaw sa sobrang init ng kapatid nya.



"Oh my god! he's burning! What am I gonna do??What wrong with him" tsaka lang nakita ni Amanda ang balikat ng kapatid na nakabalot ng puting tela.



"Inaapoy sya ng lagnat ng makita namin kayo sa paanan ng bundok, ang daming dugong nawala sa kanya, tsaka lang namin nalaman na may bala na nakabaon sa balikat nya, nagpatawag kami agad ng manggagamot para gamutin kayo, matagumpay namang natanggal ang bala sa balikat nya sapagkat wala pang garantiya kung maayos na ba ang kalagayan nya. Mabuti at mga galos lang na natamu mo, nakipag-usap na kami sakabilang barangay na ipaangkas kayo papunta ng Syudad para maisugod na agad sya sa hospital. Ngunit malayo pa dito ang hospital na tinutukoy ko, gustuhin man namin bilhan sya ng makabagong mga gamot ngayon ngunit walang parmasiya sa lugar na ito, at hindi sapat ang aming pera para maibili kayo sa kabilang bayan, tanging mga dahon lang dinadampi namin sa sugat ng binata at sugat mo" mataas na paliwanag ng ginang, kahit alam nyang ibang lenggwahe ang naiintindihan ng dalaga at ipinaliwanag nya parin.



Hindi man alam ni Amanda ang winiwika nito pero sa kabilang dulo ay parang naiintindihan nya ang gustong ipahiwatig ng mabait na ginang.



"Lucas??" masayang banggit ni Amanda ng gumalaw ang kamay ng kapatid at magdilat ang mata ng kapatid.

LOVE, SEX, MONEYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon