Johanna's P.O.V.
Pagtakbo ko sa dagat, sumisid agad ako ng 15 feet deep sa tubig. Ganito ang ginagawa ko. Nagbababad sa tubig for almost 3 minutes bago umahon. Sanay ako sa pangmatagalang pagsisid sa tubig dahil sabay kaming nag-training ng kuya Vince ko. Sinanay na kami ng mga trainers ni daddy para daw handa kami. "Para maging handa" yan ang laging lumalabas sa bibig ng mga parents namin noon, pero parang napapadalas na ngayon. Di ko alam kung bakit pero nararamdaman kong parang may mangyayari. Last two months ago lang pinadala ni daddy sa Europe si kuya Vince para i-settle ang nangyaring gulo doon though hindi ko alam kung anong nangyari. Aware na'ko na kasali ang mga magulang ko sa Asian-European mafia, kaya alam kong may kinalaman yun doon.
Tiningnan ko yung underwater wrist watch ko. Almost two minutes na pala 'ko sa tubig habang nakapikit. Tiningnan ko muna yung paligid ko. Andaming isda. Nakakatuwa silang tingnan. Sabay-sabay naglalanguyan, pero ba't parang may mali? Di na sila katulad ng dati na mahinahon lang sa paglangoy. Parang distracted sila sa paglangoy, mas mabilis kaysa sa dati nilang paglangoy. Baka natatakot sila dahil nandito ako, may tendency kasing matakot sila sakin or naninibago. Pero hindi eh. Baka may sasakyang pandagat na palapit? Wait, sasakyang pandagat? Dito sa lugarr na'to, impodible naman, malapit pa 'to sa baybayin eh.
Na-curious ako kaya luminga linga ako ng dahan-dahan. Ako kaya yung dahilan ng pagpapanic ng mga isda? Nagsimila narin akong kabahan, may syokoy kaya dito? Ngeee!!!! Pagpihit ko sa kanan, nagulat ako sa nakita ko. May syokoy!! Nanigas ako bigla. Syokoy? Bat nakadamit ng pantao? Lumulutang lang sya dun na parang walang malay. Nalunod kaya sya? Obvious naman ata diba? Nag-isip ako. Di ko alam gagawin ko. Tutulungan ko ba? E pano kung nagda drama lang ya tapos biglang may gawing masama? Bahala na nga!
Lumangoy ako ng dahan dahan palapit dun sa tao. Lalaki to be exact. Naka suot sya ng jeans na kulay blue at white T-shirt. Ti-nap ko muna sya pero hindi pumalag. Wala nga syang malay at unti-unti ko syang pinaharap sakin. Oh my goodness. Unti-unti ng nagfo-form ang violet sa mga labi nya. Kahit di ko masyadong makita sigurado akong nagva-violet sa sya. Bigla akong natauhan at mabilis na binuhat sya papunta sa pampang habang lumalangoy. Ano kayang problema neto at naisipang magpakamatay?
Pagdating namin sa pampang dali-dali ko syang pi-nump ng mabilis. Buti na lang kabisado ko kung pano gawin 'to. Nagpapasalamat na 'ko sa trainer ko. Habang pina-pump ko sya di ko namalayang nag-aalala na pala ko sa lalaking tinutulungan ko. First time kong maka encounter ng ganitong sitwasyon at natatakot ako. Pano kung may mangyaring masama sa nilalang na 'to? After a few attempts ayaw nya paring gumising. Ngayon natatakot na talaga ako1 Di ko na alam gagawin ko. Oh my goodness.
"Hey!! Gumising ka, oh my goodness. Please gumising ka." Sabi ko sa kanya habang niyuyugyog ko yung balikat nya. Kailangang madala ko kaagad sya sa hospital!
Hinanap ko yung bag ko at di-nial ang number ng pinsan ko, si kuya Paul. Pagkasagotnhindi ko na sya pinagsalita pa.
"Ambulance. Fast. I-track mo ang location ko ngayon na kailangan ko ng tulong mo." kalmado kong sabi. Binitawan ko yung cellphone ko at tinignan ang walang malay na lalaki. Sobrang lakas ng kalabog sa dibdib ko at bumibilis na rin ang paghinga ko.
'Oh God. Please help us.' Bulong ko nalang.
~
Paul's P.O.V:
Pagkarinig ko sa message ni Johanna agad kong pinindot ang emergency button para sa online emergencies at nag-type ng red alert message. Nasa living room ako at nagmadaling tumakbo sa computer room pagkatapos kong i-type ang mensahe. Pagdating ko sa control room nakita kong naka-alerto na ang lahat at mga tauhan at tina-track ang phone ni Joahanna.
"Master Paul, na-track na ang pinanggalingan ng mensahe," sabi ni Carlo, ang head security.
"Very good, Carlo. Magpadala ka na ng ambulansya. Isama mo na yung mga medical experts natin, baka kung ano ng nangyari kay Johanna." Sabi ko kay Carlo habang nakatingin sa monitor ng computer. Naka-display doon kung nasaan ang lokasyon ni Johanna.
"Nakaalis na po ang sasakyan Master." kalamanteng sabi ni Carlo.
Ngayon naman naka-display na sa monitor ang unti-unting paglayo ng sasakyang sa mansion, nakabuntot ito sa ambulance at mabilis ang takbo. Kumakabog ang dibdib ko. Hindi klarado ang mensahe ni Johanna, hindi nya man lang sinabi kung ano ang nangyari. Hindi na rin ako nagtanong pa dahil nahalata ko sa boses nya ang urgency. Sana naman ayos lang sya.