Chapter 7 Knight of Surprises (Danny's Perspective)

38 1 0
                                    

Siya? Patapos na nga lang ang araw si Stupid Girl pa makikita ko.

"Ayos ka lang?" tanong ko habang tinutulungan ko siyang makatayo.

"Oo ayos lang ako. Pwede ba bitawan mo ko." ang pataray niyang sagot sakin.

"Tinutulungan ka na nga e."

"Okay na nga. Teka anong ginagawa mo rito?" pataray niyang muling sabi sakin.

"Binisita ko yung Lolo ko. E ikaw?"

"Malapit lang bahay namin dito"

"San ka ba pupunta?" tanong ko kay Stupid Girl.

"Lalayo sayo!!" gigil na gigil niyang sabi.

"Bakit ka ba galit na galit sakin?"

"Tinatanong pa ba yan? Dahil sa kayabangan mo!!!"

"Kalma! Pwede ba kitang samahan?" mahinahon kong tanong sa kanya.

"E kung ayaw ko? Anong magagawa mo?" pero muli pataray na sagot.

Sumakay na siya sa kanyang bike at sabay alis. Pero bigla siyang natigilan at agad na bumabalik sa akin.

"O anong problema?" tanong ko sa kanya.

"Yakapin mo ko!"

"Ha? Ano ka sinuswerte?"

"Basta. Sige na.."

Pero natigilan siya ng may lumapit na lalaki sa amin.

"Hi." agad nasabi ni Stupid Girl.

"Hindi ka na galit?" tanong ng lalaki sa kanya.

"Ha?" ang tanging nasagot ni Angel.

"Sino tong kasama mo?"

"Si Daniel.."

"Daniel pare boyfriend ni Angel."

Nakita kong nagulat si Angel sa kanyang narinig at agad ko siyang inakbayan.

"A ganun ba? Congrats pare. Mico nga pala. O sige Angel una na ko."

Agad na umalis ang lalaki. Pero sino ba siya sa buhay ni Stupid Girl?

"Salamat!!"

"Sino ba yun?" tanong ko sa kanya

"Ex kong makulit."

"Kaya pala. So pwede na kitang sabayan?" muli kong tanong sa kanya.

"O sige since tinulungan mo ko."

Sabay na kaming naglakad habang dala niya ang kanyang bike. Habang nag lalakad ay hindi ko maiwasan ang mag tanong.

"Anong kwento niyo?"

"Nino?"

"Ni Mico?"

"Hindi porket sinasabayan mo ko.."

"Kalma! Sagutin mo tanong ko at magtanong ka rin ng kahit ano."

"Kahit ano?"

"Oo."

"Ex ko na sinaktan ako kaya hindi ko makalimutan at ngayon gustong makipag balikan sakin."

"Kaya pala ganun."

"Ano?" pataray niyang tanong.

"Galit ka sakin kasi tingin mo sakin e ganun rin akong klase ng lalaki."

"Iba yung sayo! Mayabang ka kasi"

"E bakit ka ba nayayabangan?"

"Isang tanong lang diba? Ako naman. Bakit parang galit na galit ka sa mundo kanina?" tanong niya sa akin.

Batman's DealTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon