Sometimes, we need to let go in order for us to grow...
BOOM's POV
Halos isang buwan nadin ang lumipas mula nung nalaman ko na si Nerd at yung babae na gustong gusto ko ulit makita ay iisa. Gustong gusto kong magpakilala sa kanya, na ako yung lalaking nakausap niya noong malungkot siya, na ako yung lalaking pinilit siyang pangitiin kahit na unang beses ko palang siya nakita noon.
Kaso hindi na ata pwede. Nakilala niya kasi ako bilang Mico. Sa dinami dami ba naman kasi ng araw na maiiwan ko yung name plate ko, yun pa yung araw na nakita ko si Nerd at ang name plate lang ni Mico ang available.
Sa totoo lang natuwa ako nung nalaman ko na isa ako sa dahilan niya bakit siya bumalik, bakit siya nag-apply dito, pero nakaka inis lang na hindi na niya ako namukaan. Ang tagal ko din naman siya tinuruan aa, hindi ba niya naisip na baka ako yung hinahanap niya? Porket hindi na Mico ang nakalagay sa name plate ko, hindi na niya ako matandaan??
At si Mico, nung unang araw niya pa lang nakita, ganun na agad reaksyon niya, hindi man lang ba niya napansin na malayo ang hitsura namin ni Mico?! Panu naman niya naisip na ako yun?!!! Mas gwapo kaya ako dun nako naman oh!
After nung araw na bumalik si Mico lumayo na ako kay Nerd, by request nadin ni Mico.
"Hay nako Nico wala nanaman sa beat yung drums? Sure ka bang kaya mong tumugtog sa sabado?" Medyo matamlay nga si Nico this past few days halos tatlonga araw nadin siguro siyang ganun, hindi ko naman siya matanong bakit kasi parang ayaw niya din naman sabihin sa iba.
"Pasensiya na tol, promise sa sabado magiging okay ako.. Makakatugtog ako ng ayos."
"Sabihin mo kasi samin ang problema mo, baka naman may maitutulong kami." Maski si Ivan na puro kalokohan lang nag-aalala nadin..
"Sige, ang mabuti pa siguro bukas na natin to ituloy, kailangan ko nadin kasi pumunta sa resto, may kailangan lang ako pirmahan dun."
"Dapat kasi nagdadala ka dito ng luto ng chef nyo para ganahan tong si Nico na pumalo eh. Oo nga pala Boom, aralin mo na yung lyrics nung kantang binigay ko sayo aa, kasama yan sa set sa linggo."
Buti pinaalala ni Drew, nawala na yun sa isip ko..
"O sige sige, bukas praktisin nadin natin yun para naman ayos na lahat. Nico, okay ka na ba bukas? Kung gusto mo sumama ka nalang muna sa resto, baka gutom lang yan."
"Siguro nga gutom lang to, sige sasama ako." kinuha nya lang yung lalagyan ng stick niya tsaka isinukbit sa balikat niya.
"Tara na!" yaya ko kay Nico. Nilakasan ko talaga pag yaya ko para mainis yung dalawa.
"Teka! Paano naman kami?????" parang bata tong si Drew, di bagay kalbo pa naman.
"Oo nga! Gutom nadin ako.." Isa pa tong si Ivan.
"Hindi ba liligpitin nyo pa yang mga yan, lahat ng cord ng mga gitara niyo nakakalat pa nga eh, kung gusto niyo sumunod nalang kayo kaso hindi ko na kayo mahihintay kasi ang alam ko aalis din yung chef namin kaya kailangan na talaga namin mauna.."
Hindi ko na sila inantay mag salita at si Nico naman isa ding pang asar, nang belat pa bago tuluyan lumabas ng pinto.
Habang nasa kotse, naglakas loob nakong kausapin si Nico. Hindi ko nadin kasi kaya yung katahimikan dito eh, sana lang mag - open up siya kasi makaka tulong talaga to sa gig namin, pag hindi kasi siya focus, damay kaming lahat.
NICO's POV
Kanina ko pa ramdam na may gusto sabihin si Boom sakin, hindi ko lang masyado pinapansin, sasagot naman ako kung may itatanong siya eh.. Kung may itatanong lang siya.
BINABASA MO ANG
My Barista Trainer
Teen Fiction"I should only learn how to make coffee because that is what he taught me to but unexpectedly, I also learned how to love him because he made me make things, even I, thought never could do..." -Nerd "I could only train her to make a cup of coffee, b...