Chapter 2: For Having The Name Calamity Jax Frost!

148 18 7
                                    

FICTIONAL LOVE
by tinkeobell
⇷⋆⇸

ADRENALINE

Isang napakalutong na putangina ang nararapat na isampal sa mukha ko.

Katangahan nga naman oo. Pa'no na'ko ngayon?

"Saffy, napatigil ka ata?" Ngumisi siya. Tangina sige, isa pang ngisi tatadyakan ko na 'to.

"Hoy, tigilan mo nga ako sa Saffy na 'yan, buuin mo, pwede? Saffron please. Kung gusto mo Adrenaline nalang, ang baduy ng Saffy," sabi ko.

"Ang cute kaya! 'Wag ka ngang KJ! Hayaan mo na'kong tawagin kang Saffy, para ebribadi haffy!" Nakakalokong sabi niya.

Napailing nalang ako at nagpatuloy sa pag-iisip kung pa'no ako makakatakas sa katangahan ko, ayoko namang mapahiya ako.

Hays, sige na, kakapalan ko na mukha ko.

Tumayo ako at nagsimulang maglakad papunta sa mga babaeng nagkumpulan do'n sa Calamity na 'yon.

Jusko, transferee na transferee ka pa lang, Saffron. Nakagawa ka na kaagad ng katangahan. At take note, first day na first day palang.

Nakipagsiksikan ako sa mga nagkukumpulang babae.

"Excuse me, excuse me, excu--- ay tangina boobs ko punyeta."

Sa wakas ay nakapunta na'rin ako sa harap, agad kong hinawakan sa pulso etong si Calamity at hinigit siya palayo.

"Miss?" Na-iilang na sabi niya sa'kin habang tumatakbo.

"Ikaw si Calamity Jax Frost, 'di ba?" Tanong ko, tumatakbo parin kami.

"Uh, hindi," sabi niya kaya bigla akong napatigil sa pagtakbo.

Hinarap ko siya, "tangina weh?" Tanong ko.

"Namura pako anak ng pota, hindi talaga miss, Zachary Austin Ferrer ang pangalan ko, not Calamity Jax Frost," sabi niya.

Ampota, kaya pala no'ng tinakbo ko 'tong lalaking 'to, hindi nagsunuran 'yung mga babae.

Hays, Adrenaline Saffron Ivana. Manghihigit ka na nga lang, maling tao pa. Magpapakatanga ka na nga lang, kung anu-ano pang katangahan ang ginagawa mo, harujusko.

Literal na napasampal ako sa mukha ko.

"Bakit ba, miss?" Tanong niya. Sasagot na sana ako ng biglang lumaki ng kaunti ang mga mata niya.

"Ay teka, fuck. Ikaw 'yung chix na nagpapansin kay Jax, 'di ba?!" Gulat na tanong niya.

Aba, oo chix ako pero 'di ako nagpapansin, 'di ko nga kilala 'yung tao, e.

"Kailan ako nagpapansin, aber?"

"Just a while ago, nagtweet ka sa twitter ng picture mo at pinatrend mo 'yung hashtag jax frost is taken para mapansin ka ni Jax, 'di ba?" Muli akong napasampal sa mukha ko.

Syempre a twitter, alangang sa instagram ako magtweet, haler.

"Alam mo, pogi ka sana e. Kaso para kang ako, tanga rin. Firstly, hindi ako ang nagpatrend no'n, si Harper, 'yung kaibigan ko. Secondly, hindi ako nagpapansin dahil thirdly, HINDI KO SIYA KILALA," sabi ko, medyo isinigaw ko na 'yung huling statement. Napakunot naman ang noo niya.

"Jusko, mapapahiya lang ako neto, e. Bahala ka na diyan, Zachary ba pangalan mo? Anla, ge," napakamot ako sa ulo ko at nagsimulang maglakad palayo.

Bumalik ako kung sa'n nagkukumpulan ang mga babae at hanggang ngayon ay naroon pa rin sila.

This time, sinigurado ko ng si Calamity na ang mahihigit ko, dahil siya na lang naamn ang lalaki sa gitna ng kumpulan.

Fictional Love | Teen FictionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon