FICTIONAL LOVE
by tinkeobell
⇷⋆⇸ADRENALINE
"Talaga? Sinurprise ka niya? Ang sweet!"
"Nakakainlove nga! Pero mas sweet kayo, ano ka ba! Ikaw ba namang sunduin sa bahay ng hating gabi at magdate sa front yard with matching candlelight dinner pa?! Masyadong atat, ngayon palang naman ang Valentines Day!"
Hay putangina. Simula palang ng storya mura na agad ang bungad, thug life.
Pa'no ba naman kasi, Valentines Day ngayon.
Bawat sulok na madadaanan ko may mga naglalampungan at naglalandian, tapos etong mga katabi ko sa bus papuntang school nagpapayabangan pa.
Pero hindi ako NBSB, mga tsong. LDR lang talaga kami ng mga jowa ko.
Humarap nalang ako sa bintana ng bus at pinagmasdan ang mga tao sa labas.
Napalingon ako nang kulbitin ako ng katabi ko.
"Ate, ate, ikaw? Anong gagawin ng boyfriend mo ngayong Valentines?" Nakangiti niyang tanong.
"Binigyan akong piso, bumili raw ako ng mentos, magpipicnic daw kami mamaya," sabi ko at muling ibinalik ang tingin ko sa bintana.
Matapos ang ilang minuto ay bumaba na'ko ng bus.
7:30AM palang, wala namang classes dahil Valentines Day ngayon kaya tumambay nalang ako sa bleachers sa field.
Bakit ba kasi ako pumasok, wala namang gagawin ngayon. Ang tanga naman ng school na'to, hindi nagkaklase pag Valentines Day, araw daw kasi ng paglalampungan at paglalandian.
Ang dami ngayong couple na nakaupo sa malaking field, ang sarap tuloy sunugin ng field.
Nagsisindi na ako ng posporong napulot ko kanina sa bus nang may tumawag sa'kin, nilingon ko ito.
"Oh ate, dito ka rin pala napasok! Nasa'n na 'yung boyfriend mo? Magpipicnic pa kayo 'di ba?" Napatawa siya saglit, siya 'yung babaeng katabi ko sa bus kanina.
"Ubos na 'yung mentos, e. Next tine nalang daw kami magpicnic, pagnagkastock na ulit," seryosong sabi ko ngunit tinawanan niya lang ako.
"Transferee, ate?" Tanong niya.
"Oo, at pwede bang tigilan mo ang pagtawag ng ate? Mukhang magkasing edad lang tayo, e," sabi ko.
Hindi ako masamang tao, oy. Ganito lang ako kapag hindi ko kilala.
And yes, transferee lang ako at first day of school ngayon, ang tanga talaga, February ang first day.
"Ah, kaya pala ngayon lang kita nakita. May friends ka na?"
"Wala, and I don't intend to," sabi ko.
Joke lang, syempre gusto ko magkaro'n ng kaibigan.
"Ay taray, sige bestfriends na tayo. I'm Harper Alexine Reese, ikaw?" Pagpapakilala niya.
"Adrenaline Saffron Ivana. Level 10 na'ko, ikaw?" Tanong ko.
"Really? Ay parehas tayo! Section mo?"
"10312, 'wag mong sabihing parehas din tayo."
"Omg," napatakip naman siya sa bibig niya. "Okay, sige hindi ko sasabihin." Napatawa naman ako.
Tumawa rin siya. "Anyway, so wala kang boyfriend?"
"Hoy babae, meron nga!" Sabi ko.
"Sus, e nasa'n siya? Asa namang magpipicnic kayo na mentos lang ang handa!" Sabi niya sabay tawa uli.
Inirapan ko lang siya.
"Meron nga sabi!"
"Oh talaga 'tol? Sige nga, anong pangalan, age, saan napasok, saan nakatira?"
Napaisip naman ako.
"Ano, Jax, Jax ang pangalan niya!" Sabi ko. Tangina, Jax. Sa'n naman nanggaling 'yun.
"Still not believing you."
"Pakyu, totoong tao 'yon! Level 10 din siya," sabi ko.
"Ulul, taga rito rin sa Erelius?" Erelius University kasi ang pangalan ng tangang school na'to. Tamo, pangalan palang nakakatanga na.
"Taga Erelius, pero sa Quezon," sabi ko, Erelius Alabang kasi 'to, e.
"Naks Erelius Quezon, bigtime! Pogi naman?"
"Oo naman syempre! Junior basketball player rin 'yun ng Erelius," damn ano ba 'tong mga pinagsasabi ko?
"Ay taray! Anong full name, dali!" Tanong niya.
Muli akong napaisip. Naalala ko 'yung news kaninang umaga na mapaparami raw ang natural calamities ngayong taon.
"Calamity. Calamity Jax," ano ba magandang apelyido? Aha, alam ko na! "Frost. Calamity Jax Frost," sabi ko.
"Yung totoo? Jax Frost? Fan ka ng Rise of the Guardians 'no?" Sabi niya at ngumisi.
Muli ko nalang siya pinakyu.
"Si Calamity Jax Frost nga kasi! Basketball player ng junior team ng Erelius!" Paglalaban ko.
Mukha paring hindi siya naniniwala, pero bigla nalang nagbago ang mukha niya at nanlaki ang mga maya niya.
"Teka, sino kamo? Calamity Jax Frost? Shet, siya boypren mo?!" Tanong niya na pati ako ay nagulat.
Hala anak ng puta. Totoong tao 'yon?!
⇷⋆⇸
Date Posted: 08/29/15
Date Started: 09/19/15
Date Ended: 00/00/00tinkeo: a new story! but this time, novel na. 'yung up to 30 chapters and such, ganern, sana mapanindigan ko pft. anyway, the main plot of this story is based on a real life situation wherein I lied to my friends, well not actually lied, nagloloko lang ako. sabi ko may ka-MU akong half korean na taga ibang branch ng school ko, when in fact, kpop idol 'yun, naniwala naman, so yeah. anyway ulit, sana basahin niyo pffft tinKEO FOR THE WIIIIN! adios, unfabitchachos. share your thoughts and reactions by commenting down below!

BINABASA MO ANG
Fictional Love | Teen Fiction
Teen Fiction↻ wherein adrenaline names a fictional boyfriend that turns out to be real after all. // teen fiction.⟩ "on-hold and might probably be deleted but idk anything could fably happen right?"