Chapter 3

201 3 3
                                    


Chapter 3

Ang init. Sobrang init dito sa Pinas. Ilan ba ang degrees dito? 45? 

"Ate, ba't di mo naman sinabi na sobrang init pala dito? Naka-pullover pa ako" 

"Nakalimutan ko kasing summer pala dito. Peace! Magpalit ka nalang sa cr." Malamig pa kasi sa Italy e. Spring palang yung season dun, ano bang malay ko diba?  

"Wag na, baka mamaya madaming tao dun. Tara na ate, san ba makukuha yung mga maleta natin?" pinuntahan naman namin agad yung mga maleta at isinakay sa cart

Hays. Ang daming tao, pero hindi naman siksikan. Tska mas maganda na ngayon ang hitsura ng NAIA. Mas malawak na yung rest area, nung last na umuwi ako dito sa Pinas ay kulang kulang yung mga upuan nila kaya naman yung mga taong naghihintay ng flight nila ay nakatayo nalang.

By the way nandito na kami sa labas. Nasan na kaya sila? 

Tinignan ko si Jace. Bigla umubo eh "Huy, anong nangyari sayo?"

"Sinubukan ko lang naman singhutin yung hangin ng Manila, nakakaubo pala ate.

"Baliw ka ba? Puro usok kaya yang sininghot mo!"

Hinanap ko naman yung Van ni Kuya Jeff, kaso ang dami din van na nakaparada dito. Tsk ba't ba hindi matandaan yung kulay ng van nya? 

"Ate sila ba yun?" tumingin naman ako sa tinuturo ni Jace, may dalawang lalaking kumakaway. 

"Oh My. Mga ateng!!!!!" Agad agad naman namin sila nilapitan at niyakap.

Napatingin naman yung pinsan ko na si Xtian kay Jace "Teng, sino tong papabol na kasama mo? Boylet mo?"

Natawa naman ako kasi kumunot yung noo ni Jace "Hahaha baliw! Sya yung bunso namin. Di mo ba natatandaan si Jace? Jace, pinsan natin si kuya Is"

"Sup, bro" bati ni Jace, kahit na mukhang awkward pa rin sya kay kuya Is haha. "I'm fine bro. How are you bro? I like you bro, do you like me too bro?" 

Bigla naman kami natawa ni Kuya Micky, ex ng ate ko. "Gaga talaga tong si Xtian! Jace, niloloko ka lang nyan, ganyan talaga sya sa mga bago nyang kakilala kaya wag kang magalala. Ako pala si Kuya Micky mo, boyfriend ng ate mo haha."

Nagulat naman si Jace "Sinong ate?" 

"Kapal ng mukha mo Micky. Wala na kayo ni Claire uy! Move on,move on din!"

"Aba teka nga, ba't ba nandito pa tayo sa labas? Kanina pa nila tayo hinihintay oh!" Si kuya Is na yung nagtulak ng cart namin. 

"bebe!! Kamusta ka na? Uyy si Jace!" Niyakap ko naman yung isa kong pinsan na si Rj at nakipagkamayan naman si Jace

"Okay lang ako. Buti naman naalala mo pa si Jace, si kuya is hindi na eh!" 

"Puro mga boylet nya lang naman iniisip nya hahaha. Kamusta na Jace? Lalong gumagwapo ah. Madami kang chicks noh?"

"Maraming nanliligaw, pero di ko sinasagot. Masyado akong gwapo para sa kanila"

"Woahh manang manang sa ate ah!"  Inirapan ko naman si Rj

"Ewan ko sayo. Wag mo kong ibeastmode, nagugutom nako" Pumwesto naman ako sa pagitan ni Grace at kuya Is. Si Jace nakipagdaldalan muna kay kuya Micky at Rj

"hi Chandy" yep, that's my nickname "Kilala mo ba ako?"  

"Oo naman, nakita na kaya kita sa skype! Nice to meet you pala" ngumiti naman sya

"Talaga nakita mo nako sa skype? Kailan yun?" 

"Ateng lasing ka nun! Kaya di mo maalala. Diba, sabay pa nga tayo natulog nun?" 

His Cold StareTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon