Chapter 10 Uwak Aftermath (Angel's Perspective)

12 1 1
                                    

Dahil sa mga nainom at sa pag sasayaw ay hindi ko napigilan na sumuka at sa mukha pa ni Danny. Agad niya akong binuhat papasok ng bar. Ang mukha niya ay naghilamos ng suka. Nilapitan kami nila Ella pagpasok naming sa bar.

"What happen?" tanong ni Ella.

"Nagsuka!" sagot ni Boy Eyebag.

Binaba ako ni Boy Eyebag at agad akong dinala ni Angie sa C.R. Habang si Danny ay pinupunasan ni Ella. Pagpasok namin sa C.R ay agad akong dumukdok sa bowl at muling tumawag ng uwak. Pumasok na rin si Ella at hinihimas ang likod ko.

"Ayos ka lang ba? Sige ilabas mo lang yan." alalang-alala si Ella.

"Wala pang nakakagawa niyan kay Danny. Paliguan daw ba ng suka."

"Angie can you get a glass of water."

Mabilis itong kumuha ng tubig at ng siya ay bumalik medyo nahimasmasan na ako.

"Uminom ka ng tubig. Kaunti lang ang nainom mo pero nalasing ka."

"Hindi kasi ako sanay uminom. Ella ayos lang ba si Danny?"

"Oo ayos lang siya. Naghilamos lang siya at nagpalit ng damit. Buti may dalang extrang damit si Ez."

"Ang yabang-yabang niya kasi dapat lang sa kanya yun."

"Anong sinasabi mo Angel?" tanong ni Ella.

"Lasing lang yan kaya kung ano-ano ang nasasabi. Ako na dyan ikaw naman ang kumuha ng tubig."

Agad na lumabas si Ella upang kumuha muli ng tubig.

"Hoy ano ka ba? Mahuhuli tayo niyan sa ginagawa."

"Sorry, sorry ayos na ko salamat."

Naghilamos nako at nag-ayos. Paglabas namin ni Angie ay nasalubong namin si Ella dala ang tubig.

"Are you okay na?"

"Oo. Thank you sa inyong dalawa."

"Before we go back to the table drink this water."

"Salamat Ella."

Binalikan na namin sila Danny at Ez.

"Okay ka na babe?" tanong sa akin ni Danny.

"Yes babe okay na ko. Sorry nasukahan kita."

Agad ko siyang niyakap at binulungan niya ako.

"Ikaw talaga Stupid Girl! Pangalawa na yan!"

"Kalma! Yung usapan natin."

"O tama na yan! Baka kung saan pa yan mapunta." biro ni Angie.

"It's getting late na rin. Tara na guys uwi na tayo."

Nagbayad na si Ella at naglakad na kami papunta sa sasakyan. Naka akbay sa akin si Danny dahil ako ay pagewang-gewang maglakad. Pagkasakay naming lahat ay agad na kaming umalis.

"Guys hatid na muna natin si Angel."

"Sige Batman. Okay ka lang ba?" tanong ni Ella kay Danny.

"Yes, I'm alright."

"Babe inaantok ako."

"Sige sumandal ka muna sa akin."

Sumandal ako kay Danny at agad akong nakatulog at ginising niya na lang ako ng nasa harap na kami ng bahay namin. Pagbaba namin sa sasakyan ay nakita ko si Mommy at Daddy sa harap ng bahay.

"Good Evening po. Pasensiya po at ginabi na po kami ni Angel."

"Good Evening din naman." nakatitig na bati ni Daddy kay Danny.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 20, 2023 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Batman's DealTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon