Chapter 9 Uwak Projectile (Danny's Perspective)

5 1 0
                                    


Malaking tanong pa rin sa akin kung paano na paalam nila Ez si Angel.

"Wag mo na masyadong isipin pre! Mag-enjoy na tayo"

Narating na namin ang isang bar at agad na pumasok sila Angie at Ella. Pagpasok namin ay nakahanap na ng mesa ang dalawa.

"Ano pang ginagawa niyo! Game na." aya ni Angie sa amin.

"Kala mo naman malakas uminom." pang-aasar ni Ez.

Umorder na sila Ella ng aming inumin at syempre mga pulutan.

"O Angie pulutan yan at hindi kanin."

"Tigilan niyo nga si Angie. O cheers!"

Sabay-sabay kaming uminom pero kita mo kay Angel na hindi siya sanay uminom.

"Hinay-hinay lang baka mamaya e mag-aya ka kay Angie."

"Past is past Danny Boy."

"Pero panigurado si Batman malakas uminom." sabay tapik sakin ni Ella.

"Oo naman. Lalo noong iniwan mo."

Natigilan ang lahat sa sinabi ni Angie. 

"Past is past Angie! Uminom na lang tayo."

Buti nalang at nandyan si Ez. Pero nagkaroon ng awkwardness dahil dito. Nagkatinginan kami ni Ella. Its in the past Danny! Agad akong napatingin kay Angel at tinitignan niya ang alak. 

"Ayos ka lang?" tanong ko sa kanya. 

"Oo. Hindi lang ako sanay sa ganito."

"Halata nga pero dapat sinabi mo agad para hindi na tayo tumuloy.

"Okay lang enjoy naman. Teka gusto mo bang sumayaw?"

"Bakit? Inaaya mo ba ko?"

"Hindi! Ayan na sila Ez o mukhang aayain ka."

"Nah, hindi naman ako dancer."

"Mukhang mapapasayaw ka."

Nakita ko na papalapit na si Ella. Nawala na ang awkwardness.

"Tara na guys sayaw na tayo!"

"Hindi ako sumasayaw remember."

"Minsan lang naman. Angel pilitin mo nga."

Napatingin ako kay Angel at hawak na niya ang kanyang bote ng alak. 

"Pag ito naubos ko sasayaw tayo."

"Hinahamon mo ba ako? Hindi kita aatrasan!"

Walang kaabog-abog ay ininom ni Angel ang beer niya at naubos niya ito. 

"Tara na!"

Agad niya akong hinila pero hindi ako tumayo.

"Saglit lang magpapalakas lang ng loob."

"Hindi mo na kailangan yan!"

Ininom ko ng mabiis ang beer at nag-punta na kami sa dance floor. Hindi ko alam ang gagawin ko, nakita ko sila Angie at ginaya ang kanilang  sayaw pero mukha akong tuod. Naawa sa akin si Angel at agad na hinawakan ang mga kamay ko. 

"Sundan mo lang ako."

Ginagaya ko ang mga dance moves ni Angel at nawala ang hiya sa aking katawan. Sumayaw kami ng sumayaw. Nakita kong muli ang ngiti sa mukha ni Angel. Pero teka bakit bumibilis ang tibok ng puso ko. Siguro dahil sa pagsasayaw. Bumalik na ako sa aming table at sumunod na rin sila. Tinuloy na namin ang inuman.

"Ang galing mo pala sumayaw pre!"

"Oo nga Danny, hindi ko alam na magaling kang sumayaw. " dugtong naman ni Angie.

"Ganyan talaga pag inspired . Hindi ba Batman?" 

Natawa nalang ako sa mga sinasabi nila. Hindi ko alam na magaling pala akong sumayaw at ito ay dahil kay Angel. Tumayo muna ako at lumabas upang magpahangin. Hindi ko namalayan na sumunod pala si Angel. 

"Hoy yabang!"

Pagewang-gewang ang lakad ni Angel papalapit sa akin. 

"Ayos ka lang Stupid Girl?"

"Oo naman! Ako pa ba!"

"Lasing ka na yata."

"Hindi pa! Kaya ko pa!"

Pero tila siya ay hilo na at ang pagsasalita niya ay bulol na. 

"Anong kailangan mo?"

"Mahal mo pa no?!"

"Sino? Si Ella? Wala na tapos na yun."

"Nako wag ako mga tingin palang halata na!"

"E ikaw? Hndi pa makapag move-on sa ex!"

"Tapos na rin yun!"

"Talaga ba?"

"Oo tapos na yun at ayaw ko ng bumalik."

"So quits na tayo?"

"Hindi pa may isang tanong pa ako."

"Ano nanaman yun?"

"Bakit ganoon ang pakikitungo mo sa Mommy mo?"

"It's none of your business."

"Oops! we have a deal and this is an interview."

"Pwede ba ibang tanong na lang?"

"No, answer it!"

Hindi ko alam kung bakit pero biglang tumulo ang luha sa aking mga mata at galit ang aking naramdaman.

"Dahil iniwan nila ko! Dahil nasira ang pamilya namin! Dahil pareho lang sila! Okay na ba yun?"

"Naiintindihan kita, pero hindi mo na ba siya o sila mapapatawad?"

"Hindi ganoon kadali yun."

Hinawakan niyang muli ang mga kamay ko at tinignan niya ako sa aking mga mata.

"Oo, hindi ganoon kadali pero hindi ba't mas maganda kung kakausapin mo ang Mommy mo at alamin ang kanilang dahilan, kung bakit niya nagawa ang mga bagay na yun. Tama na ang kayabangan, hindi nakakabawas ng pagkalalaki kung gagawin mo ito."

Binitawan niya ang aking mga kamay at lumakad pabalik sa loob ng bar ng bigla siyang natalisod. Agad ko siyang tinulungan. 

"Ayos ka lang ba?" tanong ko sa kanya.

"Oo ayos lang ako."

Muli kaming nagkatitigan at nag kakalapit ang aming mga mukha. Bumibilis muli ang tibok ng puso ko. Hanggang sa... UWAK!!

Batman's DealTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon