Not a romantic story.
"everyone will hurt you, you just need to find the one's worth hurting for."
Yun yung huling sinabi niya sakin bago siya umalis. Bago mawala yung salitang "kami" at mapalitan ng "ako". Oo, hanggang ngayon masakit pa din. Mahirap naman talaga kasi kumalimot ng taong alam mong minahal mo at minahal ka ng sobra. Pero minsan, para mabawasan ang sakit kailangan mong maglabas ng konti. Para naman hindi ganun kabigat. Eto ang storya ko.
Kakagising ko lang, tiningnan ko yung phone ko may message icon dun sa taas. Binuksan ko tsaka ko binasa. "You have one message from Alice." Wow, ang aga naman yatang nagising ng babaeng to? Binasa ko yung text niya, gusto niyang makipagkita. So ayun, dali dali akong kumain, maligo tsaka magbihis. Yung place sa may plaza, nauna na ko. Hinintay ko siya, ayun dumating na.
Sinalubong niya ko ng isang malakas na hiyaw ng pangalan ko "STAN!!!" lagi naman siyang ganun e, kapag Masaya daig pa dual speakers sa lakas ng boses. Yinakap ko siya nung lumapit siya sakin, hindi ko alam kung ano yung nag udyok saking yakapin siya. Pero yun na nga, yinakap ko siya, yinakap niya din ako. Nagsimula na ang araw naming dalawa, kain don, kain dito. Lakwatsya don, lakwatsya dito. Puta sakit na nga ng paa ko e. Pero okay lang, ang mahalaga kasama ko siya at nakikita ko siyang Masaya.
mag-gagabi na nung matapos yung date namin, hinatid ko na siya sa bahay niya. Bago siya mag goodbye medyo kinabahan ako, ewan ko ba. Hinalikan niya ko. First time. First kiss ko, first din niya. It felt good cause it's true. Tinanong ko siya kung bakit naman niya naisipang halikan ko siya, sumagot siya ng "PUTA AYAW MO YATA E." Sabagay sino ba namang lalaki yung magtatanong sa babae ng ganun. Pero nag I love you muna siya bago siya pumasok dun sa bahay nila. Pinanuod ko siyang pumasok sa gate, sa pintuan, at ayun umalis na ko. Dumiretsyo sa bahay, at natulog.
BTW naexplain ko nab a kung pano ko siya nakilala? Hahaha simple lang. Malaki kasi yung subdivision namin. Nung una ko siyang nakita ang lakas ng ulan nun tapos gabi na. Nakaupo siya sa isang tabi, basang basa ng ulan. E ako gentleman ako e. Lam mo yun. Pinayungan ko siya, tumingin siya sakin. Wow ang cute naman nito. Akala ko mag t-thank you sakin. Yun pala mura aabutin ko sakanya "PUTA PANIRA KA NG MOMENT AH!" nung sinabi niya yun tiningnan ko yung mata niya. Parang may mali, namumula tapos hindi naman tubig yung tumutulo e, luha. Sabi ko sakanya ihahatid ko na siya, sabi niya wag na at pinipilit niya kong umalis. E ako naman tong loko loko sinara ko yung paying tsaka ko siya tinabihan. Parehas na kami ngayong basang basa sa ulan. Tumawa siya tapos sabi niya muka daw akong tanga sa ginawa ko, and ayun. Pumayag na siya na ihatid ko siya sa bahay niya, binigay ko pa sakanya yung jacket ko kasi linalamig yata siya, kahit na basa basta ang mahalaga may jacket para romantic. Yun yung first time na makilala ko siya.
Hinintay ko yung text niya, pero wala. Hapon na pero wala pa din ni isang text, sa halos isang taon naming magkarelasyon ngayon lang to nangyari. So ayun, hinintay ko hanggang sa makatulog na ko pero wala talaga e.
Kinabukasan nagising ako ng maaga, wala pa ding text. Nag aalala na talaga ako, so ayun pumunta ako sa bahay nila, kinatok ko tapos binuksan nung katulong nila, tinanong ko kung nasan si Alice, ang sabi umakyat daw ako dun sa kwarto niya. Umakyat ako, nakita ko na si Alice. Naiyak ako sa kung anong nakita ko, nakahiga siya, naka oxygen na tapos kung ano ano pa kung naka tusok na gamut sa kamay niya. Umiyak ako. Pumunta ako sakanya tsaka ko siya yinakap, tinanong ko kung anong nangyari. Sabi niya hindi na mahalaga ang kwento kasi nasulat na naman niya yon. Sinabi niya sakin na mahal na mahal niya ko, na lagi lang siyang nandito sabay turo sa puso ko. Umiyak lalo ako. Tiningnan ko siya sa mata, binulong ko I love you, at bumulong din siya. I love you too.
yun na yung huling I love you niya sakin.
binigay sakin ng mama niya yung jacket na ipinahiram ko kay Alice nung una ko siyang makilala, ka-amoy ni Alice yung jacket ko. I checked the pockets, may isang letter. binasa ko.
"Stan, naalala mo yung una tayong magkakilala? Eto na yung dahilan kung bakit ako umiiyak nung gabing yun sa gitna ng ulan. May sakit ako stan, malala. Tinaningan na ng doctor yung buhay ko, natakot ako nun, sobra. Literal na gumuho yung mundo ko nung gabing yun. Literal na binagyo yung buhay ko nung mga oras nay un. Pero Stan, salamat. Nung dumating ka napatawa moko kahit na hindi pa kita ganun kakilala. Salamat dahil nakalimutan ko yung sakit ko ng dahil sayo, hindi kita ginamit para panakip butas. Ang totoo, minahal kita ng lubos. Sobra sobra pa nga e. Akala ko magaling na ko dahil sa tuwing nakikita kita, sumisigla buong araw ko. Stan, lagi mong tatandaan. Mahal na mahal na mahal kita. Lagi lang akong nasa tabi mo, wag kang iiyak ah? Hindi kasi bagay sayo. Stan, yung totoo natatakot ako, pero dahil sayo nakalimutan ko yung takot ko. Salamat sa lahat Stan. It's true, that everyone will hurt you in the end, you just need to find the one's worth hurting for. Pero Stan, hindi ko ginustong saktan ka. Kung okay lang sana na habang buhay na kitang kasama gagawin ko e. Stan, mahal na mahal kita lagi mong tatandaan yun ah? I love you, and Goodbye."
Umiyak ako, iniyak ko lahat hanggang sa makatulog na ko. Umasa na kinabukasan makikita ko ulit yung muka niya, pero wala na talaga e. Pero Alice, kung sakaling mabasa mo to ngayon, hintayin moko. Pag nakita kita sa langit, diyan kita papakasalan.
End.