JOHANNA WINTER PEREGRINE'S PROFILE (MAFIA)
Personalities: hostile, sarcastic, intelligent, beautiful, tall, respectfull, martial arts black belter, cold, bitter, sardonic, critic,..etc.
Weaknesses: Unknown. Never shows any signs of weaknesses.
Hobbies: Disarming weapons, beating people, exploring the unknown
Favorites: Watching action movies especially the movies with killing tactics
~
Johanna's P.O.V.
Johanna walked past the school gates. Wala syang ganang pumasok ngayon. Gyera na naman sa magulo nilang bahay. Dagdag pa ang walang kakwenta kwenta nyang buhay. Haaiisstt!!! Lagi na lang bang ganito lagi??
Though wala naman ng problema kahit bumagsak pa sya sa lahat ng subject dahil mayaman na sila. Kaya ng pamilya nyang magtayo ng tatlong mall ng sabay-saby. Actually kaya lang naman sya nag-aaral kasi boring sa mansion nila. Hindi pa kasi sya pinapayagan ng daddy nyang pumunta ng Europe kasi daw 17 pa lang sya. Tsss!!! Lagi namang ganun.
Palusot lang talaga ng daddy nya yung part na 17 pa lang sya. Ayaw nya lang talagang paalisin ang bunso nya dahil nag aalala syang baka mapahamak si Johanna pag nakapunta na ito sa Europe. Nasa Europe kasi ang malaking organisasyon ng mafia na kalaban ng pamilya nina Johanna. Kahit alam nya ng kayang labanan ni Johanna ang mga kalaban kung saka-sakali, nag-aalala parin sya. Sa ngayon ay ihahanda nya muna ang lahat bago nya papuntahin si Johanna sa Europe. Sini-settle nya na rin ang ari-arian nilang mag-asawa dahil naisip nilang hindi nila tiyak kung kelan aatake ang kalaban kaya mas mabuti ng nakahanda na ang lahat sakali mang may mangyaring di maganda.
Nagtuloy-tuloy sa paglalakas si Johanna. Balak nyang magpunta muna sa favorite place nya. Feeling nya safe sya pag nandoon sya sa favorite place nya at nakakapag isip-isip sya ng maayos. Pagdating nya sa lugarm, napangiti agad sya at feeling nya nawala na lahat ng inis na nararamdaman nya kanina.
"Hay, ang sarap ng hangin!!" pasigaw nyang sabi. Nasa dalampasigan sya ngayon, ang favorite place nya. Actually bawal naman talagang magtambay dito, pero dahil sa daddy nya, nakakapunta sya dito. Iba na talaga pag may connection, nagagawa lahat ng gusto.
Nag-inat muna sya at nilapag ang bag nya sa buhanginan at naupo. Dinama dama nya ang hangin at pumikit. 'Ang sarap!' sabi nya sa isip-isip lang. Maya-maya pa dumilat na sya at nagtanggal ng sapatos. Lumapit sya sa dalampasigan at binasa ng tubig-dagt ang paa nya. Tinitigan nya yung mga alon na ,medyo lumalakas na dahil malapit ng maghigh tide. Hindi na dapat sya pupunta dito kaso nabadtrip na naman sya. Tumawag ang kuya Paul nya at sinabing nagkakagulo na naman sa bahay dahil may umatakeng di kilalang nilalang sa isa sa mga guard ng daddy nya. Natagpuan na lang daw itong nakabulagta sa likod ng naka-park na kotse ng daddy nya. At ang nakakapagtaka ay wala da silang makitang finger prints o bakas man lang ng pumatay.
Pumikit sya ng mariin at bumulong.
"Gagawin ko na. Wala namang makakakita eh. " sabi nya saka huminga ng malalim.
"Gagawin ko na talaga!!!" malakas nyang sigaw.
"Wala akong paki kahit may makakita!! Gusto ko ng tapusin tong nararamdaman ko!! " sigaw nya ulet.
"Hindi ko na kaya!!!!! Pagod na 'kong magtimpi kaya gagawin ko na!! " sigaw nya pa ulet with matching emote emote ang boses.
"Eto na talaga!! Yahhhh!!!!" sigaw nya sabay takbo sa dagat....
Bradan's P.O.V:
At last!! Nakauwi narin akong Pilipinas!! The fuck!! Tagal kong atang nawala! Pagkababa ko sa plane tinawagan ko yung driver ko at sinabing dalhin yung sports car nya sa airport. Habang naghihintay, kumain muna sya sa malapit na kainan for 30 minutes. Pagdating ng kotse nya pinauwi nya na yung driver nya at gumala muna sa mga lugar na matagal nya ng di napupuntahan. Pagdating hapon, naglibot-libot muna sa sa country-side. Nang magsawa na, tinawagan nya yung mga tropa nya at pina alam na nakauwi na sya ng Pilipinas. Natawa sya ng magulantang yung mga tropa nya. Wala kasi man lang daw syang pasabi na uuwi sya sya. Sinabihan nya ang itong mga magkita kita sa condo unit nya. Hbang nagda-drive na pauwi, nadaanan nya yung lugar na pinupuntahan nya lagi dati. Yung seashore na yun. Nilagpasan nya muna yung lugar at nagisip. Posible kayang bumalik pa dun yung babae? Tsk. Imposible. Limang taon na ang lumipas kaya siguradong wala na yun.
Hindi pa rin sya nakapag-pigil at bumalik. Pi-nark nya yung kotse nya sa gilid ng kalsada. Marami ng nagbago sa lugar. May nakatayo nang university sa di kalayuan. Bumaba sya ng kotse at tiningnan yung paligid.
Nilanghap nya yung hangin.
"Woah, ang sarap naman ng hangin" bulong nya.
Palapit na sya sa may baybayin ng may marinig syang sumisigaw. 'Talaga lang. Akala ko ba private tong lugar na to?' Sa isip nya.
Hinanap nya yung pinanggagalingan ng boses at nakita nya. Estudyante lang pala. Tsss... Mga bata talaga ngayon.
Nakatalikod sakin yung babae kaya di ko makita yung mukha. Tatalikod na sana ko ng makita kong parang patakbo na sya papunta sa malalim na part ng dagat. OH.
Papabayaan ko ba sya o ililigtas ko?? Mukha naman syang matino ah? Bat nya naman kaya naisipang magpakamatay? Nagulat ako ng bigla na lang syang tumakbo papunta sa dagat na may malalaking alon.
"Hoy!! Miss!! Sandali, wag kang mamatay! Este magpakamatay!" sabi ko habang patakbo papunta sa kanya. Ang bilis nya tumakbo. Nawala agad sya sa paningin ko. Halos hanggang ulo ko na yung tubig at di ko na sya makita. 'Patay na kaya yun?? Grabe naman ang bilis! Di man lang lumutang or something?' Sabi ko sa isip ko. After a few minutes ng paghihintay wala paring lumulutang na katawan ng babae.
Grabe talaga yung babae ang bilis mamatay!! di bale, ire-report ko na lang sya mamaya sa mga pulis. Papunta nakong dalampasigan at nililingon lingon ko parin yung paligid ko baka sakaling makita ko pa sya. Sa sobrang katangahan ko natisod yung paa ko. Nagpanic ako at nawalan ng balanse. Malakas pa naman yung alon kaya mabilis na pumasok sa bibig ko yung tubig. Parang nakalimutan ko lahat ng kaalaman ko sa paglangoy dahil sa panic ko. Maya-maya pa nawalan nako ng lakas at sumuko na. Feeling ko namamanhid yung kanang paa ko. Di ako makakilos. At nagdilim ang paningin ko.
*AUTHOR'S NOTE:
Magkaibang personalities po ang pinapakita nila pag nasa mafia world sila. Deadly ang dangerous po sila pero pag nasa normal world, mababait po sila. Yung mafia world po ibig sabihin nun may mga kasama silang mga mafia rin kaya hindi nila dapat ipakita ang mga weaknesses nila. Yung sa normal wold naman, yun yung normal na buhay at walang mafia sa paligid, Pag biglang naging masungit ang character ibig sabihin po nun may mafia silang nakikita sa paligid nila.