My BT Mico

11 0 0
                                    

NERD's POV

Grabe lang to si Boom, sobrang rush lahat ng turo sakin, though naiintindihan ko naman lahat pero na o-overwhelm ako.

Tulad nalang ngayon, third day ko palang pero expected nya ng moaka-gawa ako ng latte art. "Boom naman eh! Oo na magaling ka ng BT pero naman...spare me!!!!!" Ayun naka siring lang siya...hobby nya ata talaga yun eh pero kasi nakakainis yung siring nya. Parang tinutunaw ako sa mga titig niya.

"Hoy Boom baka naman matunaw na yan si Tasha kakatitig mo..este kakasiring mo pala. Hahahahaha!!!" Si Jethro yan, paborito niya talaga asarin si Boom.

"Korek! Obvious ka naman eh.." Ano kayang obvious yung sinasabi ni Temari? Binato lang kasi siya ni Boom ng isang ice cube.

"Dun na nga kayo, malaki tiwala ko dito sa bubwit na to, bago matapos tong araw na to, mas magaling na to mag latte art sa inyo. Tasha naman kasi mag focus ka. Alam ko kaya mo to! Gagawin ko ulit sakin ka lang tumingin okay..." Huh? Bakit parang double meaning? "...wag kang papa-distruct sa iba, wag kang lilingon sa iba. Okay????"

Waaaahh Boom naman eh, tinutunaw mo talaga ako!!! Nag nod nalang ako kasi hindi ko na alam panu pa mag yeyes sa sinasabi niya.

Inulit na nya yung process mula sa pag-steam ng milk hanggang sa pag pull ng shot. Nagegets ko naman talaga kinakabahan lang ako kasi naman titig na titig siya habang ginagawa ko yung kape.

"Iiiiiihhhh ayan naaa, konti nalang Boom!!!!!!"

"Woooooooiiiiii!!!!! Wassup guyss?!?!?" Huh? Nagulat ako kaya naman natabig ko yung kamay ni Boom, buti nalang hindi natapon yung gatas sa kanya kundi baka pektusan ako nun, whew! Sino ba naman kasi tong maingay na to?

Pagtingin ko sa ginagawa ni Boom, yung heart....gulo gulo, hindi siya nabuo na heart talaga haayy sayang naman, kainis kasi tong lalaking to eh...

"Pre!!! Hahahaha ano ba naman yan Boom! Anong ginagawa mo? At sino naman tong magandang dilag na to?" Sus! Presko! Si Boom mukang badtrip na talaga, isip Nerd, isip!

"Di bale Boom, gets ko nanaman talaga eh, kinakabahan lang talaga ako, pero promise gets ko tinuturo mo.." Okay hindi siya naimik, hinugasan lang niya yung mga ginamit namin tapos pumasok na siya sa backroom. Naiwan tuloy ako dito sa floor kasama tong taong aircon na to.

"Anyare dun?" Wow aaa!! Nagtanong pa talaga siya, aircon na manhid pa. Sarap pektusan! Nako nako nagiging bad nako amp!!!

"Hahaha istorbo ka kasi!"

"Ang pangit ng pasok mo kahit kelan Mico!"

Huh? Tama ba pagkakarinig ko? Siya si Mico???

"Wow aa, parang hindi niyo naman ako namiss eh..ilang araw din naman ako nawala aahh... Aminin mo Temari namiss moko!!!"

"Hoyyy!! Ang kapal mo talaga eh, asa ka naman no! Oo nga pala, siya si Tasha, siya yung trainee mo kaya lang unfortunately naituro na ni Boom lahat sa kanya in a span of 3 days...taray talaga ni Papa Boom!"

Nako po, bakit pa kasi ako pinakilala ni Temari. Hindi ako makagalaw sa kinakatayuan ko, ang tagal ko inantay ang araw na to. Sawakas, nakita ko na si Mico...

"Oiii Boom, saan ka pupunta? Bakit aalis ka na??"

"May klase nga pala ako ngayon, tutal andyan nanaman si Mico may magtuturo na kay Tasha. Sige una nako!"

Ganun ganun lang, hindi man lang niya ako tinapunan ng tingin. May nagawa kaya akong mali? Haayyy ang shunga ko naman kasi eh!!!

"Hi Tasha!!!"  Nakakagulat naman to, sa gulat ko hindi tuloy ako maka salita, ngumiti lang ako at nag mini wave..

My Barista TrainerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon