Salamat po sa pagbasa nang unang kabanata, sana magustuhan po ninyo ang pangalawang kabanata na ito. Maari po kayong magbigay ng komento at boto. Maraming Salamat :)
Chapter 2
"Ate gusto mo ng Frappuccino?" Nasa Singapore na kami ngayon ni Jace. Nag stop-over yung plane ng tatlong oras kaya naman paikot ikot muna kami dito sa Changi Airport. Hindi ko naman first time makapunta dito, kaya alam ko na kung san kami babalik mamaya.
Sobrang ganda ng airport na 'to kaya naman nung malaman kong medyo bumaba yung presyo ng ticket ay nagpa-prenotate nako kaagad. Nasa loob kami ng Starbucks ngayon at namimili ng oorderin namin
"Yes, gusto ko yung Mocha. Ikaw ba?" Napakamot naman si Jace sa batok nya. Nakalimutan kong first time nya nga palang mag starbucks dahil sobrang layo ng branch nito sa Province namin, sa Milano pa.
"Ano bang masarap dyan, Ate?"
"Hmm I don't really know kung ano masarap dyan, kasi laging mocha at espresso yung ino-order ko. Ba't di mo itry yung Green Tea, mukha naman masarap. Tapos patikim mo na rin sakin haha." Tumango naman si Jace at tumingin naman sa menù ng mga dessert
"Alam kong mahilig ka sa Oatmeal Cookies kaya ito nalang bibilhin ko at yung Red Velvet Whoopie Pie kasi mukha din masarap"
Napangiti naman ako
"Ang yaman naman ng baby bro ko. Kumupit ka sa wallet ni Papa noh?"
"Anong kumupit? Inggit ka lang ate kasi mayaman talaga ako!"
"Kwento mo sa lelang mo. Sige na umorder ka na at nagugutom na yung mga dragon sa tiyan ko"
Dali dali naman syang umorder, dahil iba talaga ako magsungit pag gutom. Tska tatlong oras lang ang stopover namin kaya hindi pwedeng babagal bagal.
After 5 minutes, bumalik na rin si Jace with the tray
"Ang mahal pala ng Starbucks ate"
"Oh akala ko ba mayaman ka?" sabi ko habang nakataas pa ang isang kilay ko
"Joke ko lang yun syempre, ang cheap cheap kaya ng Starbucks na yan"
"OO nalang ako Jace" ngumisi naman ang loko
Pagkatapos namin kumain ay naglakad lakad naman kami sa Terminal 1
"Ate, matanong ko lang...may kaibigan ka ba sa Pinas?"
"Of course. May barkada ako dun, paguwi natin ipapakilala ko sila sayo,tska sila rin pala yung susundo satin sa airport. Tapos may best slash childhood friend din ako na babae, si Yumeko. Anak sya ng kumpare ni papa, tapos may ilan din akong kaibigan na kababata ko pero hindi masyadong close."
"Tapos sabi mo sakin may naging kaibigan ka through social media? Ano nga ulit pangalan nun? Alex?"
"Yup alex, pero iba yung spell nung sakanya. She's Alecsandra or Alecsy or Alecs, sya yung nakilala ko sa wattpad. Actually we decided to meet each other. Kailangan nga lang namin i-set kung saan at kailan"
"Isama mo ko ha, mahirap na at baka mamaya may mangyari pa sayo ate. Tska sigurado ka bang hindi catfish yan?"
"Malalaman ko ba yung number nya, personal facebook account, and other social media sites nya kung nagpapanggap lang sya? Tska almost two years ko na rin syang kaibigan, so I trust her"
"Basta sasama pa rin ako sayo"
Kinurot ko nga yung ilong, sobrang kulit eh
"Ikaw! Talagang pinanindigan mo na yang pagiging bodyguard ko e noh? Para kang manliligaw ko na sunod ng sunod! Tse"
BINABASA MO ANG
His Cold Stare
Romance"They said that when you stare at someone, you can see their real emotion. You can see if they are happy or sad. But why I can't see anything in those eyes?" - Esther Lucas