Sana magustuhan po ninyo ang unang kabanata na ito, maari po kayong magbigay ng komento at boto. Maraming salamat po :)
Perugia, Italy
"Anak, talaga bang gusto mong bumalik sa pinas?"
Tinignan ko si mama sa mga mata nya. Mamimiss ko talaga ang mudra ko, pero kailangan ko talaga tong gawin...para sakin rin naman 'to
Ako nga pala si Esther So Lucas, pilipina ako na nakatira sa Italya, nag-migrate kami dito ni mama nung siyam na taon palang ako. Gusto kasi ni papa na dito na rin kami tumirang lahat, dahil nandito na rin ang Lola namin at ang mga kapatid ni papa.
May dalawa akong nakakatandang kapatid, sila si Kuya Dale at Ate Claire, parehas culinary ang kinuha nilang kurso at ngayon ay nagtatrabaho na sila sa iisang restaurant. Ang mga magulang ko naman ay mga taga-linis or domestic kung tawagin, hindi ko ikanakahiya ang trabaho ng mga magulang ko dahil wala naman talaga dapat ikahiya sa trabaho na ito.
May kapatid pa pala akong bunso, si Jace. Hindi ko man sya biological brother pero totoong kapatid na rin ang turing ko sakanya. Isa syang malaking regalo para sa pamilya namin dahil mas lalo ninyang dinagdagan ang kasiyahan namin.
Masiyahin sya at mapagmahal na bata, marespeto rin sya pero minsan syempre hindi mo rin maiiwasan na maging pasaway, pero kahit ganun mahal na mahal ko pa rin sya.
"Opo, ma. Dun ko talaga gustong magtapos ng pagaaral. Atska natapos ko na rin naman ang High School dito ma, ang iniisip ko lang naman kasi ay kung dito ako magaaral, mga walong taon pa ang hihintayin ko bago ako grumaduate, habang sa pinas mga 2 to 3 years lang"
"Nak..pinapaalala ko lang sayo hindi madali ang buhay sa Pinas. At wala kami dun ng papa mo, baka mamaya mapano ka pa dun"
"Bakit ma? Dito po ba madali ang buhay? Di ba hindi rin naman? Tska syempre gusto ko rin pong maging independent.
Kakayod po ako ma, diba ang motto nga natin 'Kahit mahirap..kakayanin!' kaya kakayanin ko po ito, kahit mahirap pa"
"Pano kung nagkasakit ka? Sinong magaalaga sayo dun? Atska nak, wala na tayong bahay dun sa Manila, san ka dun titira?"
"Maghahanap nalang po ako ng apartment pa, kahit maliit okay lang. Ate sasama ako sayo sa Pinas" napatingin naman kami kay Jace na kakatapos lang maligo
"Seryoso ka Jace? Sasama ka talaga sakin?" Pinunasan nya naman yung mukha nya atska umupo sa sofa habang naka tuwalya pa rin. Tsk hindi talaga marunong magdamit
"Mukha ba akong nagbibiro ate? Ayoko naman na magisa ka lang dun, kaya sasamahan nalang kita"
Binato ko naman sya ng unan na kanina ko pa niyayakap
"Akala mo ba magbabakasyon lang ako dun? Dun ako magco-college Jace, tska baka mamaya magloko ka lang dun"
"Sus, si Ate naman. Hindi ako pasakit sa ulo promise! Sige na...Alam ko naman na papayag ka rin, love na love mo kaya ako...at syempre kung dun ka magaaral, edi dun nalang din ako magaaral, odiba! Ayos kaya yun! May roommate ka na, may bodyguard ka pa!"
"Batukan kita dyan eh..bodyguard bodyguard..magpalaki ka muna ng katawan, baka mamaya isang suntok lang sayo tulog ka na"
"Ang mean mo naman ate! May muscle rin naman ako no!" pinakita nya pa sakin yung braso nya "o diba? Check mo nga ma!" hinawakan naman ni mama
"Aba matigas nga! Kasing tigas ng ulo mo!" binelatan ko naman sya
"Basta sasama pa rin ako sayo! At wala nang makakapigil sakin!"
Tumayo na rin sya at dumiretso sa kwarto nila ni Kuya "Magi-impake nako, ngayon din!"
Napailing nalang kaming tatlo
"Sige na, isama mo na si Jace, para nga naman may kasama ka" napa-tango nalang ako. Makulit na bata eh
"Tara na Ate!" matapos ang dalawang linggo ay naayos na rin namin ni Jace ang mga papeles, visa at tickets namin pauwi ng Pinas.
Ang galing nga ni Jace eh, napagkasya nya lahat ng gamit nya sa isang maleta at hand carry, samantalang ako kakailanganin pa ng dalawang maleta, plus hand carry at backpack
"Ingat kayo dun ah, papadalhan nalang namin kayo sa account ninyong dalawa. Pina-open ko na rin yung sayo Jace" Ngumiti naman si Jace na akala mo wala nang bukas
"Ngiting ngiti ka Jace ah!"
"Syempre naman, feeling ko matanda nako eh hahaha" binatukan ko nga "Baliw, kahit 7 years old pwedeng buksan nang account kung gugustuhin ng magulang nila"
Nanlaki naman ang mata ni Jace sa sinabe ko "Di nga ate? Totoo ba yun pa?" Tumango naman si papa
"Sus! Lolokohin nyo pa ko" napairap naman ako "Bahala ka... haisst tara na at baka maiwan pa tayo ng eroplano
Tinulungan naman kami ni Mama at Papa na ipasok yung mga gamit namin sa taxi
"bye ma..bisitahin ninyo kami dun pag nakaipon na kayo ah!"
Ginulo naman ni papa yung buhok namin ni Jace "Behave kayong dalawa ah, tska makipagskype lang kayo samin at itext nyo kami pag nasa Pinas na kayo" bineso beso na namin sila mama't papa at sumakay na rin ng taxi papuntang Rome International Airport
Sakto nang makarating kami ng Airport ay tumawag si Kuya at Ate
"Mga bunso! Mag-ingat kayo dun ha! Tanga pa naman kayo parehas!"
"Ano bang klaseng pagpapaalam yan kuya?" sabe ko kay Kuya, parang baliw kasi eh
"Mamimiss namin kayong dalawa!" - Ate
"Ate kitakits nalang sa Facebook haha" kumakaway kaway pa si Jace, akala mo naman nakikita sya ng dalawa. Minsan talaga iniisip ko kung kanino sya sa amin tatlo nagmana....mukhang sa akin ata.
"Osige na, chupi na! Lilipad na eroplano ninyo oh!" Kung makataboy naman ang ate kong siopao
"Hmp, sige na nga. Babay na, skype nalang tayo pag dating namin dun"
"Osige sige, mag ingat ha. Jace wag masyadong babaero at tignan mo nang mabuti yang ate mo, baka mamaya may boylet na pala!"
"Asus! Ikaw pa talaga nagsabi nyan ah!Ibaba ko na nga!Ang dami nyo pang sinasabi e babushhh sainyong dalawa"
Napabungisngis naman kami ni Jace nang binabaan namin si Ate at Kuya ang dami pang sasabihin eh, baka maiwan na talaga kami.
"Ready ka na ate?" Tumango naman ako. Sobrang ready na ako. Makikita ko na ulit ang mahal kong bansa, makikita ko na ulit ang mga kaibigan ko at makakakain na ulit ako ng mga pagkain na matagal ko nang inaasam.
"SEE YOU LATER MY PHILIPPINES!"
BINABASA MO ANG
His Cold Stare
Romance"They said that when you stare at someone, you can see their real emotion. You can see if they are happy or sad. But why I can't see anything in those eyes?" - Esther Lucas