Dizon's

23 1 0
                                    

Para sa mga taong nakita na pala ang para sa kanila, di mo lang alam panu ba naman kase pumikit ka dahil napuwing ka e sakto naman na dadaan sya..tsk! Dami ko alam hahaha!!!

NERD's POV

Alam mo ba yung feeling na kanina ka pang 6am gising at ngayon ay 11am na pero di ka naman umaalis sa kama, ni hindi ka nga gumagalaw sa pwesto mo eh, well towel vowel...ganun ang peg ko ngayon. Wala naman kaming pasok pero madami ako kailangan gawin. Di ko nga lang din alam saan ako mag uumpisa hahaha!! Yung mga kuya ko kaya gising na? Hindi naman kasi nila ako kinatok kaninang umaga eh, usually si kuya Nigel ginigising ako kapag mag aalmusal na..wala naman din sya pasok ngayon aa..

Haayy grabe naman kasi mga nangyari kagabi, di madigest ng system ko!

Yan si Kuya Nigel, nakakagulat lang huh, marunong palang pumorma yun..akalain mong na-invite nya si Dee manuod ng Movie!

Si Kuya Nico at si Blythe naman halata naman na may spark talaga sa kanila pero ayun may something talaga na naghihinder sa kanilang dalawa, di ko lang matyempohan tanungin si Blythe or si Kuya about this eh..may araw din yang dalawang yan sakin eh...

At isa pa si Twinnie at Icy.. Di ko na alam real score sa mag bestie na to, pano ba naman kasi okay na eh! Sumayaw na sila at sa kwento ni sissy parang nag tapat na sa kanya si Twinnie eh kaso nung ini-announce naman yung masked king at queen nagkaloko loko nanaman...kahit naman sinabi ni twin na okay lang alam ko naman selos yun ii..si Icy at Lewis kasi yung nanalo nun eh, syempre they have to dance, no choice eh..di ko pa nakakausap si Sissy about this kasi naman sinundo sila Icy at Trude ng papa nila kaya di na kami ang naghatid sa kanya. Sa monday raraid ko siya para ikwento nya...

At syempre naman pwede ba namang sila lang ang iniisip ko? Meron din naman kasing magandang nangyari sakin kagabi no!

First and last dance?! Pwede na din hihihi..kaso para lang ako sira, di ko naman kasi kilala yung nakasayaw ko eh, well kilala ko naman sya... Bon? Bon ano? Ay! Ka band mate nga pala sya ni Kuya Nico..itanung ko kaya sa kanya kung anu mga names ng band mates nya...pero pag nagtanung naman ako sa kanya about dun baka naman makahalata sila, isumbong pako kay Kuya Nigel nun baka pagbawalan pako sa summer job ko eh ipapasa ko na nga requirements ko...

Speaking of requirements, may kulang pa pala ako ipasa sa school, I almost forgot about it..pag nagkataon sermon pako..speech pa pala for graduation...haaayyy dami naman kailangan asikasuhin..wala ng two weeks bago ang graduation ii...Nerd anu ba kasi pinagiiisip mo, mas madami kang kailangan isipin kesa sa mga mystery guy na yan aa...

Nakakainis naman kasi eh, di ko maintindihan kung bakit naiisip ko si Mico everytime na naiisip ko din si Bon..para bang ang dami nilang similarities na wala naman talaga, haayy in the first place bakit ko nga ba sila pinagkukumpara?!?! At bakit ko naman nga sila iniisip hoho!!! Maka gawa na nga lang ng valedictory speech ko..

BOOM's POV

"Because im happy, clap along if you feel that the..."

"Parang ang sayabng alaga ko ngayon aa, mukang sinunod mo payo ni yaya aa..kwento naman dyan!" - yaya annie

Eto talaga si yaya chismosa din at times, pwede bang kumain nalang muna?!?!

"Mamaya ko na kukwento sayo yaya, kain muna tayo, mukang masarap nanaman almusal ko eh, tuyo at itlog na maalat! Uy may ginisang ampalaya pa at sinangag!!! Grabe yaya tataba na naman po ako neto eh!"

"Nako pare, kung i sha-share mo saamin yan ni Drew, hindi ka tataba!!!" - Ivan

"Good morning yaya Annie! Makikikain po kami, as usual!!" - Drew

My Barista TrainerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon